Chapter 4

2.8K 57 1
                                    

Pag ka-labas namin sa Guidance Office, inaasahan ko na may pinag-uusapan pa din kami. Lumabas na kami ni David sa school at nag-usap kami sa isang park malapit sa school.

"Sorry dahil nawalan ka ng trabaho dahil sa akin." wala akong magawa o maisip kung paano ko siya matutulungan para maibalik siya sa trabaho.

"Hindi ka dapat mag-sorry, dahil wala ka namang ginawang masama.. Sa tingin ko maghahanap muna ako ng ibang trabaho at babalik ako sa eskwelahan kung sakaling magbago ang isip ni Mrs. De Guzman"

"ah! may nahanap na akong pwede mo maging trabaho"

napangiti ako dahil kahit papaano matutulungan ko siya para makabawi ako sa mga ginawa niyang mabuti sa akin

."ano?" tanong ni David.

"may negosyo ang pamilya namin na Cake Shop, kakausapin natin si mommy na magtayo pa ng isang branch para makapagtrabaho ka" gumanda ang buhay namin dahil negosyo na 'yon at lumago pa lalo ang negosyo namin kaya hindi mahirap na magtayo ng isa pang branch. Hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa para tawagin si mommy pero pinigilan ako ni David.

"Sabelle Javier hindi ako negosyante, teacher ako"

"pero pang samantala lang naman ang trabaho mo habang wala ka pang nahahanap na trabaho"

pilit kong sabi sa kaniya. tumahimik kami, tinitignan ko siya kung papayag siya sa sinabi ko. Ngumiti siya at nagsalitang pabiro na..

"Baka naman binibigyan mo ako ng trabaho dahil sa tingin mo asawa kita? haha"

sa mukha niya halatang nasa good mood na siya. Habang tumatawa siya, nagalit ako ng sobra sa kanya dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Sa galit ko, tumahimik lang ako at tinalikuran siya sabay lakad. Nagtaka si David bakit bigla ako umalis.

"Sabelle! Sabelle! teka lang!"

sigaw niya dahil papalayo na ako sa kaniya. Sa tuwing nagagalit ako ng sobra napapaluha ako, dahil siguro hindi mailabas ang galit ko. Naabutan ako ni David at humarap siya sa akin.

"Galit ka ba? kung galit ka, sorry sa biniro ko.. hindi ko naisip agad na masasaktan ka sa sinabi ko"  hindi ako kumibo dahil nagagalit talaga ako sa kaniya.

"osige ganito na lang, isigaw mo sa akin yung gusto mo sabihin na ikinagagalit mo ngayon"

napatingin ako sa kaniya at sa tingin ko dapat ko nga siguro gawin para maging komportable na ang nararamdaman ko. Pero sa galit ko, nailabas ko sa pamamagitan ng paghampas sa kaniya ng bag at inapakan ko ang paa niya

"ARAAAY!"

pasigaw na sabi niya at napayuko siya sa sakit ng katawan.. at sunod na sinigawan ko siya..

"OO! GALIT AKO SAYO! SINO BA NAMAN KASI ANG HINDI MAGAGALIT SA SINABI MO! MASAKIT SA AKIN KASI BABAE AKO! AT HINDI NAMAN AKO AMBISYOSA NA PINANGARAP MAGING ASAWA MO!!"

pagkalingon namin, pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Tumakbo kami papalayo at nagtago sa kabilang kalye. Natawa ako sa ginawa ko dahil first time ko lang na ginawa ko sa harap ng lalaki. At natatawa ako dahil parang nakaganti ako  kay David sa ginawa niya. Kinalabasan na, masamang tao siya sa pinagsisigaw ko. hahaha! hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil nawala agad ang galit ko sakaniya sa ganung dahilan. Napatawa din si David.

Kinabukasan ng umaga, nagising ako sa narinig kong nagri-ring ang cellphone ko. Nakita ko na tumatawag pala si mommy..

"hello mommy"

"anak magkita tayo sa malapit na Mall diyan at isama mo ang boyfriend mo ngayon.. dalian niyo"

"pero mommy hindi ko nga siya--"

tanggi ko sa kaniya pero sabay naman ang pagpatay niya sa tawag.. Nag-aalala ako dahil baka sumama nanaman ang pakiramdam niya kaya dinalian ko ang pag-alis papuntang bahay ni David. Kumatok ako sa pintuan sa bahay ni David at nagulat ako dahil ang nagbukas ng pinto ay isang babae. Maganda, Maputi, Matangkad, At kahit sino na lalaki paniguradong magkakagusto sa kaniya. Pero SANDALI! bakit nasa bahay siya ni David?! ang pagkaka-alam ko, nag-iisa lang siya sa bahay niya.. hindi kaya siya ang girlfriend ni David? o kaya dahil natulog siya sa bahay ni David, ay may nangyari na sa kanila?!! Nang nakita ko siya parang nanghina ang katawan ko at na-blanko ang isip ko.. Hindi ko alam bakit nangyayari sa akin 'to.

 "Miss, ano kailangan niyo?" hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi ako makapagsalita kaya tumakbo ako paalis ng bahay. 

Habang tumatakbo ako hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko tinitignan ang dinadaanan ko at nang nakabangga ako, napa talisod ako. Napatayo kaagad ako ng nakita ko si David pala ang nakabangga ko.

"Sabelle okay ka lang?"

 "ah oo, o-o-kay lang ako"

pero bigla rin ako napaluhod dahil nagkasugat ang tuhod ko. Tutulungan sana ako ni David pero tinanggihan ko siya. At napansin niya na lumuluha ako.

"Sabelle, okay ka lang ba talaga? mas mabuti kung gamutin muna natin yan sa bahay ko bago ka umalis"  tumawag ako ng taxi at sinagot ko siya

"magkikita kami ni mommy ngayon sa malapit na mall dito at siguradong naghihintay  na siya kaya kailangan ko magmadali, bye"

pagkapasok ko sa taxi, naririnig ko ang pagtawag ng pangalan ko kay David. 

Nagkita na kami ni mommy sa restaurant.

"anak, bakit hindi mo kasama siya?"

 "mommy, mukhang masama ang pakiramdam niya, kaya hindi siya makakapunta"

bakit nga pala ako nagsinungaling para lang pagtakpan siya?! nakakainis!! hindi ko naman talaga dapat ginawa iyon dahil hindi siya ko naman siya boyfriend o asawa at may girlfriend na siya na kasama niya ngayon sa bahay.

"Oh! ayan na pala siya eh"

pagkalingon ko si David nga! Naalala ko nabanggit ko sa kaniya kanina na magkikita kami ni mommy ngayon at alam niya ngayon ang araw na pag-uusapan namin ay  tungkol sa magiging desisyon ni mommy.

Sinimulan na ni mommy ang pag-uusapan.

"next year pa ang 18th birthday ni Sabelle, kaya hindi pa kayo pwede ikasal hangga't hindi pa sa 18. Nabalitaan ko, 1 week suspended si Sabelle sa school niya at tinanggal ka sa trabaho. Dahil ayoko magka-asawa ang anak ko na walang trabaho, kinausap ko si Mrs. De Guzman na ibalik ka. At pumayag siya. Kaya next week magtuturo ka na sa school"

Tinignan ko ang mukha ni David na mukhang naging masaya siya sa narinig niya.

"salamat po ma'am" halata din sa mga mata niya na masaya siya.

"nga pala, nilipat ko na ng school si Sabelle."

nagulat kaming dalawa at nagtataka ako bakit inilipat niya ako sa school?

"dahil yun ang napagusapan namin ni Mrs. De Guzman, para hindi bumalik ulit ang nangyari masama sa school lalo na magiging mag-asawa kayo sa susunod na taon."

Tumayo na si mommy dahil tapos na ang usapan namin. Hindi pa nakakalayo masyado si mommy, kaya tumayo naman ako para sabihin na tutol ako sa plano niyang ikasal kaming dalawa. Pero bigla ako inakbayan ni David, napa-tingin ako sa kaniya. Iniisip ko, bakit niya ginawa na akbayan ako. At tinawag niya si mommy at sinabing..

"Papakasalan ko po ang anak niyo!"    ngiting sigaw niya kay mommy.

Hello My TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon