Chapter 9

8.4K 300 55
                                    

Demi Lei

Nakarinig ako ng isang malakas na katok na nagmumula sa pinto ng aking kwarto. Tinatamad akong bumangon dahil sa sobrang pagod. Gusto ko lang sulitin tong restday ko dahil naloloka ako sa pagtatrabaho, pero ang totoo naloloka ako kay Zaireen Cruise! Sobra niya akong pinapahirapan. Halos araw-araw siyang nandun sa site kung saan itatayo yung mall nila. Palagi niya akong kinokontra o binabara man lang buti. Arrggh!! Hindi ko alam kung gumaganti ba siya sa akin or nananadya na eh. Narinig kong may kumakatok pa din.

"PASOK!" Sigaw ko dahil tinatamad akong bumangon.

"HAPPY 29TH BIRTHDAY ATE!" Boses yun ni Iris.

"Happy birthday to you... happy birthday... happy birthday... happy birthday Ate Demi!" Napatayo naman ako bigla dahil boses yun ni Allison, pareho silang kumanta ni Iris.

"Allison!" Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Nakisali na din sa amin si Iris.

"Kailan ka pa umuwi?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina lang Ate. Mamaya na tayo magchikahan, make a wish and blow the candles muna." Napaikot na lang yung mga mata ko at sinunod yung sinabi niya.

May binigay naman sikang regalo sa akin, ganun din si mommy. Si daddy ko? Wala. Nandun lang siya sa kwarto niya.

"Ate, 29 ka na pala. Ang tanda mo na bakit hindi ka pa mag-asawa?" Natatawang tanong sa akin ni Iris na sinang-ayunan naman ni Allison.

"Eh wala pa sa isip ko yan eh tsaka wala nga akong nagiging girlfriend. Magiging asawa pa kaya?" Napapailing na sabi ko sa kanila.

"Bakit kasi Ate ayaw mong magboyfriend?" Singit pa ni Allison.

"Hindi lang talaga ako into boys. Hindi ako katulad niyo na straight." Napansin ko naman na tumahimik bigla si Iris. Hmmm... parang may something.

"Yeah right. Whatever ate. Naunahan ka pa ni Ate Hansen eh. May anak na sila ni Ate Diana." Sabi pa ni Allison.

"Darating din ako diyan." Nagkibit-balikat naman sila sa sinabi ko.

----

Napakaliit talaga ng mundo, biruin niyo kilala pala ng asawa ni Hansen si Zaireen. Kapatid daw kasi nun ay asawa ng kaibigan niya. Small world talaga.

"Oh Ate, buti naman at nandito ka na. May naghahanap sayo. Nasa may pool area, hinihintay ka." Sabi sa akin ni Iris ng makasalubong ko siya.

Kunot noong nagpunta naman ako sa likod ng bahay namin. Wala naman kasi akong inaasahang bisita. Gusto ko sanang tumakbo palabas ng bahay pero huli na dahil nakatingin siya sa akin.

"Ba-bakit?" Nauutal kong tanong sa kanya. Tinuro niya naman yung upuan na parang sinasabing maupo ako. Ang bossy talaga ng Zaireen na toh.

"Gusto ko lang na bawiin mo yung sumpa mo sa akin. 9 years ago, I think? Dahil simula nun nagkanda letse-letse na yung love life ko. Kasalanan mo yun. Hindi ko nga alam kung bakit mo yun ginawa eh. Hindi naman kita kilala." Seryosong saad niya.

Gusto ko sanang matawa dahil masyado siyang naniwala sa sumpa. Nagawa ko lang naman yun dahil kailangan ko ng pera para sa tuition ko. Napabuga muna ako ng hangin bago magsalita, this is it.

"All right." Nakapikit na sabi ko sa kanya at tinaas yung kamay ko sa gawi niya. Shit! Ano ba tong kagagahang ginagawa ko. Natatawang sabi ko sa isip ko. Gusto ko sanang matawa pero nun dumilat ako seryosong nakatingin lang siya sa akin kaya naman pumikit ulit ako.

"Alisin... alisin... alisin ang sumpa kay Zaireen Cruise." Paulit-ulit kong sinabi habang nakapikit pa. Ilang sandali pa'y dumilat ako at tumingin sa kanya.

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now