24:Escape

253 6 0
                                    

{~ESCAPE~}

Klyppton's POV

"Mahal mo ko diba?" Umiiyak ngayon sa harap ko si Ayesha.Ito ang ayoko yung umiiyak yung taong mahal ko mismo sa harap ko.

"Oo pero Klyppton hindi na pwede alam mo naman yung sitwasyon ko diba?" Humihikbi sya habang sinasabi nya sakin yan.Hindi ko sya magawang pakalmahin dahil mismong ako hindi kalmado dahil sa mga nangyayari ngayon.

"Alam ko pero Ayesha mahal natin ang isat isa paano tayo?" Hinawakan ko yung magkabilang braso nya at niyugyog sya ng konti.Iniiwas nya yung tingin nya sakin.Ayaw nya akong tignan sa simpleng salita.

"Ayesha tumingin ka sakin please!!" Umiling lang sya sa sinabi ko.Hindi ko kaya itong ginagawa nya masyado na kaming nasasaktan.

"Sumama ka sakin." Tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa braso nya.Napatingin naman sya sakin ng sabihin ko iyon.Yun na lang ang paraan para hindi sya mawala sakin.Selfish na kung selfish fvck wala na akong pake!!

"A–ano??" Ngayon humarap na sya sakin at tinitigan ako mata sa mata.

"Sumama ka sakin itatakas kita mamayang engagement party nyo–" *SLAP* Sinampal nya ako at doon tumulo yung isang butil sa mata ko.Hindi dahil sa sakit ng pagsampal kundi dahil sa mga nangyayari ngayon.

"Klyppton ano bang iniisip mo ha?? O hindi ka nagiisip—"

"OO AYESHA HINDI AKO NAGIISIP YUN NA LANG YUNG PARAAN PARA HINDI KA MAWALA SAKIN FVCKING SHIT IM SELFISH AYESHA PAGDATING SAYO SELFISH AKO AKIN KA LANG KASI MAHAL KITA AYESHA MAHAL KITA!!" Natahimik sya at sunod sunod na tumulo yung luha nya.Doon ko lang nalaman na sinigawan ko pala sya kaya agad ko syang niyakap at doon mas lalong lumakas ang pagiyak nya.

"So–sorry Ayesha please I'm begging you sumama ka sakin please!!"

"Oo Klyppton sasama ako sayo ilayo mo ako kay Nick."

-------------

[Gago ka ba Klyppton??Di ka nag iisip bro paano kung idemanda ka ng pamilya ni Ayesha?] Pinapagalitan ako ngayon ni Drake sa kabilang linya.Sinabi ko kasi yung plano ko sa kanya.Papunta na ako sa party nila kahit di naman ako invited.

"Pabayaan mo na ako.Alam ko ginagawa ko bro salamat sa concern mo."

[GAGO! di ako concern.] Napairap na lang ako sa ere at binabaan ko na sya.Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko at pinaharurot papunta sa party.

"Malapit na ako Ayesha magkakasama na tayo onting oras na lang." Napangiti na lang ako ng parang baliw dito.Ang saya lang kasi handa na yung pagtutuluyan namin mamaya kapag natakas ko na sya.

Nakarating na ako sa party buti na lang at nasa labas si Drake at Steffy at sinundo ako papasok.Nagsimula na yung pagaanounce kaya nagtext na ako kay Ayesha.

Pinapunta nya ako sa dressing room nya kaya naman mabilis pa sa alas kwatro ay nakarating na ako doon.Wala ng tao kaya nakapasok na ako sa loob.

"Klyppton" Niyakap nya agad ako.Sobrang ganda nya ngayon suot ang isang pink dress na may mga pearl na design.

"Gorgeous." Sabi ko at hinalikan yung noo nya.Tinanggal ko yung coat ko at sinuot sa kanya.Nakatube lang kasi sya at para hindi na rin sya makilala pinasuot ko yung shades ko sa kanya at nagdoll shoes sya para makatakbo sya ng maayos kung may manghabol man samin.

Lumabas na kami ng dressing room at tinulungan kami nina Steffy at Drake na makalabas ng walang nakakakita.Dumaan kami sa may garden at may hinanda ng hagdan dahil may bakod doon.Inalalayan namin ni Drake si Ayesha at nung safe na sya sa baba ako naman ang sumunod.

Bitch GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora