Kabanata 4: Kasunduan

523 24 1
                                    

Kabanata 4:  Kasunduan

Napaupo ako sa kama. Siya ba talaga si Rizal?

Inaalala ko lahat ng sinabi niya, pati ang pananamit niya. Magkamukha nga sila ni Dr. Jose Rizal as far as I could remember the hero's image.

Binuklat ko ulit ang notebook niya. Lahat ng nakasulat ay Spanish. At sa tinta ng panulat niya, I doubt that he used a modern ballpen.

Oh yeah. Mukhang napapaniwala na ako ng mokong na iyon. Hanggang sa napansin ko ang backpack ko. Naalala ko ang special project ko. A documentary about Rizal! Parang automatic na nagkaroon ng light bulb sa ulo ko. What if I'll make a deal with him? I won't have any problems about making my work kung ang mismong Dr. Jose Rizal himself ang tutulong sa akin.

Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at hinanap siya. Narinig kong parang may nagkakagulo sa labas. Pumunta naman ako doon.

I heard Kristoff's voice na parang may ini-interrogate.Nandoon ang lahat ng family members ko, si Manang Puring at ilang katulong.  Tiningnan ko naman ang kausap ni Kristoff. Patay. Si Rizal iyon!

I made my way papunta sa kanya. "Hey bro! Nandito ka na pala!" acting ko sabay akbay sa kanya.

"Kilala mo siya, Penny?" tanong ni Lola.

"Yes Lola, pinapunta ko po siya dito para tulungan po ako sa project ko. Siya po si... si Joey. Joey, ang  pamilya ko. Pasensya ka na na-interrogate ka agad ah, haha," habang sinasabi ko iyon, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ang weird naman ng kaibigan mo, Penny. Di nagsasalita eh tapos ang damit niya pa, parang makaluma," parang yamot naman si Kristoff habang sinasabi niya iyon.

"Ah, medyo introvert kasi itong si Joey eh. Tapos pinagsuot ko na siya ng ala-Rizal costume kasi documentary ang gagawin ko. He's also studying in UST."

"Rizal? Paano mo nalaman ang aking pangalan?" narinig kong bulong niya sa akin.

Hindi ko na muna siya sinagot. Nagpaalam na ako na papasok na kami ng friend-kuno ko na si Joey.

"Ano iha, sa kwarto kayo gagawa?" alalang tanong ni Lola. Okay, di ko naisip na conservative nga pala si Lola.

"Don't worry, Lola. Beki po itong si Joey. Tago lang po, kaya please keep his secret po. Una na po kami," paliwanag ko sabay hatak kay Joey, este kay Dr. Jose Rizal. Nakahinga na lang ako nang maluwag noong makapasok na kami ng room.

"Hoo! Buti na lang nakalusot ako," I sighed.

"Ngunit hindi ba't ako ay pinaaalis mo na? At paano mo nalaman ang aking apelyido?" tanong ni Rizal sa akin.

Tinuro ko naman ang notebook niya na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. "Iyon naman pala. Ako'y iyong kilala na. Maaari ko na muna bang malaman ang iyong pangalan, binibini?"

"Penny. Penelope Dimaisip. At hindi lang dahil sa notebook kaya kita kilala," sabi ko sabay upo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang laptop sa loob ng backpack ko at nag-search about sa kanya sa internet. Pero ang nakakapagtaka, hindi lumalabas ang biography or picture niya. Bakit kaya ganito?

"Binibini, tungkol sa iyong sinasabi na hindi lamang sa aking kwaderno mo ako nakilala?" tanong niya sa akin.

"Wait, may hinahanap lang ako," sabi ko na lang. Naka-ilang search na ako pero di ko talaga mahanap. Teka. 'Yung book ko! Binuksan ko ulit ang backpack at kinuha ang book ko about Rizal. I checked it at buti na lang nadala ko iyon. Ibinigay ko iyon sa kanya.

"Iyan. Dahil diyan. Ikaw ang pambansang bayani namin, Sir."

Nakita ko kung gaano nanlaki ang mga mata niya habang binubuklat niya ang bawat page ng book. "Ako ito? Ako'y isang bayani?"

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon