Sugal

26.9K 911 148
                                    


16



Nakita ko si Mama na tulala na naman sa litrato ni Papa noong kasal nila. She quickly wiped a lone tear from her eyes before sighing deeply. It felt like my heart was being crushed into tiny pieces as I watch my mother still grieving for Papa.


Tumikhim ako para malaman ni Mama ang aking presensiya. Nagtaas siya ng tingin bago ako binigyan ng ngiti. Mabilis akong lumapit sa kaniyang tabi at niyakap siya.


Papa's picture was a bit faded already on the sides. Araw ng kasal nila Mama at Papa iyong litrato. Punong puno ng icing ang cake niya habang ang ibang AEGGIS ay nilalagyan siya sa pisngi. Mama was wearing her wedding gown at that time, laughing at the antics of Papa and his friends.


"He looks so happy there," pun ako. Bahagyang tumawa si Mama bago tumango.


"Alam mo namang palaging masaya ang Papa mo. That's what makes him so good Illea. He never failed to see the beauty in everything," Mama answered. I looked at my mother who was now staring at Papa's picture. Para bang binabalikan niya ang oras kung kailan kinuha ang litrato, kung anong pakiramdam niya noon habang kasama pa si Papa.


"Ma.."


"Illea, anak, alam mong mahal na mahal kita, hindi ba?" anas ni Mama. Kumunot naman ang noo ko sa naging tanong niya.


"Bakit Ma?"


Malungkot ang ngiti ni Mama habang luminga sa buong bahay, may luha na sa kaniyang mga mata. The wind blew from the opened windows and the sound of our chimes rushed in. Napapikit si Mama ng mariin bago bumuntong hininga muli.


"Gusto ko sanang tumira kina Ianna, kung ayos lang sayo," sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko bago bumaha sa akin ang pagtutol.


Lumunok ako ng mariin. "Sa Greece? Mama pero.."


Tinutop niya ang kaniyang bibig gamit ang palad. "H-hindi ko na kasi kaya Illea, na makita itong bahay na wala ang Papa mo. Hindi ko kayang tumingin sa bawat gilid, sa bawat kwarto kasi naalala ko lang siya. Naaalala ko lang na wala na siya. Illea, ang sakit," anas ni Mama bago pumiyok. Kinuyom ko ang palad ko bago napayuko.


"You're leaving me?" mahina kong tanong. Naging marahas ang pagiling ni Mama bago kinuha ang aking kamay.


"Anak hindi, alam mong hindi. Pero kasi.." tumigil si Mama sa sinasabi bago muling tumango.


"Sorry, hindi ko naisip na baka masaktan ka kung sakali," aniya. Hinaplos niya ang aking pisngi bago ako kinabig para mayakap.


"I'm sorry nak," bulong ni Mama. Kinagat ko lamang ang labi ko at mahinang tumango, hindi na kayang makasagot sa sinabi ni Mama.


"Naiintindihan ko Ma. Di mo naman kailangang pilitin ang sarili mo kung di mo na kaya dito," sagot ko. Naramdaman ko ang pagbaon ng kuko ko sa aking palad para pigilan ang totoo kong nararamdaman. Dito kasi sasaya si Mama kaya dapat ayos lang. Dapat..ayos lang.

Nine Minutes - LEGACY #9 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon