44:Broken

185 12 1
                                    

{~BROKEN~}

Steffy's POV

Nakarating na ako sa condo kung saan tumutuloy si Kenneth.Pumunta na ako sa unit niya may duplicate ako ng kwarto niya kaya nabuksan ko ito.Dumiretso ako sa kwarto niya at nakita kong nanginginig siya lamig habang nakatalukbong ng kumot.

"Good you-youre here *cough*" umupo ako sa gilid ng kama niya at nilagay ko yung kamay ko sa noo niya.

"Shit inaapoy ka ng lagnat Kenneth! Do you take medicine na ba?" Umiling siya at hinanap ko naman yung medicine box niya at pinainom siya ng gamot.

"I will make you a soup wait me here--" tatayo na sana ako ng hawakan niya yung kamay ko.

"Dont leave me please..*cough*" ngumiti lang ako sa kanya at pumunta na ng kusina at nangalikot ng mga ingredients para sa soup.

Mabilis naman akong natapos magluto kaya pinakain ko na siya.Pinaupo ko siya at pinasandal sa headboard at sinimulan na siyang subuan ng soup.

"Bakit ka ba kasi nagkasakit?? Alagaan mo yang katawan mo, di mo ba alam na magaalala ako? Paano kung hindi mo ko nacontact kanina? Edi walang magaalaga sayo ngayon?!" Narinig kong tumatawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Chill Steffy *sniff* sobrang busy ko kasi this days kaya siguro dinapuan ng sakit.Sorry na *cough*"

"Ewan ko sayo, magpahinga ka na" pinahiga ko na ulit siya at lumabas na ko ng kwarto niya.

Hindi ko namalayang nakaiglip na pala ako at naalimpungatan lang ako ng nagring yung phone ko.Sinagot ko ito.

"Hello"

"Steffy can you go here in our house? Kanina pa nagwawala si Drake dito at hinahanap ka! Please calm him" binaba na niya yung phone.

Ano na naman ginawa nun?.Sumilip ako sa kwarto ni Kenneth at nung nakita kong natutulog na siya ay umalis na ako at dumiretso sa bahay nila.

"Nasaan siya?" Salubong ko kay Alex pagkabukas niya ng gate nila.

"Upstairs in his room" nagmadali akong pumunta sa kwarto niya at pagbukas ko ng pinto ay maraming nakakalat na gamit.

Nakahiga siya sa kama niya at may hawak na alak.Naramdaman niya ata yung presence ko at tinignan niya ako.

"Leave! I dont need you here" Humiga na siya at ako naman ay pumasok sa loob ng kwaryo niya at pinulot yung mga nakakalat na gamit niya.

Pumasok ako sa cr at kumuha ng basang towel at pinunas ko sa kanya.Minulat niya yung mata niya at tinabig niya yung kamay ko na pinupunasan yung muka niya.

"Are you deaf??! I said leave me!" Hindi ko siya pinakinggan at pinagpatuloy lang yung ginagawa ko sa kanya.Kumuha ako ng sando sa closet niya at tumabi ulit sa kama niya.

"Tss stop it!!" Sinimulan ko ng iunbutton yung polo niya habang nagrereklamo siya, hindi ko na lang pakikinggan lahat ng kaartehan niya.

Hinawakan niya yung kamay ko at umupo.

"Dont act as if you care Steffy! Wag na nating pahirapan yung isat isa.Di ba pinili mo si Kenneth? Then dun ka na! Siya ang alagaan mo wag ako! Alam kong napipilitan ka lang!" Tinignan ko siya mata sa mata.Binigay ko yung sando sa kanya.

"Magbihis ka" tumayo ako sa kama niya at pinulot lahat ng mga beer can sa paligid.Nakatingin lang siya habang ginagawa ko yun.

"Steffy please... mas lalo mo kong pinapahirapan sa ginagawa mo" nagsimula ng magtubig yung mga mata ko.Kesa makipagtalo ukit sa kanya ay nanatili na lang akong tahimik.

Bitch GirlWhere stories live. Discover now