Twenty-four

64.4K 1.2K 106
                                    

Ang sinabi ni Ellaine na magsasabi siya ng 'thank you' kay Mico ay naka-waiting parin.

Paano ba naman? Kanina nang makasalubong niya ito ay ni hindi man lang siya tinapunan nito ng tingin. Tapos nung dinner, tuwing kinakausap niya ito ay hindi ito sumasagot, tapos kakausapin nalang bigla-bigla si Marco na nasa tabi nito.

Tapos ngayon, nag-iinuman ang mga ito - minus the girls - sa may terrace ng hacienda.

"Ellaine, okay ka lang?" Pukaw sakanya ni Adie na katabi niya.

Nandito silang dalawa sa may mini sala sa may second floor kung saan malapit lang rin sa may terrace na kung saan naman nag-iinuman ang mga lalaki. Si Erin at Mitch ay nasa may kusina at gumagawa ng late snack nila habang si Colyn naman ay tulog na.

"Yeah. Why?"

"You seemed spaced out. I don't know." Adie shrugged her shoulders.

Napabuntong-hininga siya. Tinignan niya muli si Mico na nakikipagtawanan sa mga kaibigan at muling binalingan si Adie sa tabi niya.

"Hindi ko kasi ma-gets si Mico. Bigla nalang naging mailap. Para bang hangin nalang ako sakanya na dinadaan-daanan nalang. Nakakainis na." Himutok niya rito.

Natawa naman ng kaunti si Adie. "Affected ka?"

Kumunot naman ang noo niya rito.

Affected?

Siya?

Napailing siya rito at natawa narin. "Ako?" Turo niya sa sarili. "Affected? Hindi ah. Nakakainis lang kasi, kung ayaw niyang kausapin ako, sabihin niya. Hindi iyong pinagmumukha niya akong tanga. That's why I'm pissed off."

Natawa ulit si Adie. "Affected ka nga." Sabay sandal sa sofa at angat ng dalawang paa sa coffee table habang may hawak na tablet sa kamay.


"I said I'm not!" She hissed at Adie.

"Uy ano iyan ha?" Napatingin siya sa kanyang likod at nakita sina Mitch at Erin na may dalang isang bote na may lamang white liquid. Hindi niya alam kung ano iyon. Tapos may mga dala rin itong mga finger foods.

"What's that?" Turo niya sa mga dala ng mga ito.

"Mag-iinuman rin tayo! Akala ng mga lalaki sila lang ha?" Sabi ni Mitch.

Napaupo ng maayos si Adie. "Nasaan iyong alak? Tsaka ano iyan?" Turo nito sa isang bote na dala ng mga ito.

Natawa naman si Erin. "Nakita ko kasi ito sa may cupboard tapos tinanong ko si Manang Ising sabi lambanog daw ito na ipinatago nung isang trabahador. Hiningi ko, ayun binigay naman."


She made a face. "Lambanog? Bakit iyan pa? Ang daming mamahaling alak nina Mico sa cellar nila."

Erin and Mitch smiled.

"Sabi kasi nila mas malakas raw ang tama ng lambanog. Ewan, tsaka hindi ko pa ito nata-try eh. Si Mitch din hindi pa. Kayo ba?"


Umiling si Adie. "I haven't tried it before. But my kuya Adrian tried it once and halos gumapang siya sa kwarto niya sa sobrang kalasingan." Natatawang kwento ni Adie.


Tinignan naman siya ng mga ito na parang tinatanong rin. Umiling rin siya. "No. I haven't tried it. And I will never try that." Sabay turo sa lambanog.

Nginisian lang siya nina Erin.

Sa huli, nakita niya nalang ang sarili na iniinom ang isang shot ng lambanog.

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon