Twenty-seven

65.1K 1.2K 108
                                    

Tahimik na kumakain lang si Ellaine kasama si Mico at ang mga kaibigan nito ng hapunan.

Pagkatapos mangyari iyong kahapon ay nagkulong lang siya sa kanyang kwarto buong araw. Nahihiya siya kay Mico at the same time naiinis sia sa sarili niya.

Naiinis siya kasi sa kapabayaan niya.

Pilit niyang iniiwasan si Mico. Hangga't maari, hindi niya ito titignan. Ayaw niyang mangyari iyon. Nahihiya siya.

Kanina nga paglabas niya ng kwarto, ay saktong dadaan ito sa tapat niya kaya naman mabilis siyang kumaripas ng takbo pababa. Narinig niya pa ang tawag nito mula sa likuran pero hindi niya iyon pinansin.

Tapos kanina, nung tanghalian ayaw niya sanang sumabay sa pagkain pero hinila na siya nina Colyn sa dining room kaya naman wala siyang nagawa kundi sumabay sa pagkain. Buti nalang katabi niya si Erin at nakipag-usap lang siya rito hanggang sa matapos ang pananghalian.

Nung kinahapunan naman ay inaaya ulit siya nina Erin na sumama dahil ipapasyal daw sila ni Mico sa may batis. Pero tinanggihan niya ang mga ito. Buti nalang ay hindi na nagpumilit pa ang mga ito dahil sinabihan ni Mico na hayaan nalang raw muna ako.

Siguro ramdam din nito na ayaw niya munang makipag-usap.

Hindi siya manhid. Alam niyang gusto siyang kausapin ni Mico. Nakita niya ang mga tangkang lapitan siya na mabilis niya namang naiiwasan.

Hindi naman kasi sa ayaw niya kasi galit siya rito.

Ayaw niya munang makipag-usap dahil nahihiya siya rito.

Ano nalang ang mukhang ihaharap niya kay Mico?

Matapos niyang pagbintangan ito na pinagsamantalahan siya, aksidenteng nabigyan niya pa ito ng nude show!

Buong araw niyang iniyakan iyon. Aaminin niya, it's not the first time that a guy see her naked self. Nang nasa metro pa siya, mahilig nga siyang magparty at magpakalasing sa bar, and then at the end of the night, she would end up having great sex with his acquaintance for that night. Pero hindi naman madalas mangyari iyon dahil minsan lang naman siya nalalasing. At madalas bago pa siya makalabas ng bar ay binubuhat na siya ng mga bodyguards niya papasok ng kotse at iuuwi na sa mansion.

Pero kasi! Iba ito!

Si Mico ito!

He's not like the other guys she had flings.

Ang mga iyon, wala lang sakanya. Walang importansya para sa kanya. Pero si Mico...

Mico is special. Mahal niya ito. Kahit na bawal hindi niya itatanggi sa sarili na mahal niya ito.

Kaya nga siguro madalas niya ito tinatarayan at inaaway para narin siguro maitago niya na may gusto siya rito. It's like her shield for her love. Kailangan niyang itago iyon.


"Ellaine are you okay?" Tanong sakanya ni Marco na nasa may harapan niya.

"Uhh.. oo." She forced a smile to him.

Hindi sinasadya napabaling ang tingin niya kay Mico at nagtama ang mga mata nila. Agad siyang umiwas ng tingin dito at tinuon ang atensyon sa pagkain niya.

Nang hindi niya na talaga makayanan ay hindi na niya natiis na tumayo.

"Mauna na ako. I-I'm not feeling well." Dahilan niya.

Hindi na niya hinintay ang mga sagot nito dahil mabilis na siyang umalis at umakyat sa kwarto niya.

Isasara na sana niya ang pinutuan niya nang mabilis na iharang ni Mico ang katawan niya. Hinabol pala siya nito.


Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon