One

95.2K 1.5K 71
                                    

"Bitawan niyo ko! I said, BITAWAN NINYO AKO!" pagpupumiglas ni Ellaine habang binubuhat siya ng dalawang tauhan na pinadala ng Daddy niya para sunduin siya. Hindi niya alam kung paano nila siya natunton. Ang utak talaga ng tatay niya sa isip-isip niya.

She was busy dirty dancing at an exclusive club with some guy nang bigla nalang siya buhatin ng dalawang maskuladong lalaki sa magkabilang braso at inilabas sa club. Nanggagalaiti siya sa sobrang galit dahil napahiya siya sa mga tao sa loob ng club.

Padabog na ipiniglas niya ang magkabilang braso sa pagkakahawak ng dalawang lalaking ito.

"Siguro naman pwede n'yo na ako bitawan dahil nasa loob na ako ng bahay?" Mataray na sabi niya.

Pinagpag niya ang dalawang braso na para bang may mikrobyong hatid ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid niya. Inis na hinarap niya ang dalawa at dinuro. "Both of you, are fired." Galit na sabi niya pero kahit anong response mula sa mga ito ay wala siyang natanggap. Nakita niya lang na yumuko ang mga ito sa likod niya at lumabas na ng bahay.

Pinagkrus niya ang dalawang braso at hinarap ang Daddy niya na ngayo'y pababa ng hagdan nila. "Ako lang ang may kakayahaang sumisante sa mga tauhan ko, Ellaine." Seryosong sabi ng Daddy niya.

Kanina pa niya iniipon ang galit at inis niya sa Daddy niya. And suddenly, she just exploded. "What the fuck, Dad. Bakit ninyo pinutol lahat ng credit cards ko?! God! Buti nalang may cash ako, kung hindi nakakahiya kanina sa bar! Don't ever do that again!" Sigaw niya Daddy niya.

"Don't swear on me, Ellaine! Gagawin ko ang lahat ng gusto ko sa pera ko!" Mariin at malakas na sagot ng Daddy niya. He also gave emphasis to the words 'pera ko'.

She rolled her eyes. "At kailan pa kayo nangielam sa mga aktibidades ko sa buhay?" Mataray na tanong niya sa Daddy niya.

Tinignan siya ng matalim ng Daddy niya. Pero sa totoo lang, hindi siya nasindak kahit katiting man lang. Dahil sanay na siya. Sanay na sanay na siya. "When are you going to grow up, Ellaine?! Twenty-two years old ka na, pero ganyan ka parin mamuhay! Okay sana kung pera mo ang ginagamit mo eh, pero hindi! Ni wala kang trabaho! Ayaw mong pumasok sa opisina natin, ano na ba ang gagawin namin ng Mommy mo sa'yo!" Frustrated na panenermon sakanya ng Daddy niya.

Napabuga nalang siya ng hininga dahil naiiinis siya sa drama ng Daddy niya. Hindi nalang niya ito pinansin at dire-diretsong umakyat sa taas at pupunta sa kwarto niya. She can still hear her Dad shouting at her.

"Ayan! Ni wala kang respeto sa'kin, samin! Grow up, Ellaine! Lagi ka nalang ganyan!"

"Blah blah blah.. whatever." Inis na bulong niya sa kanyang sarili. Buti nalang at wala ang Mommy niya sa bahay kung hindi doble ang nanenermon sakanya.

Nang makarating siya sa tapat ng kwarto niya ay pinihit niya ang door knob pero naka-lock iyon. Ilang beses niya pang pinihit ang seradura pero naka-lock talaga. Pinigilan niya ang isang maid may hawak ng mga gamit panglinis na lumabas mula sa isang kwarto.

"Bakit naka-lock ang kwarto ko?!" Mataray na tanong niya rito.

Kitang-kita niya ang takot at kaba sa ekspresyon nito pero wala siyang pakealam. She wants to lie down pn her bed and let sleep take all the bullshits in her life!

"H-Hindi ko po alam, ma'am." Sabi nito.

Pinisil niya ang pagitang ng dalawang mata niya at huminga ng malalim. "Fine. Get the key." Utos niya.

"P-Pero ma'am.."

"I SAID GET THE DAMN KEY!" Bulyaw niya rito.

"Ipinag-utos ng Daddy mo na i-lock ang kwarto mo at huwag ka nang papasukin riyan. Sige na, Sonya.. umalis ka na." Singit ni Manang Mildred - ang yaya niya simula palang bata siya. Dito lang siya naghihinay sa galit niya.

"Manang, bakit?" Hapong-hapo na tanong niya.

"Mabuti pa at puntahan mo nalang ang Daddy mo sa opisina niya sa baba." Sagot nito. Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang kalungkutan sa tono nito.

Mabilis na bumaba siya at pumunta sa opisina ng Daddy niya. Walang katok-katok ay pabalibag na binuksan niya ang pintuan sa opisina nito.

She saw her Dad talking to a man na may earpiece sa tenga. Nasa likod ng mga ito ang dalawang lalaking kumaladkad sakanya pauwi ng bahay.

Pero nanlaki ang mata niya nang makita ang mga maleta niya sa isang gilid. Mabilis na pinuntahan niya ang mga iyon at binuksan isa-isa. Automatically, her face became red because of the anger she is feeling right now. Padabog na tumayo siya at pinuntahan ang Daddy niya na prenteng nakatingin nalang sakanya ngayon.

"Bakit mo pina-empake ang mga gamit ko?! I told you, I don't like anyone touching my stuffs!!" Tili niya.

"Johnny, this is my daughter Ellaine. Kayo na ang bahala sakanya. Ihatid niyo siya ng ligtas. Make sure hindi siya makakatakas." Her father turned to the man at his side named Johnny and obviously her father ignored her rant.

"Saan ako pupunta? Hindi ako sasama! Ibalik mo ang mga gamit ko sa kwarto ko at inaantok na ako!" Galit na sigaw niya sa mga ito.

"You'll be staying at your Ninong Damian's Ranch until you get your act right!" Galit na asik sakanya ng Daddy niya.

Napanganga siya sa sinabi ng Daddy niya. She can't believe na ipapatapon siya ng tatay niya out of nowhere! Her Ninong's ranch is the most secluded place she has been! Limang oras ang layo ng rancho ng mga ito sa mismong bayan ng lugar na iyon!

"You're joking, right?!" She scoffed.

But her father ignored her once again and turned to the men beside him. "Sige na, umalis na kayo." Malamig na utos nito sa mga iyon.

Nang hahawakan siya ng isa sa mga lalaki ay mabilis na ipiniglas niya ang kanyang braso. "C'mon Dad! Anak ninyo ako, you can't just throw me away!" Frustrated na sabi niya.

"I can, Ellaine. I can." Seryosong sabi sakanya ng Daddy niya.

Naiiyak siya sa ginagawa ng Daddy niya. Pero itinago niya iyon. Ayaw niyang makita siya ng Daddy niya na ganito ka-miserable. Ayaw niyang ipaalam rito na nagwawagi ito sa sitwasyon ngayon.

Nagpupumiglas siya sa mga hawak ng mga lalaki pero malalakas ang mga ito kaya madali siyang nabuhay ng mga ito na para lang isang sako. Pinagpapapalo niya ang likod ng lalaking may buhat sakanya pero hindi ata nito iniinda ang palo niya.

Sa huli ay sumuko na siya. She looked up her father once more, pero nakatingin lang ito sa labas ng bintana.

"I hate you!" Sabi niya sapat lang na marinig ng Daddy niya.

Mabilis na ipinasok siya ng mga lalaki sa kotse pero bago pa siya makatakas ay pumwesto na ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid niya habang yung Johnny ay pumwesto sa may passenger seat. Sinabihan lang nito ang driver na umalis na.

Napapikit siya ng mariin. How could his father be this cruel?!

Sa sobrang pagod ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

-------

Hi guys! Please support Ellaine and Mico's story just like how you supported the other boys. :)

VOTE AND COMMENT.

FOLLOW ME. @kendeyss

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon