Kabanata 10: Kaibigan

224 15 8
                                    

Noong kumalma na ako, na-realize ko na medyo matagal ang body contact namin ni Joey. Hala! Ang awkward! Dali-dali kong inalis ang ulo ko sa balikat niya at tinulak siya nang very light papalayo sa akin.

"Salamat pala, Joey," sabi ko sa kanya pagkatapos kong punasan ang mukha ko.

"Walang anuman, binibini. Halina't tayo ay umupo doon?" sabi niya sabay turo sa bench na malapit sa may ilog. Tumango na lang ako at sinabayan siya sa paglalakad.

Ilang minuto na kaming nakaupo pero hindi ko pa rin magawang magsalita. Should I tell him what happened? Mataimtim ko itong pinag-isipan. Pero matalino siya, at maiintindihan niya naman siguro. 

Kinuwento ko nga ang lahat sa kanya. Lahat ng frustrations ko. Lahat ng tungkol kay Kristoff at Colleen. Tuloy-tuloy lang siya sa pakikinig at pagtango, na para bang ninanamnam ang bawat salitang sinasabi ko.

"Kaya pala ganoon ang iyong pakikitungo sa iyong kapatid. Ngayon ay naiintindihan ko na. Mahirap nga ang naging sitwasyon mo, binibini. Ngunit ako'y iyong patawarin sa aking sasabihin. Sa tingin ko'y walang kasalanan ang iyong kapatid upang pakitunguhan mo siya sa ganoong pamamaraan. Siya lamang ay nagmahal na katulad mo, at hindi naman ni minsan niyang nalaman ang iyong damdamin para sa kanyang nobyo. Ang maipapayo ko lamang sa iyo ay magkausap kayo at ayusin ang hidwaang namuo sa pagitan ninyo. Sa maikling panahong nakilala ko kayong magkapatid, naniniwala akong maaayos ninyo iyan sapagkat malawak ang inyong pag-intindi.

"Sa inyo naman ni Kristoff, sana'y magkausap din kayo at magkapatawaran sa isa't isa. Pareho ninyong nasaktan ang bawat isa, at tanging sa isang magandang usapan lang maaayos ang lahat," tuloy-tuloy na sabi ni Joey. Aray. Medyo masakit ang sinabi niya pero naiintindihan ko. Para akong sinermunan ni Papa sa mga sinabi niya. But everything about what he said is right. Kaso medyo hesitant pa akong sundin ang payo niya. Parang nagpoprotesta ang puso ko. Ako, kakausapin sila?

Hindi ko alam ang isasagot sa kanya nang biglang magsalita ulit siya. "Binibini, alam kong masyado nang mataas ang dingding na iyong binuo sa pagitan mo at nila, ngunit ikaw lamang din ang maaaring magwasak dito. Alam kong may prinsipyo kang pinanghahawakan ngunit kung ito naman ay makakasira sa relasyon mo sa mga taong malalapit sayo, maaari mong baguhin o ayusin ito. Hindi pa huli ang lahat, binibini. Alam kong makakaya mong harapin ang iyong suliranin."

Para niya na ring sinagot ang tumatakbo sa isip ko. Mind reader siguro siya. Pero nakaka-inis din ang pagiging matalino niya. Nakaka-hurt ng feelings. Napangiti na lang ako sa kanya. "Ang talino mo talaga. Pero salamat, nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. At hayaan mo, pag-iisipan ko lahat ng sinabi mo."

Ngumiti siya bilang tugon. Ngayon ko lang nakita ang ngiti niyang iyon: maliit lang, di kita ang ngipin pero malalaman mong totoo iyon. Nakita ko ding may lumabas na dimple sa pisngi niya. Medyo cute siya noon.

Teka, gising Penny! Anong sinasabi mo diyan? Kaya para maalis ang atensyon ko sa ngiti niyang iyon, niyaya ko na siyang bumalik sa mansyon ni lola.

***
Hapon na nang dumating sina Mama at Colleen galing Balanga, ang kapitolyo at nag-iisang city dito sa Bataan. Marami silang pinamili: groceries, may mga shopping bags pa na ang laman ay mga damit at mga kahon ng sapatos. Para tuloy nilang binili ang buong mall.

"Oh anak, Colleen, bakit naman napakarami ng mga pinamili ninyo? Akala ko ba'y dalawang linggo lang kayo dito, bakit parang dito na kayo titira forever?" sabi ni Lola Katrina nang makapasok sina Mama at Colleen ng bahay.

"Walang forever, Lola! Haha! Eh kasi sale po ngayon sa Department Store, tapos ang dami pang magaganda. Inaya ko na si Mama mag-shopping. Ayan, di na namin na-kontrol," sagot ni Colleen.

"Huwag kayong mag-alala, 'Ma, meron kaming pinamili para sa inyo," sabi naman ni Mama sabay abot kay Lola ng isang paper bag. Agad namang sinilip ni Lola ang laman at napangiti sa nakita.

"Di na sana kayo nag-abala, pero thank you. Favorite ko itong binili 'nyong scarf. Ang ganda ng taste 'nyo! Manang-mana kayo sa 'kin!" sobrang tuwang sabi ni Lola at 'di na napigilang ilabas ang isang violet colored scarf mula sa paper bag at isinuot iyon sa buong leeg niya. Natawa kaming tatlo sa inasta ni Lola.

"Ate, ikaw din meron. Ako namili niyan," sabi naman sa akin ni Colleen at inabot ang paper bag. Medyo 'di ako sure kung aabutin ko iyon pero parang kusang inabot ng kamay ko ang handle ng paper bag. Binuksan ko iyon at inilabas ang isang black leather jacket. Itong-ito 'yung binabalak kong bilhin noon 'nong makita ko ito habang pinamili ko si Joey ng damit. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko ang sarili ko. Napatingin naman ako kay Colleen na nakangiti.

"Nang makita ko kasi 'yan na nakalagay sa mannequin, naisip agad kita Ate. So, ayan, binili ko na. Saka malapit na ang music fest na pupuntahan 'nyo di ba? That jacket would be perfect. Sukat mo na, Ate!" medyo excited pa niyang sabi.

Hindi ko nalamayan na kami na lang palang dalawa ang naiwan sa sala dahil nagpunta na sina Mama at Lola sa kitchen dala-dala ang pinamili ng groceries. Gusto ko sanang ibalik na lang ang jacket kay Colleen dahil wala na namang mamimilit sa akin para isuot iyon pero biglang nag-play sa isipan ko ng napag-usapan namin ni Joey kanina. Kaya para matapos na, isinuot ko na lang din ang leather jacket. It felt comfortable wearing it. Kasyang-kasya sa akin.

"Wow, Ate. Nice! Buti sakto sayo. Don't worry, kahit kailan mo gustong isuot 'yan, kahit hindi sa gig mo, okay lang. Basta isuot mo, Ate, ah? Please?" parang batang nanghihingi ng candy ang pagkakasabi niya. Di ko alam kung matatawa ako o maaawa. Bigla namang sumulpot si Joey pababa ng hagdan. Nag-hello si Colleen sa kanya at binati din naman niya ito. Binalik ni Colleen ang tingin sa akin na hinihintay pa din ang sagot ko.

"I'll wear it sa gig. Perfect attire nga ito doon. Thanks for this," I said with a short smile. But her reaction was priceless. Para siyang nanalo sa lotto sa sobrang saya niya.

"Yehey! Thanks, Ate! And you're welcome! Sige, tulungan ko muna sina Mama sa kitchen. Super thank you talaga, Ate," nakangiti pa rin niyang sabi at tuluyan nang pumunta ng kitchen. Lumapit naman sa akin si Joey habang nakangiti. That same smile I saw earlier.

"Hindi na iyon masama bilang isang simula, binibini," sabi niya.

Ngumiti din ako. "Sana nga, sana."

And we just looked at each other and smiled. Nakakita ako ng isang totoong kaibigan sa katauhan ni Joey. Bigla namang tumalon ang puso ko sa ideyang iyon. I'm friends with the Dr. Jose Rizal, the Philippine national hero. Astig!

-----------
A/N: Patawad sa napakatagal na update at sobrang salamat sa matiyagang pag-aabang. Kamusta ang update na ito? Comment kayo ha. Salamat talaga. ❤️

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon