10:Move on

327 13 0
                                    

{~MOVE ON~}

Drake's POV

Flashback

"DRAKE BAKIT DI MO AGAD SINABI SAKIN NA MAHAL MO PA SI CRYSTAL HA??" Nasa bahay ako ngayon para kunin yung iba ko pang gamit at eto kami ni kuya nagaaway.

"DAHIL SAYO KUYA.PARA SAYO KASI KAPATID KITA.NAGPAUBAYA NA NGA KO DIBA BINIGAY KO NA SAYO SI CRYSTAL DAPAT NGA NAGPAPASALAMAT KA PA."

Sinuntok nya ko ng napakalakas kaya napaupo ako at nalasahan yung dugo sa labi ko.

"HINDI DRAKE KASI HINDI LANG IKAW ANG GUMAWA NG PARAAN PARA MAGING KAMI.NAGING KAMI KASI MAHAL NAMIN ANG ISAT ISA.AT NGAYON ANONG GINAGAWA MO HA??"

Tumayo ako at kinuha na yung maleta ko at handa ng umalis  ng magsalita sya.

"Hindi mo kami mapaghihiwalay Drake.Hinding hindi." Tuluyan na kong umalis ng bahay

End of Flashback

"Bakit mo kasi kailangang gawin yun?Ganun mo ba sya kamahal Drake?"

Bumuga ko ng hangin at humiga sa sahig.Nasa rooftop pa din kami ni Steffy.Nag cutting na lang kami

"Oo ganon ko sya kamahal Steffy.Hindi ko alam kung makakalimutan ko sya."

Tinignan ko sya.Nakatingin lang sya sa langit habang naka indian seat.

Yung pinunit ko palang damit nya pinalitan ko ng uniform ko buti na lang may t-shirt pa ko

"Ganun ka din naman kay kuya diba?Di mo pa sya nakakalimutan?" This time humiga na rin sya sa tabi ko at tumingin sakin

"Oo pero kinakaya ko naman eh."Inalis na nya yung tingin nya sakin "Mahirap pero dapat lang kalimutan ang nakaraan."

Nakaraan?Magagawa ko kayang kalimutan si Crystal? Yung kalimutan sya at palitan ng mas hihigit sa kanya?

Tinignan ko muli si Steffy.Yung muka nyang dyosa.Hindi ako magtataka kung isang araw

mahalin ko siya.

--------

Steffy POV

"Baka matunaw ako nyan sayang yung dyosa kong muka." Makatitig naman kasi tong isang to wagas eh.Inggit siguro sa beauty ko hahaha

Umupo ako at humarap sa kanya.

"Bakla ka ba Drake?Inggit ka ata sa dyosa kong muka eh." Umupo din sya at pinitik ako sa noo.

"Aiisshhh ang sakit nun ahh..."

"Totoong lalaki ako Steffy baka gusto mong patunyan ko uli." Tinakpan ko yung bibig ko.

Ayoko nga muna eh.Ang harsh naman kasi nung kiss nya tsanggala eh halos dumugo labi ko pucha..

"Subukan mo ihuhulog kita dito tss dyan ka na nga."

"Steffy...." Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko sya nililingon

"Oh!"

"Pwede bang ikaw na lang?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Ako na lang yung ano?? Akala ko ba naglalaro sya??Pero hindi naman siguro imposibleng mainlababo to sakin noh DYOSA ako DYOSA

"Bakit ako Drake?Sorry pero ayokong maging rebound mo at ayoko ring gawin kitang rebound.Masasaktan lang tayo.At ayoko munang magkarelasyon.Kuntento na kong manira ng iba mas masaya pa." Tuluyan na kong umalis at dumiretso sa room.

Bitch GirlWhere stories live. Discover now