40:Hospital

185 10 0
                                    

{~HOSPITAL~}

Steffy's POV

Im here sa office dahil may inaasikaso ako para sa event bukas.Masyado akong busy ngayon at mamaya naman sasamahan ko si Ayesha sa pagsusukat nya ng wedding dress dahil gusto daw nya na nandun ako kaya naman ito naiistressed na ako ng sobra.Kinocontact ko pa kasi yung mga organizers ng fashion show tomorrow dahil magseset ako ng dinner meeting mamaya.

"Mom phone call po for you?" Sabi nung secretary ko habang abala ako sa pagrereview ng files.

"Sino daw??"

"Ayaw pong magpakilala maam pero lalaki po" Nilahad ko yung kamay ko para iabot ng secretary ko yung phone.Binigay naman nya at kinausap ko yung nasa kabilang linya.

"Hello who's this??" Hindi ko pa rin tinatanggal yung mata ko sa files.

"Hello babe!"Nagulat naman ako sa sinabi nung nasa linya.

"Babe??" Narinig ko yung pagtawa nya kaya medyo naiinsulto na rin ako sa ginagawa nya, nanloloko yata to eh!

"Lets meet mamaya sa *** dont be late or else i will pick you up"

"Hey--- *tooot* "

"Ayy puta binaba! LETSE bastos yun ahh!!" Alam ko na kung sino yung tumawag at nambwiset sakin, sino pa edi yung ama nung kambal! -_- . Manigas sya kala nya sisiputin ko sya, masyado akong busy para unahin sya at wala rin akong pake kung susunduin nya ko.Gago kasi eh binaba yung phone!!

Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko at nung matapos na ako ay hapon na.Tinext na rin ako ni Ayesha dahil magsusukat na sya kaya pinuntahan ko na.

"Bakit lukot yang muka mo?? Problem??" Nakaupo lang ako sa couch at naka crossarms habang sinusukatan sya.

"Tss Drake is pissing me off!" Ewan ko ba dyan sa bestie ko kung bakit lumapad yung ngiti nya after i said that.

"Omg bestie! Magkakabalikan na ba kayo??" I rolled my eyes.

"WTF!! Hindi noh! Manigas sya!"

"Asus diba dati remember parang aso't pusa din kayo? Like now ganun ulit tapos mapapatawad mo na sya and then tsyaran!! Happy family na kayo diba yun naman gusto mo??" I sighed, tumingin ako sa kanya at tapos na pala syang sukatan at tumabi sya sakin.

"Sana kung ganon lang kadaling kalimutan yung ginawa nya pero hindi eh! Ayoko namang patawarin sya para lang sa kambal namin kasi still hindi ako masayang kasama sya, tama naman diba?"

"Why is it need to be that complicated?? Hindi ba pwedeng pag mahal nyo na yung isat isa pakasal agad then have a family? Bakit kailangan pa ng mga pagsubok chu chu na yan!! Ayan tuloy nahihirapan bestie ko!" Nagpout sya at niyakap yung braso ko.

Binatukan ko sya ng mahina "GAGA! ganun din naman yung nangyari sa inyo ni Klyppton ah! Pangteleserye nga ang peg eh! At dun kasi natetest kung gaano mo kamahal yung isang tao, dahil gaano man kadami yung complicated situations na yan, kakayanin nyo as long you trust each other at yun yung nangyari sa inyo ni Klyppton, you two never gave up, but in the case of me and Drake...... hindi namin kayang ibigay ng buo yung trust namin at hindi namin kayang ipaglaban yung love namin" Inangat ni Ayesha yung muka nya at tinignan ako.

"Bestie i will never cry again....." humiwalay sa pagkakayakap sa braso ko, at nakatanggap ng malakas na batok.

"Sira!! Di naman kita pinagbabawalang umiyak! Kung ako sayo ilabas mo yan baka sumabog ka pa mas mahirap yun!" At dahil sa sinabi nyang yun, nagmarathon yung mga luha ko pababa sa pisngi ko.Kanina ko pa pinipigilang wag umiyak pero hindi ko talaga kaya.

Bitch GirlWhere stories live. Discover now