Chapter 3

3.2K 55 1
                                    

Madaling araw na, nang nakapunta kami sa dorm na tinitirhan ko. Hinihintay namin si mommy at hindi din nagtagal dumating na si mommy na mukhang nag-aalala. Nagyakapan kami at nakita niya si Sir David.

"anak! siya ba yung David na kasama mo sa pagtulog?!" palakas ng tono ng pananalita ni mommy.

"mommy! hindi kami magkasama matulog, teacher ko siya. Siya si Sir Reyes."

 "TEACHER?! eh kanina nga sabi mo DAVID ngayon naman SIR REYES?!" sagot sa akin ni mommy.

"ma'am hayaan niyo muna po kami mag-explain." mahinahon na salita ni David kay mommy.

"wala kayo dapat ipaliwanag sa akin! rinig ko sa tawag ni Sabella nasa bahay mo siya." hanggang sa parang sumama ang pakiramdam ni mommy kaya dinala namin kaagad siya sa ospital.

Habang naghihintay kami ni David sa doctor, humingi ako ng paumanhin sa kaniya sa nangyari. Pero mahinahon pa din ang dating niya, kumbaga parang bihira lang siya magalit kung titignan dahil understanding naman siya. Lumabas na ang doctor at sinabing High Blood si mommy. Tinawagan ko  ang Step Father ko para alagaan sa ospital si mommy kaya lang dahil may pasok na ako maya-maya hindi ako pwede umabsent kaagad.

"Ako muna ang magbabantay, umuwi ka na para makapagpahinga ka na rin." sabi ni David.

"Pero Dav--" putol na pagkasagot ko dahil nagsalita siya muli.

"Okay lang ako. Papasok ako mamaya sa School pagkadating ng papa mo." nagpasalamat ako sa kaniya at umuwi na ako para magpahinga.

Kinabukasan sa school, pagpasok ko sa school lahat ng tao nakatingin sa akin parang nangdidiri sila. Dahil kapag alam nila na paparating na ako bigla sila humihiwalay. Nakapasok na ako sa classroom namin pero hindi nila ako kinakausap at wala tumatabi sa akin. Habang wala pa si David, naisip ko na itext si mommy kung ano balita. Nagtext pala sa akin si Mommy na puntahan ko siya sa dorm ko. Pero hindi ako pwede makalabas ng school ng walang sundo ng magulang. Nang biglang pumasok si David sa classroom namin at bigla ako hinila niya palabas ng classroom. Kaya nagulat ang buong klase at ang mga nakakita sa loob ng school maski ang mga teacher na babae na halatang may gusto din sa kaniya. Binitawan ko ang kamay niya at tinanong ko kung bakit niya ako hinila palabas ng school.

"kailangan natin magmadali dahil may pag-uusapan tayo ng mga magulang mo."

sa sinabi niya sa akin, hindi siya makatingin ng diretso sa akin dahil halata sa mukha niya na galit siya.

Nasa Dorm na kami, nakita ko ang Step Father ko na nakatayo at si mommy ay nasa loob ng kotse.

"nagdesisyon na ang mommy mo na ikasal kayo next year." nagulat ako sa sinabi ni tito Ed.

"teka lang! hindi naman pwede iyon!" pero walang imik si David sa sinabi ko. Hindi man lang siya humadlang sa desisyon ni mommy.

"David! paano na yan? kailangan natin pigilan si mommy!" natataranta na ako pero hindi man lang sumagot si David.

"Sabelle, hindi natin pwede pigilan ang mommy mo lalo't na may high blood siya"

sa sinabi ni tito Ed naintindihan ko na si David kung bakit  naging ganoon ang reaksyon niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit pa ako pumunta sa bahay niya, bakit nakitulog pa ako sa bahay niya at bakit siya pa ang naging teacher ko! 

Tumakbo ako paalis papuntang school habang umiiyak ako. Napahinto ako sa isang playground dahil sa pagod. Iniisip ko kung paano ako haharap sa mga teachers, classmates kapag nalaman nila na ikakasal na ako. Sa dinami-dami ng magiging problema, bakit ito pa! Napayuko na lang ako. Hindi ko namalayan na nakaiglip pala ako. Napatayo ako nang nilapitan ako ni David.

"ganyan mo ba haharapin ang problema mo! alam mo ba na nag-alala ako sa'yo at hinanap pa kita kung saang lugar!"

pasigaw na galit sabi ni David. Nagulat ako sa reaksyon niya. Dahil ngayon ko lang siya nakita na galit at nabitawan ko ang bag kong dala-dala. Pinulot niya at sabi..

"Tara na, pumunta na tayo sa school. Umalis na ang mga magulang mo at bukas babalik sila para pagusapan ang kasal." naging mahinahon ulit ang salita niya.

"pero! hindi pwede mangyari ang kasal!"

"mamaya na natin 'yan pagusapan" sagot niya.

Umalis na kami papauntang school. Kinakabahan ako dahil parang hindi ko pa kayang harapin ang mga tao sa tsismis na pinaguusapan. Hindi ko alam kung paano at sino ang nagkalat ng tsismis samantalang kagabi lang naman nagsimula ang pangyayari.

Pagpasok namin sa school, magkasama kami ni David papuntang Guidance Office para kausapin ang head ng school dahil sabi ni David, kailangan daw kami kausapin. Habang naglalakad kami, marami akong naririnig na nagbubulungan pero hindi ko maintindihan kung ano mismo ang sinasabi nila pero ang alam ko kami ang pinag-uusapan. Nang nasa Guidance Office na kami nagsimula na kami mag-usap ng head ng school na si Mrs. De Guzman.

"pinapunta ko kayo dahil sa importanteng usapan. Alam niyo naman na kayo ang usapan ngayon sa buong paaralan na ito. At naaapektuhan ang image ng school."

maski pala si Mrs. De Guzman ay alam ang tsismis na kumakalat.

"Ma'am, Hindi po totoo ang naririnig niyong usapan hayaan niyo kaming magpaliwanag sa nangyari." sabi ni David kay Mrs. De Guzman.

"Totoo man o hindi ang nangyari Mr. Reyes, naapektuhan pa din ang image ng school at alam mong bawal makipagrelasyon sa isang estudyante sa paaralan na ito. Dahil sa ginawa niyong dalawa, Mr. Reyes, tanggal ka na sa trabaho at Ms. Javier, suspendido ka ng 1 linggo."

sobrang nagulat kaming dalawa sa sinabi ni Mrs. De Guzman. Ngayon, mawawalan na ng trabaho si David dahil sa akin.

"Mrs. De Guzman hindi naman po pwede ito. Ako na lang po ang tanggalin niyo sa paaralan na 'to, please 'wag na po si Sir David" pakiusap ko kay Mrs. De Guzman.

"Tama na, Sabelle.. Pasensiya na po Mrs. De Guzman sa nangyari pero sana magbago pa po ang desisyon niyo na paalisin ako sa paaralan na 'to"

 pagkatapos magsalita ni David ay lumabas na kami sa Guidance Office. 

Hello My TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon