Telepono

27.1K 947 280
                                    

11

Inuuna ko lang iupdate ito para maalign sa timeline ng Hundred Days. Mga isa o dalawang chapters na lang naman. Mauupdate ko na ang HD noon kapag okay na. Salamat!

--------------------

Noong humiwalay siya sa akin ay naiwan ang titig niya sa aking labi. Sabay pa kaming napalunok dalawa habang ako ay hindi na mapakali. Pakiramdam ko ay gustong humiwalay ng kaluluwa ko sa aking balat. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, ano mang sandali ngayon ay sasabog na ako.

"Illea.." his husky voice called me. Tulala lamang ako at hindi makapagsalita habang nakatitig sa kanya. His thumb touched my cheek before finally letting me go.

"Illea!"

Napabitaw ako sa kanya noong may magbukas ng gate namin. Nakita ko si Serise na papasok. Napahinto pa siya sa paglalakad noong makita si Trey at ang hinanda niya sa akin. Isang pilyang ngiti ang sumilay sa labi ng pinsan ko bago siya malisyosong tumingin sa aming dalawa. Palihim ko siyang pinandilatan para mag deny pero humakbang na siya palapit sa amin.

"Hi! We've met before,right?" anas ng pinsan ko. Pormal na tumango si Trey bago naglahad ng kamay kay Sese.

"Trey Fortalejo, nice to meet you again."

Ngumiti si Sese bago tinanggap ang kamay niya. "Serise Santillan," sagot ni Sese sabay kindat sa akin. Bumaling ang pinsan ko sa akin bago hinila ang aking braso.

"Sa bahay na raw kayo maghapunan sabi ni Mama. Pakilala mo rin si Trey sa pamilya," aniya. Namula ako at wala ng nagawa noong hinila niya ako palabas para makapunta sa kanilang bahay. Si Trey ay tahimik lamang na nakasunod sa aming dalawa.

Sumalubong sa amin si Ashton, iyong asawa ni Serise na karga karga sa kanyang balikat iyong mag iisang taon ng si Altair. Their little baby boy was giggling while Ashton throws him slightly on the air. Napangiti naman ako roon. Naalala ko kasi si Papa noong bata pa kami ni Ian. Madalas ay magkukunwari siyang si Iron Man at ililipad kaming dalawa ni Ian sa balikat niya.

"She's here!" anunsyo ni Serise. Bumitaw siya sa akin at agad na lumapit sa asawa't anak niya.

"Oh geez. Come here, baby ko," tawag niya sa anak bago ito kinuha mula kay Ashton. Kinarga ni Sese si Altair at inilapit sa akin.

"Hi kay Ninang baby, dali," anas niya. Serise glowed with happiness while playing with her child. Motherhood suits her best.

"Hello Tair!" bati ko. The child's chubby cheeks were so cute kaya pinisil ko iyon. Altair made a face bago ako hinampas ng hawak niyang maliit na action figure.

"Ay bad!" sabi ng Mama niya. Nilayo naman ako ni Trey bago hinaplos ang ilong kong natamaan.

"Ayos ka lang?" tanong niya. Tumango lamang ako at nilapitan si Altair na masama ang tingin sa akin. Hinaplos ko ang pisngi niya bago siya hinalikan.

"Ang cute ng anak mo Se," sabi ko. Ashton went near us before putting his arms around his wife.

"Nakukuha sa tamang giling yan bes," sagot ni Ash. Siniko siya ni Serise bago ngumiwi.

"Bastos ng bibig nitong bansot na to," aniya. Natawa na lamang ako bago kami inaya ni Serise na pumasok sa loob.

Nilalapag ni Auntie iyong pagkain sa mesa habang si Uncle ay nakikipaglaro sa iba ko pang mga pamangkin. Ibinaba ni Sese si Altair at agad na inalalayang maglakad papunta kina Calliope, iyong anak na babae ni Kuya Seth.

"Hala, kumain na tayo," tawag ni Auntie Tori sa amin. Lumapit si Uncle Stan at yumakap sa beywang ni Auntie. Napangiwi naman ako noong maalala ko si Papa kay Mama.

Nine Minutes - LEGACY #9 (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now