Where?

28.3K 848 67
                                    

8


P.S.

Kindly listen to the song :) Bengga yan beshies, try nyo man :)


--------------


"Would you join the Asian Games?" tanong ni Trey habang titig na titig sa bawat piraso ng chess. Ngumuso lamang siya at kumunot ang noo. I smiled a little bit while he looked at the chess board. It was as if any moment now, an alien would come out of it at bigla na lamang siya kakagatin.


"Yup. My coach called last night, ikaw?" balik tanong ko sabay galaw sa aking bishop. Tiningnan ko ang pwesto ng mga piyesa ko. If only he would remove his horse on his king's left side, I would win..


Pinaglaruan ng hinlalaki niya iyong nakaawang niyang labi at mas lalong ngumuso. His thick eyebrows got more defined whenever he scrunches his forehead, trying to figure out the chess game.


"I think it's just right. Kailangan ko ring malayo rito para hindi ko na maalala si..Noah at Aria," dagdag ko pa. Trey's wickedly brown eyes narrowed as he looked at me. Naramdaman ko kaagad iyong pag iinit ng pisngi ko at agad akong yumuko para malaman kung ano ang susunod kong igagalaw.


Hindi sumagot si Trey pero ramdam ko iyong bigat ng titig niya sa akin. Yumuko lamang ako at pinanood ang pagtaas ng kamay niya. Akala ko ay gagalaw na siya noong maramdaman ko iyong bigat ng kamay niya sa aking ulo, hinahaplos ang kulot na kulot kong buhok.


Bigla akong napaangat ng tingin sa kanya. Trey was just smiling while touching my hair.


"Are you sad?" he sweetly said. I opened my mouth to speak but his hand on my head lowered and touched my cheeks.


"Wag ka ng malulungkot ha? I won't be in Jakarta with you when you get sad over Noah," aniya. Titig na titig lamang siya sa mukha kong hinahaplos niya.


"W-what do you mean? You won't join the games?" nanlulumo kong sabi. Inalis niya ang kamay niya sa pisngi ko at halos habulin ko iyon. The absence of his touch made me long for it. Hindi ko alam kung ano iyong nasa kanya na gusto ko ulit makuha. Maybe it's the hidden security beneath his touch? Or the heat that calmed my heart. Alin man sa dalawa, alam kong gusto ko ulit maramdaman ang hawak ni Trey.


Malungkot siyang tumango. "Iba ang pinili ng coach ko para sumama sa Jakarta. I think my father is behind this.."


Kinagat ko ang labi ko. I know how important it is for him to participate in the Asian Games. Kapag nanalo siya roon ay magiging matunog ang pangalan niya para sa Olympics. That would mean sponsors for him. Mas magiging madali siyang makakasali sa Olympics kung makakasa siya sa Jakarta.


""You know, I had a dream last night.."


"Ano?" sakay ko sa kanyang sinasabi. Sumandal siya sa kanyang upuan at tiningnan ako.


"I was in the arena, laban ko raw."

Nine Minutes - LEGACY #9 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon