Kabanata 9: Ilang Sandali

342 15 17
                                    

Medyo tanghali na akong nagising the next day. Napuyat kasi ako kakaisip kung anong sasabihin ko kay Joey para maintindihan niya ang mga nangyayari. Eh kaso, hindi ko naman din maipapaliwanag nang maayos iyon dahil kahit ako, naguguluhan din. Ano ba naman kasi itong gulong pinasok ko? Of all the people, why me? Of all the years, why now? Feeling ko, napakabigat na burden ang pinapasan ko ngayon.

Okay, sige, given na nga. Nandito na eh. Ano pa bang magagawa ko? Gusto ko siyang tulungan dahil kung ako ang nasa kalagayan niya, gusto ko din namang bumalik sa pamilya ko, sa panahong nababagay ako. Pero paano nga kasi? Ang hirap naman kasi talagang mag-isip ng paraan.

"Bahala na nga," nasabi ko na lang sa sarili ko habang nag-aayos papunta sa baba para mag-almusal.

Nakita ko naman silang lahat sa dining area, pwera sa isa. Si Joey. Nagtaka ako. Lagi naman siyang mas nauuna sa akin. Maaga naman kasi siyang gumigising.

"Ma, nakita 'nyo ba si Joey?" tanong ko kay Mama na abala sa pag-aabot ng bowl ng rice kay Lola.

"Ay, oo. Nagpaalam siya kanina. Mag-iikot lang daw siya, maglalakad-lakad. Babalik din naman daw siya," sagot ni Mama.

Wala naman siyang alam dito ah? Baka maligaw 'yun ah! Pero hello, Penny? Matalino naman si Joey. Makakabalik siya dito. Baka kailangan niya lang ding makapag-isip-isip. Naisip ko. Tiningnan ko ang oras sa antique na wall clock. 7:10am. Maaga pa naman. Babalik naman siguro siya mamaya.

Kakain pa lang ako nang biglang tumayo si Mama. "Mama, Penny, mag-gogrocery lang kami ni Colleen. Sa Balanga na kami pupunta. Dadalhin namin ang kotse."

Sumunod din namang tumayo si Colleen. "Gusto mong sumama, Ate?" tanong niya sa akin.

"Hindi na, tatapusin ko pa kasi ang dokyu ko," walang gana kong sagot. Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain.

"Ah sige, Ate," sabi na lang niya. "Kristoff, 'yung pinapagawa ni Lola ah, tapusin mo na," sunod niyang sabi. Ano kayang pinapagawa ni Lola dito?

"Oo naman, makaka-hindi ba ako kay Lola? Kaya di na nga ako makakasama sa inyo eh," medyo energetic niyang sagot. Halata sa boses niya na excited siya. Ano ba 'yun? At himala, naghiwalay din ang dalawa.

"Salamat naman, Kristoff. Gustung-gusto ko kasi talagang magka-portrait ang bahay na ito. Buti na lang at magaling ka mag-pinta," medyo nakangiting sabi naman ni Lola.

Ah. 'Yun naman pala. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa hotdog na nasa plato ko. Nagpaalam naman na sina Mama at Colleen.

Nang matapos akong mag-breakfast, naglakad-lakad ako sa malawak na bakuran. Ang gaganda ng mga orchids na halatang alagang-alaga dahil magaganda ang pamumukadkad nito. Pantay-pantay din ang tabas ng bermuda grass, pati na din ng mga bonzai na halaman.

Sa 'di kalayuan, napansin ko naman si Kristoff na nag-aayos ng gamit niya sa pagpipinta. Hindi ko mapigilang titigan siya. Bakit ba ako nagkagusto sa kanya? Hanggang sa bigla na lang pumasok sa isip ko ang first meeting namin ni Kristoff. Dito din 'yon, sa garden ni Lola.

***
"Mga apo, may mga bisita tayo. Siya si Lola Margarita ninyo, ang best friend ko. At ito ang mga apo niya, si Kristoff at Kristine," pakilala sa amin ni Lola Katrina sa mga bisita niya - isang matandang babae na siguro'y kasing age din ni Lola pero maganda pa din, isang batang lalaki na medyo nerd dahil sa suot niyang makakapal na glasses at isang batang babae na naka-ponytail.

Nag-hi si Kristine sa amin ni Colleen, at inaya ang kapatid ko na maglaro. Magkasing-edad kasi sila kaya pareho ng trip. Pumunta sila sa kwarto ni Colleen dahil sandamakmak ang Barbie dolls at kung ano-ano pang laruan ang nandoon. Sina Lola naman ay nagpunta sa may sala at nag-umpisa ng magchikahan. So ayun, naiwan kaming dalawa ni Kristoff na nakatayo sa may pintuan. Ang awkward lang ng feeling.

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon