53:Grave

161 5 0
                                    

{~GRAVE~}

"Im Steffy Nicky Nicole MonteValdes.........Trimiente...... im his mother.His my angel, i just want to say thankyou baby Gabriel dahil kahit konting panahon kalang nakasama ni mommy ay pinasaya mo ako at ang family natin.I know your an angel now at binabantayan mo kami ngayon.Dinala ka ni mommy for nine months..... then nanatili ka lang samin for ten months.Sobrang ikli at sa isang iglap ay nawala ka na sa pagkakahawak ko......" tumigil ako saglit sa pagsasalita ko dahil sa pagsikip at pagbigat ng dibdib ko.Hindi ko na kinakaya yung speech ko sa harap, pero para kay baby Gab ay gagawin ko.

"Mom will always love you...... i dont want to say this on front of you people but......... i want to say.......

To say.......

Good-b-bye ba-baby Ga-gabriel" mabilis kong binitiwan yung mike at bumaba na sa harap at umupo.Doon ko binuhos lahat ng sakit at bigat na nararamdaman ko.I am the last one to gave a farewell message to my son.

Nakadikit lang ako sa kabaong ni Gab hanggang sa mailabas ito ng pinagburulan niya.Sinuot ko ang shades at ang hat ko.Nagsimula na kaming maglakad at nagpatugtog na ng malungkot na kanta na nakapagpaiyak sa lahat ng tao na sumusunod sa karwahe na dala ang anak ko.

Pagdating namin sa sementeryo ay nakahanda na ang gagawing misa.Inalalayan nila akong umupo sa harap at wala pa ring tigil yung pag agos ng luha ko.Siguro ay nilulubos na lahat ngayon.Nagsimula ng dasalan si baby Gab at isa isang lumapit yung mga tao at pinatong sa kabaong niya yung mga bulaklak.

Nung turn ko na ay biglang nanghina yung tuhod ko.Hindi ko magawang humakbang man lang kahit isa.Nahalata na nilang hindi ko kaya, kaya inalalayan nila akong makapunta dun at doon na ako nanlumo.Napaupo ako sa damuhan at dun humagulhol ng iyak.

"Steffy...." tawag nila sakin.Tinayo nila ako at agad kong niyakap yung kabaong ng baby ko.

Hinayaan lang nila ako at binigay sa akin ang moment na ito.Pinatong ko malayo sa mga ibang bulaklak na nauna yung flowers na hawak ko at hinalikan bago ko iniwan.Inilayo na nila ako sa kabaong at pinaupo ulit.Tuluyan na siyang tinatabunan ng lupa at ang tangi ko na lang nagawa ay panoorin ito at inubos ang luha ko.

-----

"Mauna na kayo" walang gana kong sabi kila Mom and dad na niyayaya na akong umuwi.Nakaupo ako sa tabi ng libingan niya.Hinahaplos ko ito habang natutuluan ng luha ko, hindi na nila ako kinulit at naiwan na akong magisa sa sementeryo.

"I already miss him...." nilingon ko kung sino yung nagsalita at nakita ko si Drake sa likod ko na nakatayo at mugto din yung mata niya.

Humarap ulit ako at hindi na siya pinansin.Naramdaman at nakita ko sa pheriperal ko ang pagtabi sakin ni Drake, umatras ako ng konti.

"Para kay Gabriel at sa kambal Steffy, please hayaan mong alagaan kita at bumawi sayo--" tumayo ako at akmang aalis na ng higitin niya yung kamay ko at tumayo na din.

"Bumawi?? Bakit? Wala ka namang kasalanan ha?? Di mo naman kasalanang namatay yung anak natin.Ang kasalanan mo lang dito ay yung pagpapabaya mo!! Yung pagpupumilit mo sa gusto mo kaya ayan! AYAN ANG NANGYARI!! NAMATAY YUNG ANAK KO!! BAKIT GUILTY KA BA???!! HA??!  " hinamlas hampas ko yung dibdib niya at hinahayaan lang niya akong gawin iyon sa kaniya.

"Wala naman akong alam na mangyayari yun, sana kung alam ko ay hindi ko na lang itinuloy.Hindi ko gusto to Steffy, walang may gusto ng mga nangyari.Kung pwede lang ay nakipagpalit na ako ng posisyon kay Gab...." nakita ko kung paano siya umiyak sa harap ko.Nasasaktan ako dahil sa pag iyak niya.Nasasaktan ako dahil bakit umabot kami sa sitwasyong ganito?

"Sana nga Drake....... sana ikaw na lang.......Sana ikaw na lang yung namatay!!" May diin kong sabi at tumalikod na.

Ngayon ko lang narealize yung nasabi ko  kay Drake.Napatakip ako ng bibig ko at humikbi ng humikbi.Hindi ko ginusto yung lumabas sa bibig ko.Pinilit kong lingunin si Drake at nakita kong nakatayo lang siya doon at umiiyak.Gusto ko siyang yakapin at magsorry sa mga nasabi ko pero ayaw gumalaw ng mga paa ko palapit sa pwesto niya.Nagtama yung tingin namin at parang nabasa niya yung gustong ipajiwatig ng mga mata ko at isang iglap lang ay yakap na niya ako.

"Hindi kita sisisihin kung bakit gusto mo kong mamatay....."

"Drake...."

"Sshh alam ko naman eh......alam ko kung gaano kahirap sa part mo yung pagkawala ni Gabriel pero Steffy ako ba inintindi mo? Magulang din ako at mas masakit sakin kasi nakita ko kung paano nag agaw buhay si Gab habang nasa kamay ko siya..... masakit man pero tatanggapin ko lahat ng sasabihin mo dahil mahal kita....... sobra pa sa inaakala mo" kumalas siya sa pagkakayakap ko at ngumito ng mapait sakin sabay punas sa mga luha ko.

Alam ko na kung paano kami makakapagrecover ng maayos.Papahupain ko muna yung natitirang galit ko sa kaniya.Hindi ko pa kayang makita si Drake araw araw dahil nasasaktan ako hindi dahil sa pagkamatay ni Gab kundi sa sakit na dulot niya sakin.Paulit ulit na lang akong nasasaktan at isa lang ang may kasalanan.Yung lalaking nasa harap ko na sobrang mahal ko, pero kahit ganun ay kailangan namin munang maglayo.

Tinaas ko yung kaliwa kong kamay at tinanggal yung singsing ko sa daliri ko.Kinuha ko yung kamay niya at nilagay sa palad yung wedding ring namin.Nakita ko yung gulat at pagkagulo niya sa ginawa ko.Ngumiti ako ng pilit pero sabay nun ay pagbagsak ng mga luha ko.

"Lumayo muna tayo sa isat isa Drake...... hindi kita hinihiwalayan pero pansamantalang itago mo muna yang singsing.Hindi ko kayang makitang suot yan pero magkalayo naman tayo.Kapag ok na tayong dalawa ay magkita tayo dito mismo sa harap ni Gab at tanggapin ulit yung isa't isa...... mahal na mahal kita Drake, sana maintindihan mo ako ngayon" hinawakan ko yung muka niya at pinunasan yung luha niya gamit yung hinlalaki ko.

Tatalikod na sana ako ng higitin niya at yakapin ako.Niyakap ko rin siya ng sobrang higpit, nilubos ko na dahil alam kong matagal tagal din bago ulit kami magkita.

"I understand you, at pumapayag ako sa gusto mong mangyari" nilayo niya ako ng bahagya sa pagkakayap niya at akmang hahalikan na ako ng pigilan ko siya.

"Drake wag please..... mahihirapan akong pakawalan ka"

"Please Steffy........ please" magsasalita pa sana ako ng biglang lumapat yung labi niya sa labi ko.

Hindi na ako nagprotesta pa at tinugon na lang yung mga halik niya.Ramdam ko kung paano siya nasasaktan sa mga nangyayari ngayon.Nararamdaman ko din yung tibok ng puso niya na halos marinig ko na sa sobrang lakas.Ako na ang tumapos ng halikan namin at tinignan siya sa mata.Bago ako umalis ay hinikan niya ako sa noo.

Naiwan siya dung nakatayo at pinagmamasdang lumayo yung kotse ko sa pwesto niya.Puno ng lungkot yung mata niya.Ayoko mang gawin pero kailangan para sa ikabubuti ng pamilya namin.Mahirap ipaliwanag sa iba ang naging desisyon ko at napakadaling sabihin sa akin na ang babaw ko para iwanan muna ang asawa ko pero i dont care.Hindi nila alam ang kwento sa likod ng lahat ng desisyon ko, may malalim na dahilan iyon.

Saan ako pupunta? Yun ang hindi ko alam.Iiwan ko muna kay ate Shin yung kambal ko at gusto ko talagang mapag isa lang.Huhugot lang ng lakas ng loob para harapin yung pamilya ko na tanggap na lahat ng nagyari.Ayokong makita ulit nila akong mahina dahil minsan ko lang iyon ipapakita at sisiguradihin kong ilulubos ko na.Babalik ako na matapang na ulit tulad ng dati at kaya ng tumira sa iisang bahay kasama ang kambal, si Drake at ang iba pang bagong magiging miyembro ng pamilya namin.

------

Next chapter will be the final yahoooo!! Matatapos na din ito.

PROMOTE PROMOTE TIME!!! BASAHIN NIYO PO YUNG BAGO KONG STORY TITLED 'SHE'S MY DEVIL TWIN' nyehehe!

Lovelots~ muah~

Bitch GirlWhere stories live. Discover now