Kabanata 8: Palaisipan

325 13 2
                                    

Maaga naming natapos ni Joey ang schedule namin para sa araw na ito. Konti na lang naman ang gagawin kong script at malapit na akong matapos sa documentary ko. Nasa kabataan na ako ni Rizal, so basically fresh pa sa alaala niya iyon kaya naging madali lang ang ginawa ko. Medyo chill lang kami ngayon, nanonood ng movie sa sala kasama sina Mama, Lola at Yaya. Ang favorite movie nina Lola at Yaya ang pinapanood namin ngayon, ang Starting Over Again.

"Ganyan na ba talaga ang makabagong panahon ngayon? Isang binibini ang nagpaparamdam ng kanyang pag-ibig sa lalaking kanyang iniirog? Noong panahon ko..." bigla-biglang comment ni Joey. Kaya pinigilan ko na siya sa pagsasalita at kunwari ay joke lang ang sinasabi niya.

"Anong panahon ang sinasabi mo diyan, Joey? Matanda ka na ba? Nakainom ka ba ng gamot mo? Haha!" sabi ko.

"Gamot? May sakit ka ba, iho?" tanong ni Lola kay Joey. Napatingin naman siya sa akin na parang sa akin naghahanap ng sagot.

"Lola, joke ko lang 'yon. Kasi parang baliw na naman itong si Joey, kaya nag-joke po ako na baka hindi niya nainom ang gamot niya sa pagkakabaliw niya, haha," medyo pilit na tawa at kabado kong sagot. Napangiti na lang si Lola.

"Kayo talagang mga bata kayo, hindi ko minsan mainitindihan ang mga trip ninyo sa buhay."

"Totoo po 'yon, Ma. Tingnan 'nyo nga 'yang si Penny, nagbabanda pa din kahit na muntikan ng bumagsak sa subjects niya," sabi naman ni Mama.

"Grabe naman kayo, Mama, hindi naman, sa isa lang. Teka? Paano ninyo nalaman?" nagtataka kong tanong. Hindi ko naman sinabi sa kanya na bagsak ako sa Rizal.

"May mga source lang ako sa campus ninyo at di ko sasabihin. Basta Penny, ipangako mo na maipapasa mo na 'yang Bonifacio mong subject. Ang dali-dali na nga 'non eh. Kung hindi ka pa papasa, ititigil mo ang pagbabanda sa ayaw at sa gusto mo," pananakot ni Mama. Pero hindi ako natakot sa huling sinabi niya. Nagtaka ako sa sinabi niya. Bonifacio?

"Bonifacio, Ma? Sa Rizal ako bumagsak," paglilinaw ko.

"Anong Rizal? May bayani ba tayong ganoon? Sa pagkakaalam ko, ang national hero natin ay si Bonifacio. Naku, Penny, kaya ka siguro bumagsak ay dahil hindi mo kilala ang pinag-aaralan mo?" balik tanong ni Mama.

"Pero-"

"Sssh! Tahimik! Nanonood ako! Ayan na malapit na 'yung sasagutin na ni Marco si Ginny! Manahimik muna kayo," biglang sabat ni Lola.

Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil tiyak na papagalitan na naman ako ni Lola. Nagkatinginan na lang kami ni Joey. Nagtatanong ang mga mata niya. Bumalik muna ako sa panonood. Wala pa rin kasi akong masasagot sa mga tanong niya.

***

Pagkatapos naming manood, dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Alam ko namang sinundan niya ako pero sadyang binilisan ko ang lakad para di niya ako maabutan. Kumatok naman siya pero sinabihan ko na lang siya na masakit ang ulo ko. Hindi naman na ako nakarinig ng katok after noon.

Hay. Nababaliw na ba ako? Baka naman wala talagang Jose Rizal? Baka naman niloloko lang ako ng taong iyon? Baka naman ginawa lang ng imagination ko si Rizal? Pero hindi eh. Hindi pa naman ako nababaliw. Kailangan kong patunayan na mayroon talagang Jose Rizal na naging bayani namin.

Nag-online ako sa Facebook at tiningnan ko kung online si Kiel, kaklase ko noon sa Rizal at kapareho ko ding bumagsak at may project na documentary. Yes! Buti na lang online siya. Kinumusta ko siya at tinanong about sa dokyu niya.

Ako: Kamusta dokyu mo, boi?
Kiel: Ayos naman. Nagpatulong na lang ako sa mga barkada ko. Hirap pala haha. Sayo ba?
Ako: Okay din naman. Sariling sikap haha.
Kiel: Kala ko talaga madali lang. Kaya siguro tayo bumagsak. Hirap aralin ng buhay ni Boni. Haha

Boni? Oh no. Bonifacio din? Pati siya? Baka naman nagkamali lang siya ng type?

Ako: Haha oo nga eh. Bakit ba naman kasi si Bonifacio pa ang naging national hero natin noh?
Kiel: Kaya nga. Kung sana life story ko na lang noh. Mas maganda pa hahaha.

Baliw din ang isang 'to. Hindi ko na pinatagal ang convo namin at nagpaalam na ako. Hay. May mali talaga eh.

Naghanap pa ako ng mga online friends ko na naging classmate ko sa Rizal. Boom! Si Cherry, naging seatmate ko pa siya no'n! Pinapakopya pa niya nga ako kapag may quiz eh. Pero kasi no'ng finals na, naghiwalay na kami. Alphabetical ba naman. Siya, Vinzon. Ako, Dimaisip. Masyado akong naging kampante dahil akala ko magkatabi pa din kami. Kaya ayun, nganga. Bagsak.

Ako: Che! Pwede magpatulong? May naaalala ka pa ba tungkol sa buhay ni Rizal?
Cherry: Rizal? Sino 'yun? Boyfriend mo teh?

No. No. No.Wag naman pati siya.

Ako: 'Di mo na siya naaalala?
Cherry: Girl, wala akong kilalang Rizal. Sino ba yan? Pogi ba? Kung pogi, sige, kikilalanin ko siya. Hahaha.

I sent an emoticon na lang as reply. I failed. Don't tell me pati itong dokyu na ginagawa ko will be thrown away dahil 'di naman nag-eexist si Rizal? At dapat na kay Bonifacio ang ginawan ko?

Last na 'to. At ang huling taong naisip kong tanungin ay ang taong mismong nagpagawa ng project na ito. Si Sir Villaviray.

Hinanap ko siya sa Facebook. We're not friends kasi. Medyo mahirap siya hanapin, hindi niya kasi ginamit ang true name niya. Nagpatulong na lang ako sa mga ka-close kong prof at baka friend nila or may mutual friends sila. Buti na lang friend siya ng isa sa kanila. I instantly added him. Ilang minuto din akong naghintay para i-accept niya ang friend request ko. Muntik na nga akong makatulog kakahintay. Bumalik na lang ako sa ulirat no'ng tumunog ang phone ko due to a notification. Yes! In-accept niya!

I chatted him quickly. Nag-Hi Sir lang ako. Nagreply naman siya agad.

Sir V: Ms. Dimaisip, how's your dokyu?
Ako: I'm doing great, Sir. Mas lalo kong nakilala si Rizal.
Sir V: That's nice. So I'm expecting that you'd submit it next week?

Teka, teka. Di man lang siya nagtanong kung sino si Rizal? Oh my! Is this a sign? Is this some kind of a miracle?

Ako: Opo, Sir. Sure. Question lang po. Kilala ninyo si Rizal?
Sir V: ?

Oh no. Ayan na. May question mark. Baka nagkamali lang siya. Baka hindi niya din kilala si Rizal. Paano na 'yan? Hay.

I waited kung may kasunod pa 'yun. Fortunately, there is.

Sir V: Miss, are you okay? Of course. Isa siya sa mga subjects na tinuturo ko. At iyan ang pinapagawa ko sayo.

Oh. My. Gas. Sa wakas! Finally! Totoo nga. Di ako baliw. Totoo si Rizal. He really did exist.

Ako: Sir, may I ask, where are you right now?
Sir V: Nandito ako sa province namin sa Nueva Ecija. Why?

That's why. Wala pa siyang alam sa mga nangyayari. For sure, magugulat siya 'pag nalaman niya na wala nang nakakaalala kay Rizal.

Ako: Wala naman Sir, just curious. I will submit it next week, Sir. Thanks po sa pag-accept.
Sir V: Okay.

I'm dying to talk to him. Sana matapos na ang linggong ito para makausap ko siya. Siya lang ang taong makakausap ko about this. Siya lang din siguro ang makakatulong sa akin at kay Joey.

----------
A/N: Hello guys! Salamat sa pagbabasa! Recommend nyo din sana sa mga friends nyo. Love lots! :)

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon