Chapter 5

2.5K 58 0
                                    

Nung sumigaw si David, hindi lang si mommy ang nakakita sa ginawa niya. Kundi ang mga tao na nakapaligid sa mall. Napangiti si mommy at umalis na din siya kaagad. Sa sobrang kahihiyan ginawa ni David, binalak ko na iwanan na lang siya kaya naglakad na ako paalis.. Habang naglalakad ako, bigla niya akong binuhat at pinagtitinginan lalo kami ng mga tao. Nakikita ko sa mga tao na pinagtatawanan kami at kinikilig pa sa amin. May naririnig ako na

 "ang swerte nung babae!"

 "oo nga!"

"ang gwapo ng boyfriend niya!!"

 excuse me hindi ko siya boyfriend! naalala ko yung babae sa bahay niya.

"David! ibaba mo na ako!" hindi ko siya mapigilan dahil malakas siya.

"haha! Teacher mo ko, kaya ako ang masusunod"

kinukulit ko siya na ibaba niya ako pero ayaw niya hanggang sa nasa nakalabas na kami ng mall. Kinagat ko ang tenga niya at nabitawam niya ako, mabuti na lang nakababa ako ng maayos.

"araay!" sigaw niya habang hawak niya ang tenga niya na kinagatan ko.

"pwede ba 'wag mo akong ituring na estudyante! wala tayo sa school at hindi na kita teacher dahil lilipat na ako ng school!"

naiinis ako sa kaniya simula ng makita ko ang babae kanina sa bahay niya. Parang ang landi landi niya! mayroon siyang girlfriend tapos bubuhatin niya ako na akala ng ibang tao kami.ang magkarelasyon! pagkatapos naman, pinigilan niya ako kanina na tutol ako sa plano ni mommy.

"David seryosong usapan na 'to. may itatanong sana ako sa'yo"

 "osige. ano 'yon?"

nakangiti pa din siya kaya hindi halata sa mukha niya na seryoso siya.

"bakit mo sinabi kay mommy na papakasalan mo ako?"

 "ANONG KASAL?!"

may nagsalita na parang nagulat sa narinig niya. galing sa likod ni David ang boses pagkalingon namin ni David, nakita namin ang babae. Ang babae na nakita ko na nasa bahay ni David. Gulat na gulat ang reaksyon niya sa narinig, Parang natameme si David na hindi niya alam kung paano o ano sasabihin niya sa girlfriend niya. Kinabahan ako baka gumawa ng scandal ang girlfriend niya o baka pag sasampalin si David at sabunutan ako na halos kaladkarin sa lupa.

"miss, wag ka magalit! hayaan mo muna ipaliwanag namin sa'yo"

pero hindi siya nakinig sa akin. nilapitan niya si David at hinampas niya ng bag na paulit-ulit at pinagsisipa niya sa paa. sabi na nga ba eh! tama ang hinala ko! kaya hinanda ko na ang sarili ko lumaban kung sakaling saktan niya ako.

"bakit hindi mo sinabi sa akin na ikakasal ka na!! wala ka man lang sinasabi sa amin nila mama't papa! ano ka bang klaseng anak at kapatid!! ang sama mo! napakasama mo kuya!" sabi ng babae kay David.

ANOOO?! KUYA?!! haha napaka-dumi talaga ng isip ko kahit kailan! bakit nga naman hindi ko napansin na magkapatid sila tutal parehas pala silang katangian na napansin ko din kay David noon sa school.

  "aray! tumigil ka na angela! masakit kaya!!"

"HAHAHA!"

napatawa ako ng malakas dahil sa katangahan ko, namali ako ng inakala at gumaang ang pakiramdam ko. Napatingin sila sa akin kaya napatigil ako sa pagtawa

"uhm mauuna na ako.." sa tingin ko mahaba pa ang pag-uusapan nila magkapatid kaya aalis na lang ako. 

"sandali! sasama ako sa'yo!" sabi ni Angela.

"huh?!"

teka bakit gusto niya sumama sa akin?

"dahil magiging asawa ka na ng kapatid ko, gusto kita kilalanin.. ako nga pala si Angela. tara na!!"  at bigla niya hinatak ang kamay ko at tumakbo papalayo kay David. 

Nang nakalayo na kami kay David, huminto kami..

"Sabelle nga pala ang pangalan ko"

nagkangitian kami, sa tingin ko, tanggap niya ako na maging asawa ng kuya niya..bigla niya ako niyakap ng mahigpit, napaiyak siya at sabing..

"alagaan mo ang kuya ko, hindi kasi nagtatagal ang girlfriend niya dati sa kaniya dahil inaaway ko sila.. gusto ko, ako lang ang mag-aalaga sa kuya ko, pero na realize ko na mangyayari din na may ibang tao na mag-aalaga dapat sa kuya ko."

pagkatapos niya akong yakapin, ikiniwento niya sa akin na patay na ang mga magulang nila. At nakitira siya sa kapatid ng mama nila. Nang pagkagraduate ni David, lumayo si David para magtrabaho.. para matustusan ang pag-aaral ni Angela. Ikikiwento ko  Sa ikinwento niya sa buhay nila ni David, masaya ako dahil mas lalo ko makikilala si David at naaawa ako sa kanilang magkapatid dahil wala na silang magulang. Mabuti na lang, meron sa kapatid niya na nag-aalaga.

Nakauwi na ako sa bahay, naging malapit kami sa isa't isa ni Angela.. Kinabukasan ng umaga, binalak ko na bisitahin siya sa bahay ni David. Pagpunta ko sa bahay ni David, Nakita ko na may dalang malaking bag na dala-dala si David at kasama niya palabas ng bahay si Angela.

"Sabelle!!" tinawag ako ni Angela at sinabi niya na..

"Huwag ka mag-alala, hindi ka tatakasan ng kuya ko, sasamahan niya ako pauwi sa Ilocos." birong sabi ni Angela.

"manahimik ka nga Angela! Sabelle, pasensiya ka na sa kapatid ko"

natawa kaming dalawa ni Angela..

"free ka ba ngayong araw na 'to?" tanong sa akin ni Angela..

"Oo, wala akong pasok ngayong buong linggo" sagot ko sa kaniya.

"edi mabuti! sumama ka na sa amin! tutal sabay na lang kayo umuwi bukas ni kuya."

magandang pakinggan sana kaso nakakahiya naman kay David dahil baka hindi niya naman gusto.

"kung gusto mo, tatawagan ko ang mommy mo para mapaalam kita."

masayang masaya ako dahil si David pa mismo na nagsabi na ipapaalam niya ako kung sakaling pumayag ako.

"osige ba, salamat sa pag-aaya sa'kin"..

Tinatawagan na ni David si mommy at pumayag naman daw kaya umalis na kami papuntang Ilocos

Hello My TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon