Chapter 22

8K 304 35
                                    

Demi Lei

Tumawag si Iris kay Johansen, tinatanong kung nandito daw ba ako dahil hinahanap daw ako ni Zaireen. I just rolled my eyes ng sinabi sa akin ni Johansen yun. Payne is pain. Sambit ko sa isipan ko. Iyan ang kasabihan naming magpipinsan.


"Ate, Hindi naman sa nangingielam ako ha. Kung kausapin mo na kaya si Ate Zaireen at pakinggan mo yung paliwanag niya. Mahigit one week na din eh. One week ka na ding hindi pumapasok." Sabi sa akin ni Johansen habang pinapalitan ng diaper si Jodi.


"Bahala siya sa buhay niya! Babaera siya." Napailing naman sa akin si Johansen.

"Para kang bata Ate Dems. Hay nako! Bahala ka. Baka magsisi ka pa sa huli." Makahulugang sabi pa niya. Hindi na lang ako kumibo at tinuon ko ang pansin ko sa pamangkin ko na ngayon ay ngiti ng ngiti sa akin. Kaya naman ng matapos palitan ng diaper ni Johansen si Jodi, binuhat ko ito.


"Bagay pala sayo maging nanay. Kailan niyo balak magkaroon ng anak ni Ate Zaireen?" Humagikgik pa niyang tanong sa akin. Kahit hindi alam ni Jodi yung pinag-uusapan namin, narinig namin na tumawa si Jodi. Sinamaan ko naman ng tingin si Johansen.


"Misis Aguilar, Hindi ba pwedeng kasal muna bago diyan sa anak anak na yan?" Natawa naman siya sa sinabi ko.


"So, gusto mong makasal kayo? So ano pang dinadrama drama mo diyan at ayaw mo siyang kausapin ha?" Inirapan ko naman siya.

"Ang hirap sayo Ate Dems, ang pabebe mo nako!"


"Nagsalita ang hindi. Pare-pareho lang tayong magpipinsan noh!" Sabi ko sabay paikot ng mga mata ko kaya naman natawa siya at tumango-tango.


--

Napagdesisyunan kong pumasok na. Bahala na si super girl, bakit ba? Sa crush ko si super girl eh kaya bahala na si super girl kung makita ko si Zaireen.

Panay naman ang bati sa akin ng mga trabahador ko. Mukhang next year pa matatapos ang proyektong ginagawa namin. May susunod ulit kaming project, mukhang magiging abala na ako neto.


"Girl! Buti naman at naisipan mong pumasok." Bungad sa akin ni Candice.


"Kailangan eh. Baka sabihin nanaman ng tatay ko na wala akong silbi at walang kwenta."


"Hindi totoo yan noh! The best ka kaya." Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi niya.


Buti na lang hindi sumusulpot si Zaireen kaya naman nang mag-uwian na nagmadali akong sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko na yung kotse ko patungo sa bahay nila Johansen, doon na muna ako sa kanila. Atleast walang manenermon sa akin. Naisipan kong kumuha na lang ng condo pero parang ang lungkot dahil ako lang mag-isa. Buti ba kung kasama mo si Zaireen noh? Sabat nanaman ng isip ko. Bwisit! Puro na lang Zaireen! Zaireen! Hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng bahay nila Johansen na puro Zaireen ang iniisip ng isip ko.

Pagkapasok ko sa bahay nila Johansen nabungaran ko ang nakangising si Zaireen. Kasama niya sina Zaya at Samara na kausap ngayon ni Johansen at Diana habang karga-karga ang kanilang anak. Uggghhh! Masasapak ko kung sino ang nagsabi kay Zaireen kung nasaan ako. Inirapan ko naman si Zaireen. Mukhang napansin naman ng iba ang presensya ko kaya napadako ang tingin nila sa gawi ko.

Hindi naman nila alam kung anong gagawin at sasabihin nila ng makita nila ako. Samantalang prenteng nakaupo lang si Zaireen sa may sofa. Ibinigay naman ni Samara yung si Margo kay Zaya.

"Hi Ate Demi. " Bati sa akin ni Samara at lumapit sa akin para makipagbeso. Ngumiti na lang ako sa kanya.


"Ah-hehe. Buti sakto ang dating mo Ate Dems." Halatang kinakabahan si Johansen kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Dinner is ready..." Nakangiwing sabi naman ni Diana.


"Tara na. Kain na tayo. Gutom na ako eh." Sabi naman ni Zaya. Nagsitayuan naman sila maliban kay Zaireen. Ako naman ay nakatayo lang habang nakatingin sa mga tao na papunta na sa kusina. Tinawag naman ni Johansen yung maid nila at pinabantayan ang dalawang bata na nasa crib na.

Masamang tingin ang pinukol ko kay Zaireen ng marinig kong umubo siya.


"Paano mo nalaman na nandito ako ha?" Diretsang tanong ko sa kanya. Napangisi naman siya na kinainis ko.


"Marami akong paraan honey." Sagot niya sabay kinindat sa akin.

Hinagis ko naman sa kanya yung bag kong VS na regalo sa akin ni Iris. Natatawang nasalo naman niya yun.

"Bwiset ka talaga!" Inis kong sambit sa kanya at iniwan siya. Nagpunta ako sa kusina, naabutan kong nagkakasiyahan sila. Tumahimik sila ng mapansin nila ako.

"Sino ang nagsabi na nandito ako?" Seryosong tanong ko sa kanila. Naupo ako sa tapat ni Johansen. Napansin kong napalunok si Diana.


"A-ako A-Ate Dems hehe." Pag-amin ni Diana sabay peace sign sa akin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin, halatang natakot siya sa akin. Alam kong takot sa akin si Diana kapag nagtataray o nagsusungit ako.


"Ate Demi, stop it. Tinatakot mo yung asawa ko." Saway sa akin ni Johansen. Nagatawanan naman yung dalawang mag-asawa. Inirapan ko na lang sila.

Nainis naman ako ng sumunod na din si Zaireen at talagang tumabi pa sa akin.

"Hi, honey." Bati sa akin ni Zaireen ng makaupo na siya sa tabi ko. Nagulat naman ako ng halikan niya ako sa pisngi ko. Halata namang nagpipigil ng tawa yung mga taong kasama namin sa hapag kainan.

"Honey your face. Madami ka sigurong hina-honey." Mataray kong saad sa kanya.


"Ikaw lang honey ko." Nakangiting sabi niya at kinindatan nanaman ako. Parang may kung anong kilig akong naramdaman sa sinabi niya. Parang may naramdaman nanaman akong kiliti sa sikmura ko.


"Ahemmm... guys. Pwede magdasal na muna tayo tapos kumain kasi lalamig na yung foods eh. Mamaya na kayo mag eye fuc---" Hindi na natapos ni Zaya yung sasabihin niya dahil binatukan siya ni Samara kaya naman nagtawanan kami pero pakiramdam ko namumula ang mukha ko. Hindi ko alam na nagtititigan na pala kami ni Zaireen. Para kasing kami lang ang tao dito.


"Ang bastos mo talaga! Nasa harap tayo ng pagkain." Inis na sabi ni Samara.


"Oh sorry. Nasa tabi ko din yung pagka--" Isang batok pa ang natanggap ni Zaya kay Samara kaya puro tawanan ang maririnig sa buong kusina.


Pagtapos naming kumain napagdesisyunan kong umakyat na papunta sa kwarto ko. Hindi ko alam na nakasunod pala sa akin si Zaireen.

"Demi, please let's talk." Seryosong saad niya.

Dahil nga sa matigas ang ulo ko, hindi ko siya pinakinggan at sinaraduhan ko siya ng pinto. Narinig ko pang tinawag niya ako at kumatok ng kumatok. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso na ako sa banyo para maghalf-bath. Bahala siyang kumatok ng kumatok at mapaos kakatawag sa pangalan ko.




¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤


Short ud guys. Pasensya na natagalan ang ud. Nalibang kasi akong magdrawing kaysa magmukmok ako char! 😂 Pero pangako tatapusin ko lahat ng stories ko :)

Thanks :)


-Bee :)

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now