Rosas

30.3K 972 89
                                    

6


Malalim na ang gabi noong makarating kami sa Palawan. Naghahalo na lang iyong itim at lila sa kulay asul na dagat, nagbabadya ng panibagong simula sa susunod na umaga. Ipinikit ko ang mata ko para lakbayin ng aking diwa iyong bilog na buwan.


The cold breeze touched my cheeks and I opened my eyes. Dito sa lugar na ito ay aggawa ako ng malaking kasalanan. Dito sa lugar na ito ay kukunin ko si Noah mula kay Aria. Dito sa lugar na ito, sa wakas, ay ipaglalaban ko naman ang sarili ko.


Dito sa lugar na ito, ibabaon ko lahat ng naging mali sa pagkatao ko. Para sa muling pagbalik ni Noah sa akin, hindi na ako ang Illea na sobrang magmahal sa ibang tao. Sa pangalawang pagkakataon namin ni Noah, magiging bagong Illea ako na handang ipaglaban siya.


"Yo," untag ni Trey sa akin. Nakasuot na iyong itim niyang raybans habang hila hila ang aking maleta. He removed his cap and harshly put it on my head.


"Wha—"


"Baka may makakita sayo. Pagkaguluhan ka pa," masungit niyang sabi. Inayos ko lang iyong cap habang siya ay agad na sumubok magpara ng taxi. Agad naman kaming nakasakay. Pinagbuksan ako ng driver habang si Trey ay umuupo sa tabi ko.


"Aria texted me. Kasama raw niya iyong staff ng photoshoot sa beach. They were hanging out." Anas ni Trey. Nilingon ko siya habang umuusog.


"What about Noah?"


"Kasama niya. Naglalaro raw sila ng truth or dare," sagot ni Trey. Tumango lamang ako. Pasensya na Noah. I'm doing this for us. Probably it's time to give myself a chance, right?


Nabasag ang kung ano mang iniisip ko noong magsalita ang driver.


"Saan po kayo?" tanong noong lalaki. May dinukot si Trey sa kanyang bulsa bago inabot sa driver iyong maliit na piraso ng papel.


"Take us there," utos niya. Siniko ko siya sa bruskong pagkakasabi niya. He just groaned before looking at the driver.


"..please," dugtong niya, halatang labag sa loob. Bahagya akong natawa sa asta niya pero nanahimik na lamang ako. He rolled his eyes and I can't contain my laughter inside me. Tumalim ang mata niya at tinakpan ang aking bibig.


"Shut up Yturralde."


Pilit kong tinatanggal iyong kamay niya sa aking bibig habang siya ay naiinis na.


"Pikon," biro ko. The sides of his lips curved upward and a hint of a smile showed. Bago ko pa man makita iyong ngiti na iyon ay agad na siyang bumaling sa may bintana para itago iyon.


"Ganyan rin po kami ng asawa ko noong bagong kasal kami," sabat noong driver. Napatingin ako sa kanya at agad akong pinamulahan ng pisngi.


"Ay hindi p—"


"Talaga?" sansala ni Trey sa akma kong pagtanggi. Lumawak iyong ngiti ng driver bago siya lumiko sa isang kalsada.

Nine Minutes - LEGACY #9 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon