Chapter 9

1.9K 49 0
                                    

Sa wakas! uwian na din! makakalaya na ako sa mga classmates kong magugulo na walang ginawa kundi kulitin ako kung ano ang simula ng love story daw namin. Sa totoo lang, wala naman kaming love story dahil: una, HINDI KAMI MAGKARELASYON dahil hindi rin naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Never pa ako nagkaboyfriend basta parang kakaiba lang ang nararamdaman ko sa kaniya at hindi ko din maipaliwanag. Pangalawa: parang kaming STRANGER pero engaged kami sa isa't isa. Dahil magiging mag-asawa nga kami pero hindi niya kilala ang buong pagkatao ko at ako din, hindi ko nga alam kung ano ang iniisip niya na magpapakasal kami next year.

Sumakay na ako ng jeepney at kumuha ako ng bayad para sa pamasahe. Nakita ko sa wallet ang sing-sing noong bata ako. Naalala ko si Buknoy, siya ang nagbigay sa akin ng sing-sing. Ang sabi niya pa sa akin noon, 

"balang araw magugulat ka nalang mag-asawa na tayo!"

Naisip ko na hindi na magagawa ni Buknoy na pakasalan niya ako dahil meron na ako magiging asawa next year. Kung sakali bang magkita kami ngayon at nalaman niya na ikakasal ako kay David, pipigilan niya ba kami? o nawala na yung pagkagusto niya sa akin? 

Aandar na sana ang jeepney kaso biglang humabol na pasakay ng jeepney si David. Pumuwesto siya sa harap ko. 

Tumingin ako sa labas ng jeepney at nakita ko ang mga classmates ko na kinikilig nanaman sa amin, kumakaway sila at kinawayan din ni David.

"haay grabe! buti na lang nakahabol ako sa jeepney"

"ang daming jeepney dito na pasakay papuntang sa bahay niyo bakit dito ka pa humabol na pasakay?" tanong ko.

"hindi kita naihatid kanina kaya susunduin na lang kita."

"salamat" sabay ang pagngiti ko sa kaniya.

Nakababa na kami ng jeepney, sinamahan niya ako palakad pauwi ng dorm na tinitirhan ko. At nakarating na din kami.

"salamat David, ingat ka"

paalis na siya at kinawayan ko siya. Hindi pa ako pumapasok ng dorm dahil tinitignan ko kung safe siya papalayo sa akin. Nang nakalayo na siya at hindi ko na siya matanaw saka ako pumasok ng dorm.

Hello My TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon