Tree House

27.7K 925 86
                                    

9



"Bakit sinabi mo sa Papa mo yun?" tanong ko kaagad noong makapasok na ang Papa niya sa kwarto nito. I was forced to eat dinner with them, and of course, dahil sa kagaguhan nitong Fortalejo na ito ay bigla akong nagisa ng Tatay niya.


He asked me tons of questions. Kailan daw kami nagkakilala ni Trey, anong nagustuhan ko sa anak niya at kung ano ano pa. Gusto ko sanang sabihin na walang kagusto gusto kay Trey pero nanahimik na lamang ako. Nakakaawa si Fortalejo.


"Wala lang. Gusto ko lang pagtripan si Papa," pilyo niyang sagot habang pinaglalaruan iyong punching bag. Napailing na lamang ako at kinuha iyong punching bag sa kanya bago itinulak iyon papunta sa kanya. Mabilis naman siyang umiwas.


"Come on Illea. Hindi mo ba ginagawa kay Augustine Yturralde ito? Masaya kayang pagtripan minsan yung mga Tatay," he wickedly said. I threw the punching bag once again at him. That jerk.


"Wag kang ganyan Trey. Baka kapag nagka anak ka ay sumakit ang ulo mo."


Ngumuso siya, "Oh, I'm sure you would raise our kids well," he said. Napasinghap ako habang siya ay tinitigan naman ang aking reaksyon. Noong nakita niyang nagulat ako ay humalakhak siya.


"Joke lang. Ang seryoso mo Yturralde. Chill," he said. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. He bit his lips while looking at me.


My chest felt like burning while I was staring at him. Kumalabog iyong dibdib ko habang nakatitig si Trey sa akin, pilyong pilyo ang tingin.


Bumuntong hininga siya pero hindi pa rin bumibitiw sa akin. Luminga linga siya sa private gym niya bago ako muling tinitigan.


"What do you think of putting an archery board here," turo niya sa kaliwang parte ng boxing ring.


"Huh?"


"Dito ka na lang magpractice para sa Games. Sabay tayo," aya niya. I rolled my eyes at him. Marahas kong binaklas iyong kamay niya sa braso ko at tumalikod sa kanya. I breathe hard to calm my raging heart. What is happening Illea Auriel? Damn it.


"Illea, baby.." tawag niya sa akin. I was about to make a protest when I felt his arms encircling my small waist. Hinila niya ako palapit sa kanya hanggang sa dumikit iyong likod ko sa dibdib niya.


"T-Trey.."


He swayed a little while holding me still. Napahawak ako sa braso niya habang gumagalaw siya.


"Trey.. what are you doing?"


Nilingon ko siya. He let me go from his back hug before taking my arms and putting them on his shoulders. Napatingkayad pa ako dahil hindi ko siya halos maabot. God! Nakaflats lang ako.


"Pandak," tukso niya. I opened my mouth but he just laughed. Bumitaw siya sa akin bago hinawakan ang aking beywang. He took one curled end of my hair before tucking it behind my ears.

Nine Minutes - LEGACY #9 (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now