Chapter 8

2K 48 1
                                    

AFTER 1 WEEK

Gumising ako ng maaga at nag-ayos na ng sarili ko para hindi ma-late sa bago kong school na papasukan. Naka-recieve ako ng text galing kay David. 

"Sabelle, sorry hindi kita mahahatid sa school mo ngayon.. maaga kasi ako papasok ngayon.. ingat ka"

Okay lang sa akin na hindi niya ako ihatid natuwa pa nga ako eh dahil nabasa ko sa huling text niya sa akin na "INGAT" at gumanda lalo ang mood ko.

Ginusto ko din na pinalipat ako ng school ni mommy dahil sa tingin ko, makakapag simula ulit ako ng buhay. Wala na sa mga paligid ko na pinag-uusapan ako ng masama.

Pumunta na ako ng Principal's Office para itanong kung saang classroom ako papasok. Pinakilala sa akin ng principal na bago ko magiging adviser na teacher ng Filipino na si Ms. Trisha Santiago. Maganda siya at siya daw ang pinakabatang teacher sa paaralan. Siguro mga 20 or 21 years old ang edad niya sa mukha pa lang at hindi magkakalayo panigurado ang edad nila ni David.

Si Ms. Trisha Santiago na ang nakasama ko simula paglabas ng Principal's Office. Napakahinhin niya kung ikumpara sa akin, dinaig niya pa ako. Pagpasok namin sa classroom pinakilala niya ako sa klase at nagpakilala din ang buong klase sa akin. Masaya dahil sa tingin ko nakakatuwa silang kasama. 

At nagsimula na magturo ng Filipino si Ms. Santiago. Matapos ng isang oras, umalis na ang adviser namin. Maingay ang klase dahil may pinag-uusapan sila na tungkol sa susunod na subject.

"bago daw ang teacher natin sa Physics ah!" narinig ko sa likod ko,

"talaga?" sagot ng katabi ko.

"sino?" sagot ng katabi niya.

"ayaaaaan na siya!" sabi ng nasa likod ko.

bigla tumahimik ang lahat ng pagkabukas ng pinto. Naglakad siya papunta sa harap para makapagkilala. Nang nakita ko siya, napatayo ako..

"IKAAWW?!" 

nagtinginan ang mga classmates ko sa akin. Nagtataka sila na kung magkakilala kami.. Hindi ako makapaniwala na si David ang makikita ko sa harap na iyon. Dahil ang alam ko, sa dati kong school siya papasok. Nilapitan niya ako at pinaupo saka bumalik siya sa harapan para makipagkilala sa klase.

"Sa ngayon, alam kong nagtataka kayo kung magkakilala kami. Oo, magkakilala kami dahil siya ang fiancée ko. At next year invited kayong lahat."

Nagpalakpakan at naghiyawan ang buong klase. Kinikilig pa ang mga babae kong classmates at ang iba naman tinatanong nila kami ni David kung ano ang love story namin. Haaay! nakakabaliw! Naguluhan ako sa klase kaya bigla ako lumabas ng classroom.

Pagkalabas ko ng classroom, sumunod sa akin si David.

"Ano ginagawa mo dito?!"

"hindi ka ba masaya? mababantayan kita at matuturuan kita. Nung pinaalis ako sa school na iyon, Nag-apply ako dito at natanggap ko na nakapasa ako dito pero hindi ko na lang sinabi sa inyo."

"bakit mo sinabi sa kanila na fiancée kita? gusto mo ba na mangyari nanaman ang nangyari sa atin noon?" tanong ko kay David

"kahapon pumunta ako dito para kausapin ang principal.. sinabi ko na ang fiancée ko ay mag-aaral dito. pumayag naman siya"

bumalik na kami sa classroom at ipinagpatuloy niya na ang klase.

Hello My TeacherWhere stories live. Discover now