51:Accident

172 6 0
                                    

{~ACCIDENT~}

Hinanda ko na yung gamit ng mga bata at inilagay sa compartment ng kotse namin.Pupunta sila kay Dad, yung dady ni Drake dahil nagbakasyon ito dito pero babalik din agad ng Korea.Hindi ako makakasama dahil may board meeting at meet with the new investors mamaya at siguradong gagabihin ako ng uwi kaya si Drake at yung tatlo na lang ang pupunta.

"Mag ingat kayo ha!" Humalik na sakin yung kambal at si Drake at hinalikan ko na si Gab.Pumasok na sila sa kotse at nagwave na ako bago sila umalis.

Nagbihis na din ako para makapunta na ng office.Tinetext naman ako ni Drake kung anong kalagayan nila kaya hindi na din ako nagwoworry.

-----

Nasa kalagitnaan ako ng meeting ng biglang tumawag si ate Shin.Its already 9 pm.Nagexcuse ako sandali para sagutin yung tawag niya baka kasi emergency.Pumunta muna ako ng office ko at bago ko pa masagit yung tawag niya ay nasanggi ko yung family picture frame namin sa table ko.Tinignan ko lang ito at bigla akong kinabahan.Mabilis kong sinagot yung tawag kahit nanginginig yung mga kamay ko.

"He-hello" nakarinig ako ng mga umiiyak sa kabilang linya.Pinikit kong huwag muna magconclude kung anong nangyayari.

"Steffy...... pumunta ka dito...... sa hospital...... si Drake at yung mga bata..... naaksidente sila...." at tanging hagulhol na lang ni ate yung narinig ko.Nanghina yung tuhod ko at di ko alam yung gagawin.Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga narinig ko.Ayaw pang tanggapin ng utak ko yung nalaman ko.Still loading.

Tumakbo ako dala yung bag at suit ko at dumiretso sa parking lot.Kahit nanginginig ay naimanage ko namang magdrive.Nagbublured yung mata ko kaya pinupunasan ko kaagad yung luha ko baka kasi ako ang sumunod sa hospital kapag naaksidente din ako.

Tumakbo ako papunta sa kwarto na tinext sakin ni Ate Shin.Nung naaninag ko na sila ate ay mas bumilis yung takbo ko.Sinalubong ako ni Ayesha na umiiyak.

"Anong nangyari? Nasaan sila? Si Drake? Yung kambal? Si Gab? NASAAN SILA??!!" Niyakap ako ni Ayesha pero nagpumiglas ako.

"Yung kambal ay ginagamot na yung mga sugat nila pero si....."

Tumingin ako kay Klyppton na nagsasalita.Hinawakan ko yung balikat niya at nagmamakaawang ituloy yung sasabihin niya.

"Si Gab.....






Steffy kritikal yung kalagayan ni baby...






50-50 siya"

-----

Drake's POV

"Dad we gotta go, magpaalam na kayo sa lolo niyo" lumapit na yung kambal at humalik kay Dad.

Bukas din ay uuwi na siya kaya naisipan naming bisitahin siya dito sa resort sa Tagaytay.Maggagabi na din at delikado sa daan kaya napagpasyahan naming umuwi na.Sa likod ko pinasakay yung kambal at sa tabi ko si Gab na naglalaro.
Umulan kanina kaya medyo madulas yung daan kaya binabagalan ko lang yung takbo.Nilingon ko yung kambal sa likod at nakatulog na sila.

Tatawagan ko pa sana si Steffy at sasabihing pauwi na kami ng masilaw ako sa ilaw ng truck na pagewang gewang at papunta sa pwesto namin.Sinubukan kong pabilisin yung takbo ng kotse pero masyado ng malapit yung truck sa amin at ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang pagsalpok nito sa gilid ng kotse namin.Sa mismong part kung saan nandun si Gab.

Tumilapon yung kotse namin at tanging iyak na lang ng kambal yung narinig ko nung tuluyan ng tumumba yung kotse namin.Nakita ko pa yung dugong tumutulo galing sa ulo ko.Nakakaramdam na din ako ng pagkahilo pero hindi ko yun ininda at ginawa kong makaalis sa upuan ko.Hinanap ko kaagad yung kambal sa likod.

Bitch GirlWhere stories live. Discover now