Kabanata 11: Kaguluhan

194 12 6
                                    

Alas-tres ng umaga kaming umalis nina Mama, Colleen at Joey sa bahay ni Lola Katrina. Natapos na ang maikling bakasyon namin doon. Medyo nalulungkot pa si Lola noon dahil matatagalan na naman daw kaming makabalik doon. Pinangako naman namin sa kanya na uuwi kami sa Pasko at doon magse-celebrate. Sobrang saya ni Lola at kitang-kita ang excitement sa mukha niya.

Ako na ang nag-drive ng kotse dahil umuwi kahapon ng umaga si Kristoff. Ang sabi niya kay Colleen, may emergency daw sa kanila. Hindi ako naniwala. Alam kong umiiwas siya sa akin. Pagkatapos naming mag-usap, bigla na lang siyang umuwi. Kahit naman siguro ako, iiwas sa kanya kung sumabay man sa amin siyang umuwi.

Tiningnan ko sina Mama at Colleen sa rearview mirror. Mahimbing silang natutulog. Si Joey naman, tahimik lang sa passenger's seat.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" pambasag ko ng katahimikan. Tumingin naman siya sa akin.

"Baka magising ang iyong ina't kapatid kung ako'y magsasalita," simpleng sagot niya.

"Naku, trust me. Di magigising ang mga 'yan kahit na lakasan mo pa ang boses mo. Sobrang himbing matulog kapag nasa biyahe. May gusto ka bang pag-usapan?"

Matagal siyang natahimik at nakatingin lang sa bintana. "Paano kaya kung ako'y hindi na makabalik, binibini?" halos pabulong niyang sabi. Narinig ko pa naman din iyon.

"Sorry, Joey, sa ngayon hindi ko rin alam ang isasagot sa tanong mo," sagot ko. Hindi naman na siya lumingon sa akin at patuloy lang na nakatingin sa labas.

Ang hirap siguro talaga para sa kanya ang mga nangyaring ito. Nag-isip ako nang napakalalim, baka may makita akong pwedeng solusyon. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang documentary ko. Imbes na solution, problem pa ang naisip ko. Patay, pasahan na nga pala ngayong araw. Buti na lang at editing na lang ang gagawin ko doon.

Teka, teka. Naaalala pa rin kaya ni Mr. Villaviray ang dokyu ko? Dahil kung hindi na rin, wala nang saysay ang paggawa ko nito. Sayang lang ang effort namin ni Joey. Hay.

Inalis ko muna ang mga gumugulo sa isip ko at nag-focus na muna sa pagda-drive. Inabot kami ng halos three and a half hours lang sa daan at nakauwi nang maayos. Binaba ko lang sina Mama at Colleen sa harap ng bahay at nagpaalam na pupunta ng Heavenly Café para tapusin ang dokyu ko at i-submit na rin pagkatapos. Kasama ko pa rin si Joey noon na nagpaalam sa kanila at pinangakong bibisita sa bahay.

Nang makarating kami sa café, umorder ako ng dalawang caramel macchiato at  dalawang slice ng Sans Rival cake. Habang hinihintay naming dumating ang inorder ko, nag-online ako sa facebook at tiningnan kung online si Sir V. Yes! Online! Tinanong ko agad siya tungkol sa dokyu ko. Mabilis naman siyang nagreply.

Sir V: Oo naman, Ms. Dimaisip. Hindi ko nakakalimutan na ngayon na ang pasahan ng dokyu mo.
Ako: Hehe okay po Sir. Editing na lang naman po. Ang dami ko nga pong natutunan talaga kay Rizal. Hehe.
Sir V: That's good. I'm expecting that you'd submit it within the day. Nasa office lang ako maghapon.
Ako: Okay po, Sir. Thank you.

Hindi pa rin siya nagtanong o nagtaka kung bakit so Rizal pa rin ang sinabi ko. Ibig sabihin, meron pa ring mga tao na nakakaalam kay Joey. Baka pwede ko siyang pagsabihan ng nangyari. Baka pwede niya akong matulungan!

Natuwa ako sa naisip ko. Napansin naman iyon ni Joey.

"Mukhang ikaw ay masaya ngayong umaga, binibini," sabi niya.

Ngumiti pa rin ako. "Basta, malalaman mo din mamaya. Di pa din ako sure eh. Mamaya ko na lang sasabihin."

"Bigla akong nakaramdam ng kaba sa iyong sinabi," sagot niya.

Ngumiti na lang ulit ako at nag-focus na sa laptop ko para tapusin ang dokyu.

***
Nang makarating kami sa UST, namangha si Joey sa mga nakita niya. Natuwa siya dahil may mga old buildings pa ding nakatayo doon, at masayang inalala ang mga sandali niya kasama ang mga kaibigan.

Ilang sandali pa at nasa labas na kami ng office ni Sir V. Kumatok ako at binuksan ang pintuan. Pinaghintay ko muna si Joey sa labas. Pumasok na ako at nakita ko si Sir V na abalang nagbabasa ng files niya.

"Good morning po, Sir. Ito na po 'yung copy ng dokyu ko," bati ko kay Sir V sabay lapag ng DVD sa table niya. Inangat naman niya ang tingin papunta sa akin at inalis ang salamin.

"Good morning din, Miss Dimaisip. Take a seat. Papanoorin ko muna ito. Hintayin mo na rin ang mga comments ko at kung nararapat bang ipasa kita," seryoso niyang sabi.

"Okay po, Sir," kabado kong sagot. Grabe siya. Terror talaga.

Tahimik lang na nanood si Sir sa laptop niya. Iyon na ata ang pinakamahabang ten minutes ng buhay ko. Hindi ko kasi masabi ang reaksyon niya. Poker face lang siya the whole time.

Nang matapos siyang manood, isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya. Kaloka. This is it. Be prepared, Penny!

"Miss Dimaisip, nasaan ang lalaki sa iyong dokyu?" tanong niya sa akin. Hala, tama ba ang nakikita ko? Teary-eyed si Sir V? Nakakapagtaka.

"Kasama ko po siya, Sir. Nasa labas lang siya. Tawagin ko po ba?" sagot ko. Tumango lang siya. Sumunod naman ako at lumabas. Tinawag ko si Joey at pinapasok din siya. Nang makapasok na kaming pareho sa office, nadatnan naming nakaupong paharap sa likod si Sir V sa swivel chair niya.

"Sir, nandito na po siya. Si Joey po, friend ko," sabi ko. Dahan-dahan namang inikot ni Sir V ang upuan niya at nang makita niya si Joey, grabe siyang makatitig. May asawa't anak naman si Sir V, pero ba't ganun? Di kaya beks...

"Pepe? Ikaw ba 'yan?" maluha-luhang tanong ni Sir. Pepe? Sinong Pepe? Oh my. 'Yun ang nickname ni Rizal! Ibig sabihin...

"Dodong? Paanong..." di makapaniwalang sabi ni Joey.

Totoo ba ito? Magkakilala sila?!

-----
A/N: Halu! Updated na po ulit! Meet Dodong in the next chapter. Salamat talaga. Mabuhay ang mga Pilipinong manunulat. Mabuhay ang mga bayani ng ating lahi! Mabuhay ka, Rizal! ❤️

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon