Chapter 1

7.5K 86 5
                                    

First Day ng Senior High School, Sobrang tahimik sa klase in short "NGANGA" lang kayo sa loob ng klase. Pero meron din mga papansin, maarte, maloko at hindi naman mawawala sa loob ng klase iyon. Nang biglang dumating na ang adviser namin para ipakilala ang sarili niya at walang katapusang paulit-ulit i-introduce ang sarili namin sa klase. Mga ilang minuto, isinulat ni Ma'am Dela Cruz ang Schedule para bukas. First period namin ang Physics. What The F*ck ayaw na ayaw ko talaga ang mga subjects na related sa Science! Tulad ng Biology at Chemistry. At ayoko din ng Math, paano pa kaya ang Physics eh puro solving iyon? 

Second Day na ng klase, Oops! mahuhuli nanaman ako sa klase! dahil sa late na ako nagising, kaya pagdating ko sa school medyo hindi pa ayos ang sarili ko. Basang-basa ang buhok, Walang pulbos sa mukha at Halatang bagong gising pa dahil singkit pa ang mata ko. Pag ka daan ko sa tapat ng room namin kompleto na silang lahat. Pero hindi ko masyado mamukaan ang teacher namin sa Physics dahil malayo siya. Ang nakikita ko lang ay matangkad na lalaki, maputi, dala niya ang pananamit at hindi mo mapagkakamalan na high school teacher siya dahil parang bata pa. At Bigla ako pumasok sa pintuan..

"Good Morning Sir, Sorry i'm late."

"Come in"

sa likod muna ako umupo at napansin ko sa katabi ko parang kinikilig at nagpapacute na ewan si Mica. Teka lutang ba isip neto?

Hindi ko namalayan nagtatanong pala isa-isa ang teacher namin kung ano ang ambisyon namin at dahil nahuli ako sa klase, ako na ang huling natawag.

"I'm Sabelle Javier, gusto ko m-ma-g-ing.." hindi ko alam bakit napuputol ang sinasabi ko habang bigla siya papalapit sa akin. Nagulat ako dahil bigla ako kinabahan.

Mabuti na lang bigla nag-ring ang bell, ibigsabihin tapos na ang first period namin. Nagpaalam na ang teacher namin sa Physics. Hindi dumating ang ibang teacher namin at ang iba naman ay saglit lang nag-stay sa klase namin dahil irregular class pa naman ang araw ngayon.

Uwian na nang biglang lumakas ang ulan, naalala ko na may bagyo nga pala pero naiwanan ko ang payong ko. Karamihan sa mga estudyante naglabasan kaagad sa school dahil mayroon naman silang dalang payong at ang mga kaibigan nila. Wala akong kaibigan sa school, dahil bagong lipat lang ako sa lugar na ito. Nanirahan ako sa dormitory dahil medyo malayo ang bahay ko. Nag-stay lang ako sa waiting shed para hintayin tumila ang ulan. Hanggang sa tumabi sa akin ang Physics Teacher ko.

Hello My TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon