Nineteen

60.3K 1.2K 71
                                    

Nakita ni Ellaine kung paano paglulundagan ng apat na makikisig na lalaki si Mico. Sa may isang tabi ay naroon naman ang apat na mga babae. Ang isa ay tila modelo, matangkad at ang ganda. Ang isa naman ay isang medyo matangkad na babae, kulot ang buhok at may DSLR sa leeg, ang isa naman ay isang petite na babae na nakaangkla ang braso sa matangkad na babae habang ang isa ay halata ang baby bump nito pero kahit ganoon ay umaangat ang kagandahan at pagiging elegante nito.

Nangunot ang noo niya, parang nakikilala niya ang babaeng buntis. Saan nga ba niya ito nakita?

Nang mapagtanto niya ay biglang nanlaki ang mata niya at hindi niya napigilang lapitan ito para makipagkilala.

"Colyn? Colyn Valdez, right?" Abot niya sa kamay ni Colyn.

Tila nagulat ito pero sandali lang dahil natawa ito at kinamayan siya.

"Yes. Ako nga." Nakangiting sabi nito. "But my surname is Santillan now." Natatawang sabi nito sakanya.

"Oh my God! I can't believe I will see you in person! I love your designs! Suki ako ng Glambition! Can I get a picture with you?"

Natatawa parin ito nang pumayag.

Kinapa niya ang kanyang bulsa para kuhanin ang phone niya pero nang wala siyang makapa ay doon niya lang napagtanto na wala pala siyang phone dahil pati iyon ay inilayo sakanya.

Bumuntong hininga siya. "I forgot, wala pala akong phone."

"I can take your picture." Sabi ng babaeng may DSLR sa leeg.

Binalingan niya ito. "Really?"

"Yes, please Adie." Sabi ni Colyn at binalingan siya. "Come, Adie will take our picture."

Tumabi siya rito para makuhanan sila nung babaeng tinawag nitong Adie.

"Can I see?" Tanong niya kay Adie.

Ngumiti naman ito at hinarap sakanya ang DSLR.

"Paano ko makukuha iyong picture? May instagram ka ba? Pakitag nalang sa'kin."

Saglit na natigilan ang mga babae at maya-maya ay sabay ring mga tumawa. Kumunot ang noo niya. Did she said something funny para tumawa ang mga ito?

Bigla ay nakaramdam siya ng inis kaya tumaas ang kilay niya. She crossed her arms and faced them. "What's so funny?" Mataray na tanong niya.


Tumigil naman ang mga ito at ngumiti sakanya. Si Colyn ang sumagot sakanya. "No, no. Natutuwa lang kami sa'yo.. uhm, pardon me but what's your name?"


"Oh, I'm Ellaine. Ellaine Manansala." Sabay lahad sa kamay niya.

"Oh, so you're Ellaine. Hi, I'm Erin." Ito ang unang umabot sa kamay niya. Ito iyong babaeng petite. Hindi naman ito maliit siguro sa tantiya niya ay nasa 5'3" ang height nito. Mas matangkad lang siya siguro ng two inches.

Pagkatapos ni Erin ay iyong matangkad naman na babae iyong nakipagkamay sakanya. "Hi, I'm Mitch. Nice to finally meet you."

Sumunod naman na nakipagkamay ay si Adie at siyempre kilala niya na si Colyn pero naguguluhan siya sa mga sinasabi nito. Tila ba'y alam ng mga ito kung sino siya.

"Kilala ninyo ako?" Tanong niya sa mga ito.

Si Mitch ang unang nagsalita. "You're the heiress of Manansala Shipping Corporations, right?"

Tumango naman siya. Oo nga pala, nakalimutan niya na sikat pala ang apelyido niya. At kilala siya bilang tagapagmana ng Shipping Corportions na dapat ay para sa Ate niya.


Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon