Chapter 23

8.5K 306 75
                                    

Zaireen

Hindi ko inaasahan na biglang susulpot si Sanne after ng makipagbreak siya sa akin. Gusto daw niyang makipagbalikan sa akin, nashock talaga ako nun dahil sa sinabi niya at siyempre dahil sa pagsulpot niya. Mas nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Para akong na-engkanto dahil hindi ako makagalaw. Bigla kong naisip si Demi. Mahal na mahal ko si Demi. Kaya naman bahagya akong lumayo kay Sanne. Saktong pagtingin ko sa likod, nandun si Demi na biglang tumakbo. Pinigilan pa ako ni Sanne pero sinabi ko sa kanya na may iba akong mahal. Buti na lang naintindihan niya ako kaya hindi na siya nagpumilit na balikan ko siya.

Ilang linggo din akong iniiwasan ni Demi. Palagi akong nagpupunt sa bahay nila pero palaging sinasabi sa akin ng kapatid niyang si Iris na wala daw doon si Demi. Kinulit ko ng kinulit si Iris para sabihin kung nasaan si Demi. Lahat tinanungan ko, hanggang sa nasabi nga sa akin ni Iris na itanong ko na lang daw kay Diana. Kilala ko si Diana, best friend siya ni Samara. Nakilala ko kasi siya nung kasal ni Zaya at Samara.

Kaya naman nang malaman ko kung nasaan si Demi, agad akong nagpasama kina Zaya at Samara.

"Ate, Hindi mo ba kayang mag-isa? Bakit kailangan kasama pa kami ni Samara?" Tanong sa akin ni Zaya habang nagmamaneho.


"Baka kasi natatakot kay Ate Demi hahaha." Natatawang sabat ni Samara habang kandong si baby Margo sa may backseat. Agad namang sumang-ayon si Zaya. Sarap nilang pagbuhulin eh. Pero sa totoo lang natatakot talaga ako kay Demi. Nakakatakot kasi siya kapag galit eh. Pero bakit ka naman matatakot? Diba wala ka namang ginawang kasalanan? Diba si Sanne ang mismong humalik sayo? Sabat naman ng isip ko. Tama nga naman. Dapat hindi ako matakot kay Demi. Wala naman akong ginawang kasalanan eh.


Halatang inis si Demi nang makita nita ako sa bahay ng mag-asawang Diana at Johansen. Halata din na kinakabahan ang dalawa. Panay naman ang irap sa akin ni Johansen.

Pagtapos kumain ng hapunan, agad na nagpaalam si Johansen na pupunta na ng kwarto. Panay naman ang tulak sa akin ng mga kasama ko.


"Go na, Ate Zai. Puntahan mo na si Ate Dems." Pagpupumilit sa akin ni Johansen.

"Oo nga Ate Zai. Sige na, para makagawa na kayo ng baby hahaha." Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ng kapatid ko. Mag mid finger naman ako sa kanya na ikinatawa nanaman nilang lahat.

Wala na akong nagawa kung hindi umakyat papunta sa kwarto ng mahal kong si Demi. Madali ko namang natagpuan ang kwarto niya. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya naman pinihit ko yung pinto, buti hindi nakalock. Ngiting tagumpay naman ako. Uyyyy, may binabalak ka noh? Tukso ng aking isipan. Napailing na lang ako.

Narinig kong may nagbubuhos ng tubig. Naliligo siguro siya. Kaya naman nahiga na muna ako sa kama para antayin siya. Ang tagal naman niyang maligo. Nababagot ako kaya naman nagyoutube ako at nanood ng fashion show ng Victoria's Secret. Nalibang naman ako sa kakanood. Ang ha-hot talaga nila lalo na si Elsa Hosk.



"What the fuck!" Napatingin naman ako sa sumigaw. Ngingiti sana ako pero napalunok ako pagkakita sa kanya.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Inaantay ka." Tipid kong sagot sa kanya habang nakatutok na ako sa cellphone ko. Ayoko kasi siyang tignan. Nakatapis lang siya ng tuwalya.


"Lumabas ka nga! Naiirita ako sa pagmumukha mo." Nilakasan ko naman yung volume ng phone ko, naka earphone din ako. Gusto ko lang siyang inisin. Napansin kong umasim yung mukha niya, lihim akong napangiti.

Nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang cellphone ko pati na din yung earphone ko.

"Kaya pala wala kang naririnig eh. Tutok na tutok pa mata mo dito." Pinakita niya naman sa akin yung pinapanood ko.

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now