21:Weird

282 15 0
                                    

{~WEIRD~}

(A/N: Wag green guys xD)

Ayesha's POV

Nandito na ako ngayon sa Hospital kung saan nakaconfine si Steffy.Kasama ko sina Crystal at Alex.

Alam na rin namin na gising na sya kaya nagmadali na kaming tatlong pumunta dito.Nung nasa harap na kami ng room nya ay ako ang nagbukas ng pinto pero hindi ko natuloy yun ng may marinig akong ingay sa loob.

"Ahh~ bilisan mo Drake." Namilog ng sobra yung mata ko O.O

SHET GINAGAWA NA KAYA NILA?? HOLY SHHHTTTT MAAGA PA AHHH...!!!

"Wait lang naman."

"Ahhhh~"

"Ipasok mo na kasi."

"Teka ang liit kasi ng butas eh."

"So kasalanan ko kung maliit butas nyan ha?" Nilingon ko sina Alex na nakakunot ang noo sa akin.Mas lalo kong nilapit yung tenga ko sa pinto at sinenyasan silang tumahimik.

"Ang hirap ipasok Steffy pinagpapawisan na ako."

"Aiisshh~ bahala ka dyan."

"Teka ito na nga eh." Nakita kong lalapit yung nurse na may hawak na tray sa kwarto ni Steffy kaya hinarang ko agad sya.

"Ma'am excuse me—"

"Nurse wag muna ngayon alam mo naman yung privacy diba? Kailangan ng pasyente yun." Dinikit ko ulit yung tenga ko sa pinto pero nagmapilit yung nurse na pumasok.

"Maam kailangan na po ng pasyenteng uminom ng gamot Excuse me po." Hinarang ko ulit sya at umling ng umiling sa kanya

"They.Need.Privacy." Ilalapit ko na sana ulit yung tenga ko ng hawakan ng nurse yung doorknob kaya tinabig ko agad yun.

"Ano ba nurse wag ka ngang makulit ako na magpapainom sa kanya yan.May ginagawa sila." Pinandilatan ko yung nurse kaya umalis na sya at inirapan ako.Tumingin naman ako sa gawi nina Crystal at Alex.Crystal mouthed at me 'Anong ginagawa mo?' Hindi ko na lang yun pinansin at dinikit ulit yung tenga ko sa pinto.

"Ang sikip naman kasi nito eh."

"Dilaan mo para mapasok mo agad shunga di ka talaga marunong."

GOOOOSSHHHH~ sana naman gumamit sila ng proteksyon.Ayokong mabuntis agad si Besh.

"Ayan malapit na.." Mas dinikit ko pa para marinig ko na halos dumikit na yung pinto sa muka ko.

Nakarinig ako ng katahimikan.

"Arayy koooo~" Nung nakarinig ulit ako ng ingay ay nilapit ko ulit yung tenga ko.

"Dahan dahan naman kasi." Again katahimikan na naman.Kahit wala na akong naririnig na ingay ay nakadikit pa din yung tenga ko sa pinto.

Hanggang sa makarinig ako ng yabag na unti unting lumalakas at alam kong papalapit yun sa pinto.At mayamaya pa ay...

*BLAAAG*

Naramdaman ko yung malamig na sahig at nakita ko na lang ang sarili kong nakahandusay sa lapag.

"Besh bakit ka nagdidive walang tubig dito wag kang lumangoy." Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Drake na nakatingin sa akin habang hawak pa din yung doorknob.

"Ahh-ehh— ka—kasi." Tinulungan akong tumayo ni Drake at pinagpag ko yung damit ko.

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.Nakita ko ring nakaupo na sina Alex at Crystal sa couch.

Bitch GirlWhere stories live. Discover now