Chapter 12

2K 48 1
                                    

Nilapitan ko si David at kukunin ko sana sa kamay niya ang singsing pero itinaas niya ang kamay niya. Tinignan ko siya at pagkatapos pinilit kong abutin ang singsing. Hanggang sa bigla niya ako hinalikan. Naramdaman ko na mahal niya nga din ako at totoo ngang hinalikan niya ako kahapon nung nakapikit ako. At hinalikan ko din siya, pakiramdam ko parang nalasap ko ang langit. Napangiti kami at nagyakapan. Binigay niya sa akin ang singsing at ang sabi niya..

"Sabelle, may sasabihin ako sa'yo"

"Ano yun?"

"Ako si Buknoy"

Sa gulat ko, nabitawan ko ang singsing at nagiba naging sumama ang reaksyon ko. Hindi ko inakala na siya at si Buknoy ay iisa.

"Matagal ko ng alam na ikaw si Sabelle na kababata ko.. kaya sinundan kita dito at nagtrabaho ako"

"Bakit hindi mo sinabi?! bakit ka nagsinungaling sa akin?!"

Nagagalit ako sa kaniya dahil hindi niya kaagad sinabi sa akin na siya si Buknoy. Tumakbo ako paalis ng bahay niya at nahabol niya ako. Hinalikan niya ulit ako pero sinampal ko siya.

"Sorry"

"Hayaan mo muna makapagisip ako, nabigla ako sa nangyari ngayon."

Hinayaan niya na ako umalis at saka dumiretso ako sa dorm. Kinabukasan, pumasok na ako sa school nakita ko na may dekorasyon ang classroom. Mayroong mga colorful na balloons, meron mga korteng puso na gawa sa color paper na nakasabi sa dingding at iba pa hanggang sa may pumasok na isa sa mga classmate ko na nakamaskara na mukha ni David at binigyan ako ng flowers at bigla siya umalis. Saka dumating si David at isinuot sa akin ang kwintas na nakalagay ang singsing na binigay niya sa akin noon. 

"Ikaw ba may pakana nitong lahat? kung oo, please tigilan mo na 'to."

"titigilan ko 'to kung mapapatawad mo na ako"

Pagkatingin ko sa bintana lahat ng mga classmates ko pinapanuod kami

"Ayieeeeeh!"  

"patawarin mo na!"  

 "oo nga!" 

Hanggang sa narinig nila na padating na ang principal kaya bigla sila nagpasukan sa classroom at nagsibalikan sa kaniyang kaniyang upuan. At hinugot ng classmate ko ang bulaklak na hawak ko para itago. Hanggang sa biglang dumating ang principal.

"oh! Mr. Reyes bakit ganito ang itsura ng classroom nila?"

"malapit na daw po kasi ang Valentine's Day kaya naisipan nila magdecorate"

"ah. napadaan lang ako dito akala ko kasi dito nanggagaling yung ingay."

Hindi din nagtagal umalis din ang principal. Lahat ng kasama ko sa classroom napahinga ng malalim dahil akala nila ay mahuhuli kami sa pinaggagawa nila.

"Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa mo! pwede ka mawalan ng trabho at pwede kaming masuspended lahat dito!"

Lumabas ako ng classroom at pinuntahan ko ang locker ko at may nakita akong sulat na nakalagay na galing kay David.

Hello My TeacherWhere stories live. Discover now