Kabanata 1: Si Penny

705 25 2
                                    

Kabanata 1: Si Penny

"Penny, ihanda mo na ang mga gamit mo, pupunta tayo sa mansyon ng lola mo bukas ng madaling araw," sabi sa akin ni Mama pagkadating ko palang sa bahay. Galing ulit ako sa band rehearsal namin, ako ang drummer.

"Ma, alam nyo naman na may rehearsal kami every night, tapos gig every weekend. Hindi ako makakasama," sagot ko sa kanya, sabay baba ng black kong backpack sa sofa.

"Every year, iyan lagi ang sagot mo. Penelope. Please naman, gustong-gusto ka nang makita ng Lola Katrina mo. Nagmamakaawa na nga eh, bago man lang daw siya mamatay makita niya ang una niyang apo-"

Di ko na pinatapos ang sasabihin ni Mama. Alam ko namang magdadrama lang siya. "Okay fine, Ma. Sige na. Bukas na ako ng madaling araw mag-aayos." Naglakad na ako papunta ng kwarto ko nang biglang magsalita ulit si Mama.

"Ngayon mo na gawin. Matatagalan ka sa pag-aayos." Tiningnan ko siya with a questioning look. "Isang buwan tayo doon."

Parang sumakit ang ulo ko pagkarinig ko sa sinabi ni Mama. One month? Paano na ang banda ko? At yung tutorial class ko, paano ko pa makukuha? Pag hindi ko kinuha 'yon, bagsak na ako. Hindi ako makaka-graduate next year. Hindi ko pa sinasabi kina Mama and Papa ito dahil for sure, papatigilin nila ako sa pagbabanda.

"Ma! No way, I can't. Pwede bang three days lang ako doon? Plea-"

"Three weeks."

"One week."

"Two weeks or else-"

Sumuko na ako. Di naman ako mananalo kay Mama. "Fine. Just two weeks, okay? Di ko pwedeng iwan ang banda beyond that."

"Sige na. Mag-ayos ka na," sabi niya bilang pagtatapos ng usapan namin. Padabog akong umakyat sa hagdanan patungo sa kwarto ko.

Paano ko pa kaya magagawa 'yung documentary ko kay Rizal kung mababawasan ang one-month deadline ko? May usapan pa naman kami ni Sir Villaviray na kapag naipasa ko ang dokyu this month, di na ako mangunguha ng summer class dahil ipapasa na niya ako sa tutorial ko. Sa lahat ba naman kasi ng ibabagsak ko, Rizal pa. I get it naman na national hero siya, but why do I have to study his biography which is unrelated to my course? Last year ko na next academic year taking up Marketing. At iyang pesteng subject pa yata ang magiging dahilan ng di ko pag-graduate. Buhay nga naman.

Inayos ko na lang din ang mga gamit na dadalhin ko bukas. Nilagay ko na din ang videocam, laptop at pocket wifi ko sa bag para habang nandoon ako, masimulan ko na rin ang dokyu ko. Nang maayos ko na ang lahat, humiga na ako sa kama. Hindi na naman ako dinadalaw ng antok. Peste naman kasi, bakit ko pa sila nakita.

Bago ako kasi makapasok ng bahay, naaninag ko sila - ang kapatid ko at ang best friend ko - sa may garden na magkayakap. Bigla na namang napakirot ang dibdib ko. Ayokong nakikita silang ganoon dahil bumabalik lang lahat sa akin ang nakaraan.

Matagal na ring naging cold ang pagtrato ko sa best friend kong si Kristoff. Ewan ko nga kung mag-best friends pa rin kami o nahalata man lang ba niya na ayoko na siyang maging kaibigan. Siguro, alam na niya iyon. Sa mas bata ng dalawang taon kong kapatid na si Coleen, ganoon na talaga. Hindi ko kasi siya kasamang lumaki, kina Lolo at Lola siya nag-stay hanggang high school. Medyo nagtataka din ako kina Mama at Papa kung bakit nila ginawa iyon. Dalawa na nga lang kaming magkapatid, pinaghiwalay pa nila kami. Kaya siguro di rin nila kami masisi kung kahit kailan di kami naging close.

Matagal din akong naging tanga kay Kristoff. Buti na lang talaga nagising din ako sa katotohana two years ago. Nagising na lang ako na parang masyado ng naubos ang panahon ko kakahabol sa isang taong wala naman paki sa akin. Noong araw na iyon, maraming nagbago. Buti na lang at nakilala ko si Maridome, isang guitarist na kaklase ko. Inaya niya akong bumuo ng banda noong nalaman niyang may alam ako sa pagda-drums. Doon nabaling ang lahat ng atensyon ko. Mabilis akong naka-move on pero hanggang ngayon, di pa rin ako nakakalimot. Ganoon naman ata talaga ang human nature.

Papalapit na sana akong makatulog nang biglang tumunog ang phone ko. Medyo bad trip kong sinagot iyon.

"Hello? Sino ba ito? Gabing-gabi tumatawag ka, tulog na ang mga tao!"

"Hello iha, pasensya na. Ang Lola Katrina mo ito. Gusto ko lang makasiguro na pupunta ka dito bukas," sabi ng nasa kabilang linya. Si Lola pala! Napakabastos ko talaga.

"Lola, sorry po. Bago na naman po kasi number ninyo eh, di naka-register kaya akala ko po kung sino lang. Opo Lola, pupunta po ako. Promise."

Narinig kong napahagikgik si Lola. Namiss ko din iyon kay Lola kapag masaya siya. "Salamat naman apo at sasama ka na kina Mama mo. Napasaya mo ang Lola mo. O siya sige, magpahinga ka na at bukas na lang tayo magkwentuhan. Good night, I love you apo."

"Okay, Lola. See you po bukas."

Hinintay ko munang ibaba ni Lola ang phone bago ako nagbaba ng sa akin. Bumalik ako sa pagkakahiga ko. Babalik na ako ulit sa mansyon ni Lola kung saan ko unang nakilala si Kristoff.

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon