43:Letting You Go

181 10 0
                                    

{~LETTING YOU GO~}

Maaga pa lang ay nandito na si Drake sa bahay dahil gagala DAW kami.Hindi ko nga alam itong plano niya eh, kanina nya lang sakin sinabi at halos mabato ko siya ng kutsilyo.Pero para sa kambal pumayag na akong lumabas kami but as not a family, bonding lang nilang magaama ito tutal sila naman nakaisip.Natutuwa din ako kahit papano  dahil kahit hindi pa nila alam na tatay nila si Drake eh may bonding na sila para makilala ng lubos atleast kapag nalaman nila yung totoo matatanggap nila ng buo si Drake.

Papasok na sana ako ng kotse niya ng hinigit niya yung kamay ko at bumulong.

"Thank you for this" ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

Nasa shotgun seat ako habang yung kambal ay nasa passenger.Pupunta kami ng EK dahil hindi pa nakakapunta yung kambal doon dahil first time nga nila dito sa Pilipinas.

Tahimik lang kaming dalawa ni Drake habang nagiingay yung dalawa sa likod dahil sa mga nakikita nila sa labas ng kotse.

Malayo layo na rin kami at tulog na yung kambal.Biglang nagring yung phone ko at nakita kong tumatawag si Kenneth,sinagot ko naman iyon at nakita kong kumunot yung noo ni Drake.

"Hello Kenneth" i heard him coughing

"S-steffy *cough* please go in my condo *sniff* i-i need you right no-now *cough*" nagworried naman ako sa kanya.Hirap na hirap siyang magsalita sa kabilang linya.Binaba ko na ito at tumingin kay Drake.

"Ahmmm Drake pwede mo ba kong ibaba dito?" Tumingin siya sakin parang pissed off.

"Why? Because of that Kenneth? Tss" i raised my eyebrow to him.

"Yes kaya please ayokong makipagtalo ibaba mo na lang ako dito" huminto siya at bababa na sana ng unahan niya kong lumabas at tumayo sa labas ng pintuan.Lumabas na rin ako at magaabang na sana ng taxi ng hablutin niya yung kamay ko.

"Whats your problem??!" Triny kong bawiin yung kamay ko sa pagkakahawak niya pero masyado itong mahigpit.

"Iiwan mo talaga ako at ang kambal para sa letseng lalaking yan?? Ganun na ba siya kaimportante sayo?? Paano na kami Steffy? Paano ako?" Puno ng galit na sabi niya.

"Pwede ba Drake wag kang maarte diyan, may sakit yung tao kaya pupuntahan ko siya para alagaan tutal ayoko naman talagang sumama.Bonding niyo yan ng mga anak mo ayokong sumali, bitiwan mo ko aalis na ako" mas lalo niyang hinigpitan yung hawak sa kamay ko kaya napa 'aray' ako at niluwagan niya ulit.

"Nurse ka na pala ngayon? Tss hayaan mo siya lagnat lang naman siguro yun di naman siya mamamatay.Gagawin ka lang niyang alila dun.Gusto kang kasama ng mga bata, paano ko ipapaliwanag sa kanila mamaya kung aalis ka?? Intindihin mo naman sana kami ngayon, iprioritize mo muna yung mga anak mo bago yung ibang tao, magpakaselfish ka dun sa gagong lalaking yun wag sa mga anak mo!" Maharas kong binawi yung kamay ko sa kanya.

"Wow ha! Iprioritize muna yung family ko?? Sakin mo talaga sinabi yan Drake?" Pumalakpak ako sa harap niya at tinaasan siya ng kilay bago nagsimulang magsalita.

"Bakit di mo muna sabihin yan sa sarili mo? Sa mismong bunganga mo pa talaga lumabas ha! Sana ginawa mo yan bago mo ko iniwan!! Sana pinarioritize mo muna yung girlfriend mo bago mo siya iwan ng walang alam!! Sorry ha malaki kasi utang na loob ko kay Kenneth dahil siya lang naman yung nandiyan sa tabi ko nung time na iniwan mo ko.Yung pinanganak ko yung kambal siya yung nandiyan at hindi ikaw! Wala kang alam kaya tumahimik ka!!" Tumalikod na ako ng magsalita siya.

"Ano pagaawayan na naman natin to?? Yung tungkol sa pagiwan ko sayo?? Prioritize?? Yun yung nasa isip ko Steffy kung bakit kita iniwan.I need to do my part in our company because soon ako na ang maghahandle nun at para yun sayo, para sa family na bubuuin natin.Para mabigyan ko kayo ng magandang buhay Steffy.Okay wala ako sa tabi mo nung time na kailangan mo ko dahil hindi ko naman alam diba? Kasi nilihim mo,tinago mo!, kasi nga nasaktan kita! At kung alam ko ba tatanggapin mo ba ako? Diba hindi? Dahil alam kong ipagtatabuyan mo ko! KAYA WAG MO SAKING ISUSUMBAT KUNG BAKIT WALA AKO SA TABI MO NUNG TIME NA KAILANGAN MO KO KASI HINDI KO ALAM!! DAHIL KAGAGAWAN MO RIN!!" Nagunahan sa pagtulo yung luha ko.Kahit nakatalikod ako sa kanya ay alam kong umiiyak na rin siya dahil sa pagkacrack ng boses niya.I want to hug him now pero ayaw gumalaw ng paa ko paharap at palapit sa kanya.

"Yeah its all my fault! Hindi ko naman gagawin yun if di ako masasaktan Drake.Masyado akong nilamon ng galit ko kaya sinumpa ko na kapag lumabas yung anak natin ay hindi ko sila ipapakita sayo, hindi ko ipapaalam na ikaw ang ama nila! Masyado lang makulit si tadhana at pinagtagpo pa din kayo!" This time ay humarap na ako sa kanya at mas naiyak ako ng makita kong nakaluhod siya at nakayuko.

"I know! Pero may galit pa din Steffy dahil three years bago ko ito nalaman.Sige you can go now, puntahan mo yung Kenneth na yun.Iwan mo ako dito at ang kambal.." dahan dahan siyang tumayo at tinignan ako sa mata.Puno ng sakit at galit yung nakikita ko sa lumuluha niyang mata.

"Kapag umalis ka ngayon hahayaan na kita kay Kenneth.Im so tired winning and competing over the man that i know replacing my part in your heart,lalayuan na kita pero hindi ang mga bata,i  loved them.But if you stayed i will continue win your heart again.Minahal kita Steffy hindi para makipagkompitensya,dahil mahal kita at sapat ng rason yun" He cupped my face at pinunasan gamit ng hinlalaki niya yung mga luha ko.

"Choose now babe" mahirap yung pinapagawa niya pero alam ko sa sarili kong kailangan ako ng taong nagpahalaga ng sobra sakin nung time na wala siya.


Siguro hindi talaga kami para sa isat isa.Nagkataon lang na nagkaroon kami ng mga anak, pero i think we not destined for each other.Choose the man needs me now over the man i love?? Ive made my decision.Para hindi na rin kami mahirapan at masaktan pa.Hindi sa lahat ng oras yung taong mahal mo ang pipiliin mo wag kang magpakaselfish sa iba, wag puro kaligayahan mo yung paiiralin mo.Paano naman yung iba?? Dapat iniisip mo din yung mga tao sa paligid mo.Alam ko sa sarili ko ngayon na im not Steffy MonteValdes na bitch in town kundi si Nicole MonteValdes na isang anghel.

Tinanggal ko yung kamay niya sa muka ko at kitang kita ko kung paano siya nalungkot at nasaktan sa ginawa ko.Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya.Binuhos ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon gamit ang pagiyak ko.Pumara ako ng taxi at sumakay na ng hindi siya tinitignan dahil hindi ko kaya.Umalis na yung taxi na sinasakyan ko at tinignan ko siya sa side mirror.Nakatayo pa rin siya doon at nakayuko, tinakpan ko yung bibig ko para pigilan yung sobrang pagiyak ko.

"Im so sorry Drake...... sorry"

--------

Drake's POV

"Drake stop it, ang dami mo ng nainom!" Pinilit kunin ni kuya yung alak sa kamay ko pero nilayo ko ito sa kanya.

Nakaubos na ako ng isang bucket ng beer can.Masyado akong nasaktan dahil sa pagpili ni Steffy kay Kenneth over me.Para makalimutan ko muna saglit yung sakit ay uminom ako ng uminom.Kahit panandalian lang na mawawala yung sakit ay ok lang atleast makakalimot ako kahit papano.

"Steffy!!! STEFFY!! *hik* I LOVE YOU!! bakit mo ko iniwan ha?!! STEFFY PLISH COMEBACK PLISH *hik*" binato ko yung can sa tv at dumampot ng panibago at ininom.

Nakatingin lang sakin si kuya at pinapanood ako.Kumuha ako ng isang can at binigay sa kanya.


"Stop it! Your too drunk" pinilit niyang agawin yung beer sa kamay ko pero tinulak ko siya.

"CAN YOU PLISH LEAVE ME HERE!! LEAVE.ME.ALONE!!" Umiiling iling siya na lumabas ng kwarto ko.

I cried after kuya left me.Binato ko lahat ng mahawakan ng kamay ko.Kahit nakainom na ako ay nandun pa rin yung sakit na dulot ni Steffy.I love her so much pero kailangan ko siyang papiliin betwwen us at hindi ko inaasahang hindi ako ang pipiliin niya.May lamat na yung pagmamahal niya sakin simula ng saktan at iwan ko siya.Mabuti na siguro ito para hindi na kami masaktan pare parehas.


Im about to close my eyes ng nakita kong bumukas yung pinto ng kwarto ko at nakita ko siyang nakatayo doon at yung muka niya ay puno ng pag aalala.

I dont know why she's here pero ang alam ko lang ngayon ay masaya ako at nandito siya at gusto ko siyang yakapin.Pero naalala ko na hindi ako ang pinili niya.


"Leave! I dont need you here"


Bitch GirlWhere stories live. Discover now