Ten

66.9K 1.2K 81
                                    

Hindi alam ni Mico kung ano nangyari kay Ellaine. Bad mood nanaman. Bumuga nalang siya ng hangin at tsaka sinundan ito sa labas.

"Ellaine.." Tawag niya rito pero hindi lang siya nito pinansin at palinga-linga lang ito sa paligid.


Napapalatak nalang siya at hinila nalang ito.

"Ano ba!" Singhal nito sakanya.

"Alam mo, ang arte mo. Meron ka ba?" Biro niya rito.

Hinampas naman siya nito ng malakas sa braso. "Alam mo ang bastos mo!"


"Ano'ng kabastos-bastos sa sinabi ko?" Manghang tanong niya rito.

Patuloy lang niya itong hinihila.

"Saan ba tayo pupunta?! Tsaka pwede ba! Bitawan mo ko, hindi ako aso mo at kung hilahin mo ay para akong alaga mo!" Sigaw nito sakanya.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Padabog naman nito binawi ang kamay.


"Alaga kaya kita." Sabi niya rito.

Gulat na napamaang naman ito sakanya. "What?!" Sigaw ulit nito.


Naku, kung may masking tape lang siyang dala kanina niya pa nilagyan ang bibig nito. Napakaingay, nakakahiya sa mga tao. Pinagtitinginan pa naman sila.


"Ayan ka nanaman sa isip mo eh. Siyempre, nasa puder kita kaya aalagaan kita. Takot ko lang kay Ninong Edgar." Inakbayan niya ito at naglakad na sila.


Humalukipkip lang ito at bubulong-bulong. "As if he cares."

Napatingin naman siya rito nang marinig niya ang binulong nito. Gusto niya sanang umapela kaya lang hindi na rin niya ginawa bagkus ay nanatiling nanahimik nalang siya.



Nakarating sila sa isang wet market na may mga kainan sa mga gilid.

Naramdaman niyang humawak si Ellaine sa braso niya. "Are you saying we're going in there?" Nandidiring sabi nito.


Pinaningkitan naman niya ito ng mata. "Oo."


Natawa ito. "Nakakatawa ka talaga, Mico."


"Hindi ako nagbibiro Ellaine."


"Ang baho kaya! Hindi ka ba nalalansahan sa amoy?!"


"Sarili mo lang ang naamoy mo, Ellaine."


Napamulagat naman ito sa sinabi niya. Naiinis siya ng kaunti sa inaasta nito. Ang laki ng ipinagbago nito. Oo, alam niyang laking mayaman ito. Kahit naman din si Elisha dati ayaw sa mga ganitong lugar. Pero hindi niya aakalaing pati si Ellaine ay ganito rin. Simula nang mga bata pa sila ay si Ellaine na ang walang kiyeme. Pero siguro nga totoo ang sinabi nito. She changed.


"Huwag ka nang maarte. Dalawang choices lang iyan eh. Maiwan ka dito mag-isa o sasama ka sakin. Ano?"


Nagdabog naman ito at ito pa mismo ang naunang pumasok sa loob ng wet market. Napangiti naman siya at sinundan ito.


"Matatawag mo pa bang pagkain ang mga iyan?!" Sabi ni Ellaine sakanya.

Natatawa naman siya rito. "Oo naman. Masarap ang mga iyan."

Tinignan lang siya ni Ellaine na parang tinitignan kung nagsisinungaling ba siya o ano.


"May lason ito?" Nakataas na kilay na tanong nito sakanya.


Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon