Kabanata 14: Bagong Simula

149 7 8
                                    

Kabanata 14: Bagong Simula

I was too dumbfounded when I saw Marco and Kristoff walking towards me. Anong ginagawa ng dalawang 'to dito?

"Hi Penny," halos sabay nilang sabi. Napatingin sila sa isa't isa saglit pero binalik din ang tingin sa akin.

"Oh, hello. What are you both doing here?" I asked.

"I'm here to congratulate you. And to talk to you, bespren," sabi ni Kristoff at inabot ang dala niyang flowers. Wow, bespren. It's been years since he last called me that.

"Ako din noh. May utang ka pang dinner sa akin, remember? At isa pa, nauna ako dito so shall we?" medyo imbyernang sabi ni Marco.

Ano 'to, first come, first serve?

"But Penny, I have to tell you something. This is urgent. Please," Kristoff pleaded.

Naguluhan ako sa kanilang dalawa. Then my eyes caught Joey. Oo nga pala, sabi ko sa kanya na huwag umalis after our gig.

"Sorry guys, may prior appointment na ako," sabi ko sa kanilang dalawa. Then I called Joey. "Joey, tara na?"

Pareho nilang tiningnan si Joey. Binati naman sila nito. "Magandang gabi sa inyo, mga ginoo."

Nakita ko ang reactions ng mga mukha nila. Si Marco, halatang pinipigil ang tawa. Si Kristoff, napangiti lang.

"Sige, una na kami," sabi ko na lang at hinatak na si Joey papalayo.

"Wait, Penny. Why don't you both join for dinner with me? O sige, isama na din natin si Marco. Sayang kasi ang reservation ko. Please, bespren?" habol ni Kristoff sa amin.

Hihindi na sana ako kaso narinig kong tumunog ang tiyan ni Joey. I believe narinig din ng dalawa iyon. Hindi na napigilan ni Marco ang tawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I guess Joey says yes. Let's go?" aya ni Kristoff.

Sa kotse ni Kristoff na lang kaming lahat sumakay. Noong una, tahimik kaming lahat. Hanggang sa nagsalita na si Marco.

"Joey, the other night, nakita kita sa bahay ni Tito Ador. Nakalimutan ko lang itanong kung bakit ka nandoon," tanong ni Marco kay Joey. Napatingin naman sa akin si Joey na mukhang hindi alam ang dapat isagot.

"Ah eh kasi may thesis itong si Joey then Sir V is his adviser. So ayun, nagpapatulong siya. And around the area lang naman din ang bahay nina Joey kaya kahit gabi na, napunta pa din siya doon," sagot ko.

"Ay bongga spokesperson ka talaga, Penny?" sabi niya at tiningnan pa talaga ako mula sa kinauupuan niyang passenger's seat sabay ngisi. Inirapan ko na lang siya.  "Namiss ko 'yan, Penny."

Hindi ako sumagot. Namayani na naman ang katahimikan. Um-ehem naman si Kristoff. "Bespren, alam mo ba no'ng nasa Bataan tayo, nakita ko 'yung nakilala nating bata sa may plaza noon. Do you remember her?"

Inisip kong mabuti kung sino ang tinutukoy niya hanggang sa naalala ko ang cute na chubby girl na nakalaro namin ni Kristoff noong nag-ikot kami sa plaza ng Limay. Memorable ang batang iyon kasi siya ang kalaro namin noong nagbabahay-bahayan kami. Kami ni Kristoff ang tumayong magulang at siya naman ang kunwaring anak namin. "Ah si Maggie? Kamusta na siya?"

"Ayun, maagang nag-asawa. May dalawa na siyang anak. Kinamusta ka niya din sa akin. Ang sabi niya nga, akala niya tayo ang magkakatuluyan," natatawang sabi niya. Hindi na naman ako sumagot kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Maybe we could visit her one time? What do you think, bespren?"

"Hmm sige, 'pag hindi na ako busy," sagot ko na lang.

Pagkadating namin sa restaurant, kaunti lang ang tao. Siguro dahil medyo late na din. Pero halatang classy at fine dining doon.

The dinner went well. Medyo hindi na kami nagkakailangan. Joey could cope up na sa mga tanong ni Marco at madalas siyang natatawa sa mga pang-aasar nito sa kanya. Hindi ko naman pinagsisihan na sumama kami ni Joey sa alok na dinner ni Kristoff.

After one and a half hours, we all decided to leave. Hinatid ulit kami ni Kristoff sa venue ng gig dahil doon nakapark ang mga kotse namin ni Marco. I thanked them both for a wonderful dinner and promised them that I'll talk to them soon. Naglakad na kami ni Joey papuntang parking lot.

Nang makasakay na kami sa kotse ko, medyo inasar ako ni Joey. "Napakarami ng mga ginoong humahanga sayo, Penny."

Natawa na lang ako. "Naku Joey, hindi noh."

"Hindi ba't patunay ang mga bulaklak na ibinigay nila sa iyo? Ang isang lalaking nagbibigay ng bulaklak sa isang babae ay nagpapakita lamang na iniirog niya ito. Subalit hindi ko lamang maintindihan kung bakit nagbigay ang nobyo ng iyong kapatid," sabi niya na parang naguhuluhan.

"Joey, sa panahon ngayon, kapag nagbigay ng flowers ang isang guy sa isang girl, pwedeng nanghihingi siya ng apology. Or baka may favor na gustong hilingin. Or pwede ding token of appreciation. Maraming possible reasons eh. Hindi lang dahil sa may feelings siya," explanation ko.

"Naiintindihan ko. Maalala ko lamang, ang sabi mo kanina ay may sasabihin ka sa akin?" tanong ni Joey.

Bigla akong natuwa at the thought. "Yes, oo nga pala. Okay na kami ni Coleen, ng kapatid ko."

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari, mga napag-usapan namin at mga plans namin. We're planning to travel after my graduation. Libre daw ni Papa lahat dahil uuwi naman siya by that time. Nakwento ko din sa kanya ang sa kanila ni Kristoff.

"Kung gayon, maaaring ang pagpunta ni Kristoff ay isang pahiwatig na ikaw ay nagugustuhan niyang muli," komento niya.

Hindi ko muna sinagot iyon at inaya ko siyang bumaba. Di nalalayo sa pwesto ng kotse ang dagat na lagi kong pinupuntahan, ang Manila Bay. Inabutan ko siya ng isang can ng beer. Nagtaka siya kung ano iyon kaya binuksan ko na lang ito at binalik sa kanya. Nang malasahan niya iyon, nagustuhan niya ito.

Nakarating kami sa area na mas malapit sa dagat. Umupo kami doon at pinagmasdan ang mga alon, pati na din ang malawak na kalangitan. Ang sarap sa feeling na makita ang napakaraming bituin. I also spotted a shooting star. Nakakagaan sa pakiramdam.

Naalala ko ang huling sinabi ni Joey. I initiated our conversation. "If ever man na ganoon nga, well sorry siya. I already moved on. Wala na akong gusto sa kanya. At isa pa, ayokong masaktan ang kapatid ko. Ayokong siya na naman ang maging dahilan para magkalayo kami ulit."

"Ikaw ay tama, binibini. Napakaganda ng iyong naisip," sabi niya.

I don't know what to say by that time so I just appreciated the sound of the sea waves. May mga taong nagkakasiyahan sa di kalayuan. Sa kabilang dako naman, dinig ang malakas na tugtog. The song Perfect by Ed Sheeran was playing aloud.

Naramdaman kong lumapit si Joey papunta sa may pwesto ko at iniabot ang isang stem ng rose sa akin. Tiningnan ko siya and he was smiling.

"You look perfect tonight, Penelope."

I don't understand what I'm feeling right now but everything feels right at that moment. It was a perfect night, indeed. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon