Kabanata 3: Si Jose...Ano?

543 26 5
                                    

Kabanata 3: Si Jose...Ano?

Sa sobrang lakas ng pagsigaw ko, sunod-sunod na pagkatok ang nadinig ko. Napatingin akong ulit sa lalaking nakaupo sa may gilid ng aparador. Oo, isang lalaking mukhang kasing edad ko din at medyo tanned ang balat ang nakikita kong nakatingin din sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya dahil parang mas natatakot pa siya kaysa sa akin.

Isusumbong ko ba siya o tatanungin muna? Baka naman siya si Boyet at natripan niya lang na magtago dito? Kesa mastress, binuksan ko na lang ang pinto. Hindi ko naman inaasahang si Kristoff pala ang kumakatok na iyon.

"Penny, narinig ko 'yung pagsigaw mo. What happened? Are you okay?" tanong niya agad pagbukas ko palang ng pinto.

Napailing ako. Kung sasabihin ko sa kanya na may lalaki dito, baka kung ano pang sabihin nito eh."Ahm, may nakita lang akong ipis.But I'm okay, sige."

Hindi ko na hinintay na sumagot siya kaya sinara ko na din ang pinto. Bigla akong napaisip. Tama ba ang desisyon kong wag sabihin ang tunay na nakita ko?

Tumalikod ako pero muntikan na naman akong mapasigaw nang makita ko na naman siya na nakatayo a few feet away from me. Maliit lang siya, parang kasing-tangkad ko lang eh. 5'1" lang kasi ako.

"Por favor, no le digas a nadie que estoy aqui," nakaka-nosebleed na sabi ng lalaki na para bang nagmamakaawa sa itsura ng mukha nito.

Tunog Spanish ang sinabi niya. Tinanong ko siya, "Ah eh, hindi ko naintindihan ang sinabi mo, kuya. English at Filipino lang ang alam kong language. Did you understand what I said?"

Napakunot-noo naman ang lalaki. "Isa kang Filipino na gaya ko? Ngunit ang iyong paglalarawan ay katulad ng isang binibining Espanyol. At ang iyong kasuotan..." napatingin siya sa legs ko na parang first time niya lang makakita nito. Naka-pink sleeveless at maong shorts lang ako.

"Teka, teka. Will you stop acting like that? You sound like a weirdo. Para kang lumang tao. At paano ka nakapunta diyan sa aparador? Trabahador ka ba ni Lola? Dahil kung oo, isusumbong kita!" pananakot ko sa kanya.Mas lalo namang kumunot ang noo niya.

"Subalit hindi ko rin maintindihan ang iyong nais na ipahiwatig. At ang paggamit mo ng lenggwahe ay sadyang bago sa aking pandinig.  Hindi pa ako kailanman nakarinig ng katulad ng sa iyo," sagot niya. Tiningnan ko siyang mabuti. Hmm. Parang makaluma ang damit niya na white long sleeves, brown na tuxedo at itim na slacks. Ang hati ng buhok niya ay nasa gilid, compared sa mga uso ngayon na messy lang. Naku-curious na talaga ako sa lalaking ito.

"I really don't get you. Ano bang pinagsasabi mo? Okay, kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, fine. Sino ka ba kasi?"

"Kung akin bang sasabihin, hindi mo ako isusuplong?" tanong niya.

"Isusuplong? So ibig sabihin, trabahador ka nga ni Lola, ano? Oh, ganoon naman pala. Ang sagutin mo na lang ay kung bakit ka nandito sa kwarto ko at nagtatago diyan sa aparador? Magnanakaw ka siguro noh? Aminin mo na," pananakot ko ulit pero dahil sa sinabi ko, parang ako ang natakot. Paano na lang kung totoong magnanakaw siya? Baka may dala siyang baril o patalim. Patay ako neto.

"Binibini, patawarin mo ako ngunit hindi ako masamang tao. Kaya lamang ako naririto ay sa kadahilanang nais kong makapag-isa at makapag-isip. Kapag ako ay nalulumbay, dito ako sa malaking aparador naglalagi, bagaman pinagbabawal na galawin ang mga kagamitan dito sa loob ng universidad. Lubhang nakakalungkot ang naging resulta ng patimpalak na aking sinalihan. Alam ng karamihan na ako ang nararapat na magwagi ngunit sadyang ang diskriminasyon ay nangingibabaw pa rin. Kasalanan ko bang maging isang Filipino?" paliwanag niya. Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi ng lalaking ito.

"Ano bang sinasabi mo na naman? Hindi talaga kita ma-gets eh. Unibersidad? Nandito ka sa bahay ng Lola ko. At patimpalak? Sino ka ba talaga?" tanong ko.

"Hindi ba ito ang Universidad de Sto. Tomas?" nakakunot-noo niya na namang tanong.

"You mean UST? Hello, doon ako nag-aaral kaya sinasabi ko sayo na hindi ito ang UsT. Nandito ka nga sa bahay ng Lola Katrina ko."

Naglakad muna siya patungong bintana na para bang nagdadrama."Kung ganoon, nasaang lugar ako?"

Ang pasensya ko, kaunting-kaunti na lang talaga. "Nandito ka nga sa bahay ni Lola. Dito sa Limay, Bataan."

Humarap siya sa akin na para bang nagulat. "Bataan? Bakit ako naririto? Ilang minuto lamang akong nagkubli sa aparador na iyan. Tila isang kababalaghan ang nangyayari. Hindi ito maaari. Maya-maya lamang ay magkakaroon muli kami ng pag-aaral. Kailangan kong makabalik sa lalong madaling panahon. Ngunit paano?"

Heto na naman po siya sa pagiging weirdo. "Hindi mo alam ang Bataan? Sikat ito sa Death March at Mt. Samat noong panahon ng mga Japanese. Dito din nanggaling sina Romy Garduce, Janine Tugonon..."

"Panahon ng mga Japanese?"

Kailangan pa ba akong magkwento about sa history? "Yes, Japanese. Pagkatapos masakop ng Spaniards ang Philippines, Americans naman. Tapos Japa-"

"Tapos na ang pananakop ng mga Espanyol? Ngunit..." hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil nagsimula na siyang maglakad-lakad sa buong room. Naaning na ata siya.

Bigla naman siyang tumigil sa harapan ko. "Binibini, anong taon na ang kasalukuyang panahon?"

Napakunot noo naman ako sa tanong niya. Sinagot ko na lang ito para matapos na ang magulong usapang ito. "2014."

"Hindi maaari. Isang malaking kababalaghan! Binibini, ako ay nagmula sa panahon ng mga Espanyol. Ang taong aking pinagmulan ay 1881. Mahigit isandaang taon ang aking napuntahan. Binibini, maaari mo ba akong tulungang makabalik sa aking pinagmulan?"

Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng sinabi niyang out of this world. Kailangan bang magsinungaling siya para mapagtakpan ang kasalanan niya?

"Alam mo kuyang kung ano-anong sinasabi, ang mabuti pa lumabas ka na lang sa bahay na ito nang tahimik. Fine, hindi na kita isusumbong kung iyon ang inaalala mo. Just leave me alone, okay? Now, go!" utos ko sa kanya.

"Ngunit binibini..." he pleaded.

"Lumabas ka na or isusumbong kita!" sigaw ko.

Sumunod naman siya. Lumabas siya at dali-dali kong ni-lock ang pinto. Bahala na siya kung mahuli man siya or what.

Then I saw a small notebook sa may gitna ng flooring. Kinuha ko iyon at binuklat. Too much for shocking events today pero nagulat na naman ako sa nabasa ko sa first page nito. It was written in almost perfect handwriting.

José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, 1880

Siya si...Dr. Jose Rizal?!!!

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon