52:5:45

137 7 0
                                    

{~5:45~}

Nakatukog ako sa waiting shed at pagtingin ko sa orasan ay mag aalasais na.Nilibot ko yung paningin ko sa paligid, nandito pa din yung mga tao kagabi.Naagaw ng atensiyon ko si Jesper na nakasilip sa bintana ni Gabriel.Pilit niya itong sinisilip.Nilapitan ko siya at niyakap at nagsimula na naman akong umiyak.Kahit nakakapagod ay dirediretso pa din yung luha ko.

"Everything will be ok Jesper......" may nagabot sakin ng baso ng kape.Tinignan ko kung sino iyon at kulang na lang ibuhos ko sa kaniya yung hawak niya.

"Uminom ka muna, wala ka pang kain" tinitigan ko lang yung hawak niyang kape saka ko siya tinalikuran.

"Steffy walang may gustong mangyari ito sa anak natin.Hindi ko kasalanang nabunggo kami ng truck.Sinubukan ko namang iiwas yung kotse pero masyado na itong malapit sa pwesto namin.I did everything Steffy, wala ka sa sitwasyon namin nung panahong nangyari iyon--"

"So ako pa?? AKO PA NGAYON?? SINONG SISISIHIN KO?? YUNG GAGONG PUTANGINANG DRIVER NA IYON?? OO DRAKE PINATAY KO NA SIYA SA ISIP KO! PERO MAY KASALANAN KA DIN DITO!" lalapit na sana siyang ng itaas ko yung kamay ko para wag pigilan siyang makalapit sakin.

Umalis na muna ako doon at nagtungo sa mini chapel sa baba ng hospital at doon taimtim na nagdasal.Pinagdasal ko na wag niyang papabayaan yung anak ko.Tanging hikbi ko lang ang maririnig sa buong chapel.Mismong paglabas ko ng pituan ay ang lagring ng phone ko.Tumatawag si mom sakin kaya mabilis ko itong sinagot.

"Why mom?"











-----

"Time of death 5:45 am" tinakpan na ng puting tela si Gabriel.

Hindi ako makahinga at hindi ko kayang lumapit sa pwesto niya.Nandito lang ako sa pintuan at tahimik na umiiyak habang pinapanuod kong magiyakan yung tao sa paligid ng kama ng baby ko.Tinakpan ko yung bibig ko dahil hikbing lumalabas dito dahil sa pagiyak ko.Tuluyan na akong nanlumo at napaupo sa gilid at doon ako umiyak ng umiyak.Nakita ako ni Ayesha at pinuntahan niya ako para pakalmahin.

"Bestie......" niyakap niya ako at doon ko pinakawalan lahat ng sigaw na gusto kong ilabas kanina pa.

Nagsisisigaw ako dito habang umiiyak at yakap ni Ayesha.Hindi ako magawang tignan ni Chelsea at si Jesper naman ay tulala habang umiiyak, pero alam ko sa sarili kong nauunawaan niya ang nangyayari sa paligid niya.Si Drake naman ay nakayakap sa bangkay ni Gabriel.Hindi ko siya mapalatawad sa ginawa niyang pagpatay sa anak ko.Totoo nga yung napanaginipan ko.Tumayo ako kahit nanghihina pa yung tuhod ko at nilapitan si Gabriel.Sinabi kong iwan muna nila ako sa loob at sumunod naman sila.

Mismong paglabas nila ay ang pagyakap ko sa baby ko.Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap yung nangyayari.Inalis ko yung kumot na nakatalukbong sa kaniya at hinawakan ko yung muka niya.

"Baby bakit mo iniwan si mommy? I know your an angel now..... take care of your twins siblings" niyakap ko siya at doon umiyak ng umiyak.

Pumasok yung mga nurse at dadalhin na sa morgue yung bangkay ng anak ko.Nung una ay nagpupumiglas pa ako pero naawat ako nila mom.Hinalikan ko muna siya bago ako tuluyang nagpaalam.

------

"Condolence" yan yung kanina ko pang naririnig dito sa burol ni Gab.Nakaupo ako sa harapan at nakashades.Ilang araw na rin akong walang tulog at hindi nakakakain ng maayos.

Tumayo ako at lumapit sa kabaong ng baby ko.Naramdaman ko na naman ang paginit ng sulok ng mga mata ko at tuluyan ng umagos yung luha ko.Kahit sobrang sakit na ng mata ko kakaiyak ay hindi pa din nauubos yung luha ko para sa anak ko.Tumabi sakin si mom at hinaplos yung likod ko.

Bitch GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon