Shattered Memories - Chapter 20

9.1K 368 30
                                    

Chapter Twenty

Ishi walked to the park with Delvert on her side. Tuloy pa rin ang kuwentuhan nila hanggang sa makarating sila sa parke. Parehas nilang hindi namamalayan na lumalalim na ang gabi. Masyado silang nalulong sa kanilang pag-uusap. Umupo si Ishi sa swing. Malakas na itinulak iyon ni Delvert kaya lumipad sa ere ang kinauupuan niya.

She laughingly turned to him and screamed. "Don't! Nahihilo ako Delvert."

Itinigil naman ni Delvert ang ginagawa niya. Maagap na sinalo niya ang duyan nang bumalik iyon. Pagkuwan ay umupo siya sa kabilang swing na katabi lamang ng kay Ishi. "Ang daming bituwin 'no?" aniyang nakatingala sa langit.

Kusang tumaas din ang tingin ni Ishi. Tulad ng sabi ng kasama, puno nga ng maliliit na butil ng diyamante ang kalangitan. Napatulala siya ng saglit sa itaas. The sky was beautiful. She closed her eyes and savored the chilly sensation of the cool wind on her skin. "Delvert, puwede mo ba akong tulungan?" bulong niya mayamaya.

"Saan?"

She slowly opened her eyes then faced him. "Tingin mo ba, mahal ko si Robert? I was asking him questions lately, matiyaga naman siyang nagpapaliwanag sa akin. He showed me pictures, mga larawan namin noon, mga larawan sa araw ng kasal namin... I looked so happy. Ang lawak ng ngiti ko sa mga 'yun. Sa nagbalik na piraso ng alaala ko sa nakaraan, nasaktan ako ng sobra nang mapag-alaman kong nambababae siya kahit 'di ko pa naman sigurado sa sarili kong mahal ko si Robert. What do you think, Delvert?

"What do you think?" balik tanong nito.

She sighed. Parang alam na niya ang isasagot. Ang tagal na rin siyang ginugulo n'on pero 'yun talaga ang sagot ng mismong utak niya.

Oo. Iyon ang tingin niya. "Should I give him a chance?"

"Nasa sa'yo 'yan. Asawa mo naman siya, legal ang kasal niyo. Tulad na rin ng sabi mo, masaya ka sa nakaraan niyo. Pero iba ang nakaraan sa kasalukuyan, Ishi. Kung sa tingin mo, kaya mo eh 'di ibigay mo sa kaniya ang pangalawang pagkakataon na 'yon. Ang concern ko lang naman ay 'yung hindi ka niya tinatrato ng maganda."

"Pero paano ka?"

"Hamak na lalaki lang ako na may gusto sa'yo. Siya, pinakasalan mo dahil gusto mo. Ito lang ang gusto kong tandaan mo. Nandito lang ako, Shi. Alam mo na bang ikaw ang first love ko?"

"Ano?!" Nanglaki ang mga mata niya sa huling linya nito.

Napangiti ito sa pagkasorpresa niya. "Oh, kagulat-gulat ba 'yun? I thought you know. It's been years since I fell in love with you. I thought I'll forget you, well I sort of did. Pero tuwing nakikita kita, iba pa rin eh."

She giggled, her face blushing. "Napaka-corny mo!"

"Totoo nga! Ayaw maniwala nito."

"Alam mo rin bang ikaw ang unang Robert sa buhay ko?" tudyo niya.

"Of course I know that."

A call interrupted their conversation. Her hand went inside her pocket to pick up her phone. Galing sa mister niya ang tawag. "Uh, Delvert. Tumatawag si Robert, sasagutin ko muna." Maliit na tango ang ibinigay nito. "Robert," anas niya nang tanggapin ang caller.

"Are you okay?" bungad nito na may himig ng pag-aalala.

"Yeah..."

"Nasaan ka? I'll fetch you."

Maang na napaharap siya kay Delvert. She mouthed, "Hinahanap na niya 'ko."

Tiim na ngumiti ito. "I should go then."

"Hello?" singit ni Robert. "May kasama ka ba d'yan?"

"Wala," agad niyang tugon. "Baka 'yung mga nagdadaan lang 'yun."

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now