Hiling

24.8K 940 135
                                    

17



Nakahiga lamang ako sa aking kama, tulala sa kisame habang iyong buong katawan ko ay namamanhid na sa sakit. Sa bawat sandaling naririto ako sa bahay ay mas nararamdaman ko ang bigat ng mga nangyari. This is the first time that I've felt the enormity of our house. Before, I never really care if there are five rooms, an entertainment room, a huge sala and a grandiose Spanish styled kitchen and dining room. Ngayon ko lang naramdaman na malaki ang bahay namin. Ngayon lang, dahil mag isa na ako.


Mabilis na lumipad ang aking braso para takpan ang aking mata at pigilan ang nagbabadyang luha. Parang pelikulang paulit ulit na naglalaro sa isipan ko ang nakita ko kanina sa unit ni Trey. I remembered how he sleeps soundly on his bed, nude while his other girl walks around his unit as if it's nothing.


Hindi ko na alam kung saan ako mas nasaktan. Sa kaalaman na may iba siya o sa katotohanan na hindi na naman ako naging sapat. Or maybe both. Maybe I am shattered because he chose another girl because I am not enough.


Malungkot akong umupo sa aking kama noong narinig ko ang panibagong ring ng aking phone. Mabilis ko iyong dinampot para makita ang mga texts at tawag ni Trey sa akin.


I felt my eyes heating up for the nth time when I saw his name on my screen.


'Yo, are you okay? Tumatawag ako, hindi ka sumasagot.'


'Yturralde?'


'Illea, may problema ba?'


Hindi ko na binasa iyong iba niyang texts. Mabilis kong inalis ang sim ng aking phone bago ako muling humiga. I closed my eyes tightly as another wave of drowning pain crashed into me. An involuntary sob erupted and I bit back my lip.


No Illea. You shouldn't cry. You've been through worse, right? You won't crumble because of this. Ilang beses na rin na hindi ka naging sapat, na hindi ka pinili, kaya bakit nasasaktan ka pa rin? Bakit mas masakit?


My hand crept into the skaterboard pendant my mother gave me. Kumuyom ang kamay ko roon na para bang buhay ko ang nakasalalay sa kwintas na iyon. Oh, how I wish Papa would be here. Kahit ngayon lang Pa, sabihin mo sa akin na makakaya ko kasi hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung ano bang mali sa akin na dapat kong itama? Pa, bakit lagi na lang ako ang iniiwan?


I spent the rest of the day just lying on my bed, pondering about my inadequacy. Naputol lamang ang iniisip ko noong tumunog ang aking alarm, hudyat na kailangan ko nang maghanda para sa pagpunta ko sa Jakarta para sa Asian Games.


Mabigat ang katawan na naligo ako at nagbihis. I wore the official varsity jacket of the Philippines before packing my equipment. Binuhat ko rin ang aking maleta bago ako nagtawag ng kasambahay para magpatulong.


Mang Ben was already putting my things on the back of the car when our doorbell rang. Nilingon ko iyon at agad na sumikdo ang aking dibdib noong makita ang pamilyar na Hummer ni Trey na nakaparada sa tapat ng aming bahay.

Nine Minutes - LEGACY #9 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon