Chapter 2

3.6K 68 0
                                    

Pag kalingon ko, nakita ko ang Physics teacher namin na patabi sa akin. Bigla bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto ko umiwas sa kaniya para hindi magpakita ngunit hindi ko magawa dahil sa lakas ng ulan. Dahil sa wala ako magagawa kailangan ko siya harapin. 

"Hi S-s-i-r--"

hindi ko matuloy ang pagkasabi ko dahil hindi ko alam ang pangalan niya, dahil sa late ako sa klase niya kaya hindi ko naabutan ang pagkilala niya sa sarili .

"David Reyes"

"Sorry po" sagot ko sa kaniya.

"haha! mag-ingat ka sa pag-uwi mo."

habang paalis na si Sir Reyes. Parang napatulala ako habang tumatawa siya sa harap ko, napangiti din ako dahil sa sarili ko, bigla ako nakaramdam ng saya. At nagulat ako dahil halos lahat ng nagdadaan sa waiting shed ay pinagtatawanan ako dahil nakita nila ako nakangiti mag-isa. Tumila na pala ang ulan pero gabi na kaya naman bigla ako nagmadali para umuwi na.

Habang naglalakad ako pauwi, napakadilim ng daan at hindi na ako pamilyar sa dinadaanan ko. Mukhang naligaw ata ako. Pero dumiretso pa din ako sa paglakad. Napansin ko parang may sumusunod sa likod ko kaya naman binilisan ko ang paglakad ko. Hanggang sa tumatakbo na ako at naririnig ko din ang hakbang ng paa niya na sumusunod sa akin. Naririnig ko din ang bakal na kinakaliskis niya sa lupa. Sa sobrang takot ko, binilisan ko lalo ang takbo ko para may mahanapan ako ng hihingiin ng may tutulong sa akin. 

Sa wakas, may nakita ako na bahay na bukas ang pinto at bukas ang ilaw kaya panigurado mayroong tao sa loob ng bahay. Bigla akong pumasok sa bahay at nakita ko si Sir Reyes. Nang nakita ko siya, bigla ko siya niyakap at napaiyak ako.

"oh! Sabelle ano nangyari sayo?! mayroon ba nangyari masama?"

halata sa mukha niya na nagulat siya dahil nakita niya ako umiiyak at niyakap ko siya.

"sir David natatakot ako!"

bigla ko tumigil sa pagyakap sa kaniya. Naalala ko sa kaniya ang kapatid kong lalaki na kapag natatakot ako, lagi ko siyang niyayakap.

"Sabelle huminahon ka. ikwento mo sa akin kung ano nangyari sa'yo at paano ka nakapunta dito."

alalang sagot niya sa akin. Pagkatapos ko ikwento sa kaniya ang nangyari..

"Sabelle mas mabuti kung tawagan ko ang magulang mo para maiuwi kita sa bahay niyo."

"nakatira lang po ako sa dorm dahil malayo ang bahay namin" sagot ko.

"dito ka muna magpalipas ng gabi"

"maraming salamat po sir Reyes"

"huwag mo na akong tawaging Sir Reyes, hindi ako sanay na mayroong tumatawag sa akin niyan sa labas ng school at huwag mo ako kakausapin na may po at opo dahil 20 pa lang ako. Maaga kasi ako nag-aral noon"

na-amaze ako sa kaniya dahil ang aga niya nag-aral siguro dahil matalino talaga siya at kapag ngumingiti siya ngayon, lagi ako kinakabahan. 

Pinatulog niya ako sa kama niya, at siya naman ay sa sala. Makalipas ng ilang oras hindi pa din ako makatulog dahil hindi ako komportable sa tinutulugan ko. kaya naman pumunta ako sa sala nang makita ko si David na nanunuod ng tv tinabihan ko siya sa sofa para manuod din at kausapin siya.

"oh, Sabelle bakit gising ka pa?"

"hindi ako makatulog kaya naisipan ko lumabas muna ng kwarto."

hindi ko alam kung ano ang title ng pinapanuod namin pero love story siya. Hanggang sa nahantong ang palabas sa kissing scene. Hindi kami mapakali dalawa dahil sa palabas kaya bigla niya nilipat ang channel at nagtawanan kami. At bigla nag-ring ang cellphone ko, 'pag katingin ko si mommy pala ang tumatawag kaya sinagot ko kaagad.

"anak! tumawag sa akin ang roommate mo, hindi ka pa daw umuuwi. nasaan ka ngayon? papunta na ako sa dorm mo."

grabe mag-alala ang mommy ko simula ng namatay sa aksidente ang kapatid ko.

"mommy, ayos na ako ngayon. nandito ako sa bahay ni David" hala! nakalimutan ko sabihin na Sir David siguradong pupuntahan niya talaga ako

"ANNOO! nasa bahay ka ng lalaki?! pumunta ka na sa dorm mo at isama mo ang lalaking iyan!"

Hello My TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon