Chapter 14

8.7K 328 46
                                    

Zaireen

Puro pagsusungit ang natatanggap ko mula kay Demi, lalo na mula ng halikan ko siya. Ang daldal niya kasi, naiirita ako kaya naman hinalikan ko na siya. Hinalikan na muntik ng mapunta sa ano basta yun. Halatang nabitin siya, ako din naman eh pero gusto kong gawin yun kapag mag-asawa na kami. Asawa talaga Zaireen? Eh mukhang basted ka nga sa kanya kahit kayo na pero nililigawan mo pa din siya.

Pinilit ko lang pala siyang maging girlfriend ko tapos tinakot ko lang siya. Halata namang ayaw niya sa akin eh. Masakit yun para sa akin. Bakit? Kasi matagal ko na siyang gusto. Matagal ko na siyang mahal. Minamahal ko siya ng palihim. Hindi niya naman ako kilala eh. Si Taylor lang nakakaalam ng totoong nararamdaman ko para sa kanya. Wala akong lakas na loob malapitan siya dahil may iba siyang mahal.

Flashback

Hinatid ko si Kissy sa bahay nila, gosh muntik pang may mangyari sa amin kung hindi lang bumusina yung kotse kanina. Pagtapos kong maihatid si Kissy, nadrive na ako pauwi.

Nang nasa may madilim at tagong parte na ako ng daan, napatigil ako sa pagdadrive. May nakita akong dalawang babaeng nagtutukaan. Medyo maliwanag yung pwesto nila dahil sa ilaw ng poste.

Nakahiga na yung isang babae sa may harap ng kotse. Nagulat ako ng makita ko kung sino yung nasa ibabaw ng babaeng nakahiga.

Demi... Bulong ko sa sarili ko.

May kung anong kumirot sa puso ko pagkakita ko sa kanila kaya naman nagdrive na ako pauwi.

-

Nakatanaw lang ako sa kanya habang nagbabasa siya dito sa library. Hanggang tanaw na lang ako sa babaeng matagal ko ng iniibig. High school pa lang kami siya na yung first love ko. Palagi kong pinagdadasal na sana maging magkaklase kami kaso sa kasamaang palad palaging magkaiba yung section namin. Hindi ko siya malapitan dahil alam kong mahigpit yung daddy niya, base din sa pagpapa-imbestiga ko. . . Homophobic daw yung tatay niya. Para tuloy akong stalker na nito. Kaya naman lalo akong nawalan ng pag-asa na pwedeng maging kami. Kayo agad? Sabat ng isip ko. Nakukuntento na lang ako sa kakatanaw sa kanya, kaya naman sa iba ko na lang binaling itong nararamdaman ko kaso palagi na lang akong hinihiwalayan at iniiwan.

Ewan ko ba, sabi nila sa akin nasa akin na daw lahat pero parang hindi naman dahil nagagawa pa akong saktan, lokohin at iwan.

"Bro, baka naman matunaw si Demi niyan ha." Biro sa akin ni Taylor. Napabuntong-hininga naman ako tsaka tinuloy na lang yung ginagawa kong activity namin.

"Bakit kasi ayaw mong lapitan?" Pangungulit pa sa akin ni Taylor.

"I saw her the other night. . . Kissing. . . With a girl. I think girlfriend niya yun." Mahinang sabi ko kay Taylor dahil nga bawal ang maingay dito sa library.

"Huwaaattt? I thought na homophob ang dad niya?" Nagkibit-balikat na lang ako.

"I don't know. Siguro tago yung relasyon nila." Matamlay kong sagot kay Taylor. Tinapik naman niya yung balikat ko.

End of flashback

--

"Zup, Ate." Napailing na lang ako kay Zaya. Mukhang nahawaan ni Samara ng kadaldalan at pagkatsismosa. Alam ko namang naghihintay siya ng tsismis tungkol sa panliligaw ko kay Demi na pinilit kong maging girlfriend ko.

"Wala. Zero pa din." Malungkot kong sabi sa kanya habang inaamoy yung bagong pabango na gawa sa company namin.

"Tsk! Ang bagal mo naman ate eh. Baka mamaya niyan di na kayo makabuo ng baby." Natatawang biro pa niya kaya naman binato ko sa kanya yung hawak kong pabango. Nasalo naman niya yun agad at nagspray tsaka inamoy.

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now