Fourteen

61.8K 1.1K 56
                                    

Dalawang linggo.

Dalawang linggo na ang nakakalipas nang mangyari ang sagutan sa pagitan niya, ni Mico at ng mga magulang niya.

Pagkatapos rin ng nangyari ay umuwi narin ang parents niya. Mabuti narin iyon dahil lalo lang silang magkakasagutan kung mananatili ang mga ito.

Gustuhin man niyang humingi ng sorry sa Ninong Damian at Ninang Inna niya ay hindi na niya nagawa.

Malaki ang naging pagbabago sa loob ng dalawang linggo.

At isa na ang pag-iwas nila ni Mico sa isa't-isa. Laging si Manang Ising ang nagbibilin sakanya ng mga dapat niyang gawin. Sinusunod naman niya ito kahit na minsan labag sa kalooban niya ay hindi na siya nagreklamo.


Ngayon, bored na bored na siya sa loob ng kwarto niya. Hapon na pero himala at walang inuutos sakanya si Mico.

Sa halos isang buwang pakakastuck dito sa rancho ay kahit papano nasanay na siya sa mga gawain rito. Lagi na nga siyang gumigising ng maaga. Hindi nga lang siya lumalabas ng kwarto pero gising na siya ng four thirty ng umaga.


"Haaay!" Buntong-hininga niya. Tumayo na siya mula sa pagkakahiga at inayos ang buhok pagkatapos ay bumaba na.

Kakain nalang siya at ng may magawa naman siya.

Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang ibang maids na nagluluto. Marahil siguro para mamayang hapunan. Nilapitan niya ang mga ito.

"Ano ang mga iyan?" Usisa niya.

Nagulat naman ang mga ito sa pagsulpot niya. "Señorita, naku nagluluto po kami ng meryenda para sa mga trabahador tapos po ay hapunan naman ninyo ang lulutuin namin."


"Ah. What's that? Banana cue ba iyan? Teka, ikaw si Rona, right?"

Mukha namang nagulat ang tinawag niyang Rona. "K-Kilala niyo po ako, señorita?"

She shrugged. "Narinig ko si Manang Ising na pinapagalitan ka kahapon. Ang lakas pala ng boses ni Manang, ano? Nakakabingi." She made a face.

Mukha namang natigilan ang mga ito sa sinabi niya.

"What? Is there something wrong?" Tanong niya sa mga ito. She crossed her arms and raised her eyebrow.


"W-Wala naman po."

"Anyways, tutulong ako ha?"

"Naku señorita, huwag na po. Kaya na po namin." Sabi nung isang maid.

Ikinumpas niya ang kamay at isiningit ang sarili sa pagitan ng mga ito. "So, how do we make banana cue?" Tanong niya.

"Seryoso po ba kayo, señorita?" Nag-aalangang tanong nung Rona sa kanya.

Tinignan niya ito with her bored look. "Do I look like I'm joking to you?" Pagtataray niya rito.

Yumuko naman ito. "H-Hindi po. Pasensya na po."


She heaved out an exasperated sigh. "Ipapakita niyo ba sa'kin kung paano gumawa o tutunganga lang kayo diyan? Nagugutom na ako."

Mabilis namang kumilos ang mga ito. Isa-isa sakanya ipinakita kung paano gumawa ng banana cue. Madali lang naman pala eh. Akala niya napakahirap. Gumawa rin sila ng turon nang may natirang mga saba pa.

Kumuha siya ng tig dalawang pirasong banana cue at turon. Dinala niya iyon sa dining room. Kinuha niya rin ang whip cream at choco syrup na nakita niyasa refrigerator at nilagyan ang turon niya. Napapikit siya nang masarapan siya sa niluto nila.

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon