***

34.6K 788 68
                                    

3


I fired another arrow and it hit the bullseye, again. Sunod sunod lang ang bawat bitaw ko sa pana habang iniisip ko kung paano ako nagkamali. How can I be so careless? How did I even manage to submit myself to a complete stranger? Bukod sa pagiging gago, wala na akong alam tungkol kay Trey.


Bakit sa lahat ng pagkakataon para maging tanga, ito pa ang pinili ng utak ko?


Umupo ako sa lapag bago ko inalis ang aking gear. Niflex ko ang kamay ko habang hinihingal na nakatingin sa mga pana na nakatarak sa target. Hanggang ngayon ay lutang pa rin ang isip ko. It's been weeks eversince Trey and I had an..an.. damn! Bakit kahit ang isipin ay di ko magawa?


Ano na lang sasabihin ng mga tao sa paligid ko? Ni Noah? Ipinaglalaban ko kaming dalawa pero paano na ngayong hindi na ako malinis? Paano na lang niyan?


I have lived with calculated expectations and all of them were met, ito lang talaga ang mali. Kumbaga sa isang algebraic expression, si Trey ang variable na dapat icancel dahil imbes na makuha ang sagot, makakagulo lang siya.


Kinagat ko ang hintuturo ko noong makarinig ako ng katok. Sabay noon ay ang pagbukas ng pinto at ang pagsungaw ng kapatid ko.


"Ate, almusal na daw," aniya. Wala sa loob na tumango lamang ako at tumayo. Kunot noo ang binigay ni Ianna sa akin. Kumapit siya sa braso ko at sabay kaming bumaba.


"Ayos ka lang?"


Tumango ako. Nilingon ko ang kamay niyang balot sa pintura mula sa pagpipinta niya.


"Ian, have you made a huge mistake before and regretted it after?" tanong ko sa kapatid ko. Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako.


"Hmmn? Why? May ginawa ka?"


Tinitigan ko lang siya. Nanlaki iyong mata ni Ian bago suminghap.


"Oh my god Illea! Nakapatay ka ba? May pinana ka?" OA niyang sabi. Hinila ko ang braso ko bago umiling.


"No..mas malala," mahina kong sabi. Ngumuso si Ian at muling kumapit sa braso ko. Bumalik iyong kaba sa aking dibdib kaya kinagat ko ang aking daliri.


"I've made some huge mistakes before, Ate. Pinagsisihan ko rin sila ng sobra sobra. But if there is one thing that I have learned, it is the fact that even mistakes are fated to happen for us to learn," mahaba niyang sabi. Ngumiti si Ian at bumitaw sa akin.


"Mistakes happen Illea. Normal lang iyan. It's a mistake to miss your bullseye. It's a mistake to mix purple and green paints because its eew. Sometimes, it's also a mistake to be late."


Napatanga ako sa huli niyang sinabi. Alanganin akong ngumiti bago ko muling hinawakan si Ian.


"Sasabihin mo ba sa akin?" pangungulit niya. Malungkot akong umiling. I don't want you to know Ian. This will be my dirty secret. I will keep this until I die. Itatago ko ang katotohanang naibigay ko ang sarili ko sa maling tao.

Nine Minutes - LEGACY #9 (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now