Sixteen

62.9K 1.2K 50
                                    

Welcome Back Dara Park!!

-------

Kanina pa tapos si Ellaine na maligo at nakapagpalit narin siya ng damit. Dahil sa pagmamadali ay maong shorts at statement shirt lang ang sinuot niya.

Dapat kanina pa siya bumaba at pumunta sa mga tao na nasa dining room pero natigilan siya. Halos isang oras na ata siyang nandito sa kwarto niya. Nakaupo lang siya may kama niya at malalim ang iniisip.


"Akala ko nalunod ka na eh."

Liningon niya kung sino ang nagsalita at doon nakita niya si Mico na nakasungaw sa may pinto niya. Hindi niya ito nginitian, hindi niya rin ito sinungitan. Tinignan niya lang ito.

Pumasok si Mico at lumapit sakanya. Tumabi ito sa tabi niya.

"Baba ka na. Matutunaw na ang kandila mo oh."

Yumuko lang siya sa sinabi nito at pinaglaruan ang mga daliri niya.

"Ellaine? Ano'ng problema?" Hinawakan ni Mico ang kamay niya ng mahigpit.

Tinignan niya ito ng walang ekspresyon. "Bakit ka nandito? Death anniversary ni Ate."


"It's also your birthday." Sabi nito na tila ba binalewala lang ang sinabi niya.

"Matagal na ako tumigil sa pagse-celebrate ng birthday ko."

Nagulat naman siya nang biglang umalis sa tabi niya si Mico at nag-squat sa harap niya.

Hinawakan nito ang baba niya at iniangat ang mukha niya. "Pwes, it's time to celebrate your birthday again."


Gusto niyang yakapin ito. Gusto niyang magtatalon sa tuwa dahil sa sinabi nito. Pero hindi niya magawa.

Dapat ba?

Pwede ba?


Ayos lang ba?

Iyang mga tanong na iyan ang pumipigil sakanya.

"Tell me what you're thinking." Salubong ang kilay ni Mico nang tanungin siya nito.

"Pwede ba? Ayos lang ba?" Sagot niya.

"Of course you can tell me."

Umiling siya. "No, I mean that's what I am thinking."

Kumunot naman ang noo nito na tila hindi siya naiintindihan.

Huminga siya ng malalim. "I don't think it's right to celebrate my birthday. Parang feeling ko binabastos ko ang alaala ni Ate. Ayokong maging masaya sa araw ng kamatayan niya." Tuluyan ng tumulo ang luha niya.

Mico immediately wiped it. "Ssh.. don't say that, sweetie."

"Ikaw? Nakalimutan mo na ba ang Ate ko? Bakit mas pinili mo pa ang i-celebrate ang birthday ko kesa sa magluksa ka?"


Mico smiled at her. "Alam mo ba iyan din ang problema ko nung mga nakaraang araw? I always remind myself that I should grieve. But my friends put some sense to me. Elisha will always be my love. She will not be erased in my memory and heart. I always pray for her. Pero hindi rin naman tama na makalimutan ko rin ang ibang tao na importante sa'kin. Lalo ka na."

"Mico.."

"All I'm saying is that huwag mong pigilan ang sarili mo sa mga bagay na magpapasaya sa'yo. I saw how your eyes lit up the moment you saw our surprise. You're happy."


Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon