The Chosen Chapter One and Two

2.9K 18 6
  • Dedicated kay Princess Ann Varias
                                    

CHAPTER ONE

 

KAKATAPOS lang ni Gie magwalis ng kanilang classroom nang datnan siya ni Sir Renz. Tila wala sa modo itong guwapo nilang adviser. Hindi niya na lang ito pinansin. Sinipat niya ang kanyang bisig relo. Pasado ala-singko na. Pinuntahan niya sa locker room ang kanyang kaibigang si Cesca. Nadatnan niya itong nag-aaayos ng gamit nila sa locker.

"Ang tagal mo naman riyan," angal niya rito.

"Eh, ikaw kaya ang mag-ayos dito. Ang gulo-gulo kaya ng gamit mo!," sambit nito pagkatapos isara ito.

        "Pati rin kaya sa'yo. Nya'y..." nakangisi niyang sabi. Hindi naman ito umangal. Haggard na ang mukha nito kaya naitanong niya kung ayos lang ito. Tumango naman ito.

"Napakatagal niyo naman!" angal ni Rain.

        "Ba't ba lagi ka nalang nagmamadali Rain, parang araw araw na lang ata may lakad ka eh,"sabad ni Lyn. Sumang-ayon naman siya dito. Kahit din kasi siya napapansin lagi itong nagmamadali. Umuuwi lang naman ito sa bahay nila. Bumaba na silang apat ng hagdanan.

        Three years na silang magkakaibigan. Ang isa naman ay apat na taon na dahil ka-close niya na ito since first year sila, si Rain. Laging masaya si Gie sa tuwing nakakasama niya ang mga ito. Maingay kasi ang mga ito at magulo pero hindi naman sila katulad ng iba na nagpapabaya. Itong tatlo lang ang tanging kasundo niya sa skul. Mga totoong tao kasi ang mga ito, sa palagay niya, kaya madali niya itong nakasundo. Mahal na mahal niya ang mga ito at ganoon din ito. Malas lang at malapit na silang magtapos. Maghihiwalay na sila ng landas kahit na pwede naman na mag-enroll sila sa iisang skul pero ayaw niya dahil gusto niyang subukan na siya lang mag-isa na hindi umaasa sa kanila.

        " Hoy!Tulala ka na naman!," sita ni Cesca o Ces. Nagpaalam na ito sa kanila at sumakay ng school service nito. Kumaway na lang siya dito.

Nagkukulitan silang tatlo habang naglalakad sa daan. Lagi nila itong ginagawa sa tuwing good mood ang mga ito.

"Baboy ka talaga Lyn!," natatawang sambit ni Rain habang hinahampas nito si Lyn. Hindi naman ito pumapalag. Sanay na silang magbiruan ng ganoon. Mahilig manglait kaya kawawa sa kanila kung sino man ang mapag-tripa-an nila. Maging siya ay hindi ligtas sa mga dito buti na lamang ay hindi sila nagkakapikunan.

"Oo, palibhasa kwago ka kasi!," banat ni Lyn. Malaki kasi ang mga mata nito samantala mataba naman itong si Lyn. Siya lang yata ang may maayos na hitsura sa kanila kaya kapag nagtabi-tabi silang apat siya madalas ang napapansin ng mga kalalakihan.

"O, pipi na yata itong kasama natin. Hoy magsalita ka naman diyan. Lagi ka na lang may sariling mundo eh," pang-aasar ng mga ito ng mabalingan siya. Tinawanan niya lamang ang mga ito. Totoo kasi na minsan ay may sarili siyang mundo, moody kasi siya, ito lang ang ikipinangit niya.

"Oo na may sariling mundo nga ako. Kita mo saan ba ako makakakita ng baboy at kwago na nakikipag-usap sa akin?" corning niyang biro. Tumawa lang ang mga ito sabay hampas sa kanya. Mamimiss ko kayo.

Sa sobrang kaharutan ay muntikan na siyang matumba buti na lamang at napahawak siya agad sa braso ni Rain.

"O, anong nangyari  sayo," natatawang sambit nito.

" Bwisit kayo, muntikan na ako nadapa oh," kunyaring pagtatampo niya.

"Ay sayang di' pa natuluyan!" gatong naman ni Lyn.

"Tse taba!" asar niya rito. Hindi pa rin siya na-alis sa kanyang pwesto. May nakakapa kasi ang kanyang paanan na matigas na bagay. Nauna na sa paglakad ang dalawa.

The Chosen(COMPLETE!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon