Chapter 19

8.4K 323 31
                                    

Demi Lei

Kanina ko pa napapansin na parang hindi mapakali si Zaireen. Napaisip ako kung napasok pa ba siya kasi halos araw-araw nandito siya sa site minsan naman naalis lang siya para sunduin si Collin. Minsan na-iimgine ko na anak namin si Collin kapag kaming tatlo ang magkakasama. Para kaming happy family. Parang gusto ko na tuloy magkaanak.

"Zaireen, okay ka lang ba? May problema ba? Kanina ka pa kasi paikut-ikot diyan eh. Nahihilo na ako." Hindi ko na kasi natiis yung pagpapaikut-ikot niya. Nahihiyang napakamot siya sa ulo at nahihiyang ngumiti. Kahit sa pagngiti niya parang ang hinhin niya.

"Hehe. Sorry. Ma-may gusto kasi akong sabihin sayo." Napakunot naman ako ng noo at nag crossed arms.

"Ano yun Ms. Cruise?" Nakataas naman ang isang kilay ko. Napangiwi naman siya at napakamot ulit sa ulo niya.

"A-ano ka-kasi..." Saad niya habang nakayuko siya. Pinaglalaruan niya yung mga daliri niya.

"Nandiyan ba ako? Tumingin ka nga sa akin. Ayoko ng kinakausap ako tapos wala sa akin yung atensyon." Nagpout naman siya at namumulang tumingin sa akin. Gusto ko sanang tumawa dahil sa itsura niya pero pinigilan ko lang.

"Ano kasi eh..."

"Ano? Puro ka ano diyan. Ano ba yun? Kapag hindi mo pa sinabi ng maayos hindi na kita papansinin." Bigla naman siyang napalunok at halatang natakot sa sinabi ko.

"Ano... PwedeBaKitangLigawan?" Mabilis na sambi niya.

"Ano??? AYUSIN MO! ISA ZAIREEN HA!" Kunwareng galit kong sabi sa kanya. Lalo naman siyang natakot. Tsk. Ina-under mo agad si Ms. Cruise, Demi. Singit ng isip ko.

She cleared her throat bago nagsalita ulit. "Sabi ko, Pwede ba kitang ligawan Demi?" Nakangiting tanong niya pero namumula yung magkabilang pisngi niya. Napakagat labi naman ako para pigilang huwag mapangiti. Sasabihin din pala niya eh, pinatagal pa niya.

"Akala ko hindi mo itatanong yan eh. Hindi pa naman ako easy to get." Nakangising sambit ko sa kanya.

"Eh nahihiya ako eh. Ano pwede ba Demi?" Napangiti naman ako ng banggitin niya yung pangalan ko, ang sweet ng pagkakasabi niya. Kagat labing tumango ako.

Nagliwanag naman yung mukha ni Zaireen at masayang niyakap niya ako.

--

Halos isang linggo na akong nililigawan ni Zaireen. Masasabi kong napaka sweet at caring niyang tao. Sobrang effort din ang ginagawa niya para sa akin. Habang tumatagal mas nakikilala ko pa siya. Akala ko talaga noon napakamaloko niyang tao pero hindi naman pala. Maloko lang siya kapag nagjojoke siya. Napakabait at matulungin niya sa kapwa. Nalaman ko din na may tinutulungan pala silang charity. Mahilig pala siya sa bata, parehas kami. Nabanggit niya pa nga na gusto na daw niyang magkaroon ng sariling pamilya kasi hindi niya maiwasang hindi mainggit sa kapatid niya na may sarili ng pamilya pero kahit ganun daw masaya siya para sa kapatid niya. Sinabi pa nga niya na ako daw ang magiging nanay ng magiging anak namin at siya naman daw ang magiging nanat at tatay ng magiging anak namin. Sobra akong kinikilig kapag naaalala ko yun.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ha?" Biglang sulpot ni Zaireen sa harap ko. Pinagmamasadan ko kasi yung building na second floor palang. Medyo matatagalan kasing matapos yung tinatayong mall nila Zaireen, masyadong malawak din kasi pero nasusunod naman namin yung deadline. Kaso iba pumasok sa isip ko habang pinagmamasdan ko yung building. Si Zaireen. Unti-unting nakukuha niya na yung loob ko. Pati ba yung puso Demi? Singit nanaman ng isip ko. Malapit na. Lihim akong napangiti.

"Kasing lalim pa yan ng pagmamahal mo sa akin?" Nakangiting tanong pa niya. Naparolled eyes naman ako sa kanya habang natatawa.

"Bumabanat ka nanaman Miss Cruise eh. Ano ba yang dala mo?" Napansin kong may hawak kasi siyang paper bag.

Payne Sisters Series: Demi LeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon