Chapter 15

8.7K 326 52
                                    

Demi Lei

Bigla akong nakosensya nang makita ko yung binigay sa akin ni Zaireen. Pangalan ko ang nakalagay sa name ng perfume na binigay niya. Baka sa mukha niya kanina ang lungkot. Gusto ko sanang bawiin yung mga nasabi ko sa kanya pero parang may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ko masabi. May kung anong kumurot din sa puso ko ng makita kong nalungkot siya sa mga nasabi ko. Wala kasing preno yang bibig mo Demi eh. Sabat ng isip ko.

Hindi din maayos yung pakikitungo ko sa kanya, nakalimutan kong sila ang client namin tapos hindi pa ako naging nice sa kanya. Samantalang ang ayos ng pakikitungo akin ni Zaireen. Maayos naman ang pakikitungo ko sa kapatid niya pero hindi ko alam kung bakit ganun ako kay Zaireen. Base kasi sa kwento akin ni Abbey, madami daw naging girlfriend slash exe's si Zaireen kaya naman pakiramdam ko hindi siya seryoso sa inalok niya sa akin na maging girlfriend niya tapos maging asawa pa.

"Ang bango nito Ate ah. Kanino galing?" Hindi ko naman namalayan na nakuha na pala ni Iris yung pabangong hawak ko.

"Kay Zaireen." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Yieeee, ang sweet naman niya at talagang name mo pa ang nilagay na pangalan sa pabango ha."

"So kamusta naman kayo Ate?" Tanong pa niya.

"Sabi ko kasi wag na lang ako eh tutal madami namang iba diyan tsaka hindi naman namin mahal ang isa't-isa tapos ako pa ang gagawin niyang girlfriend niya." Malungkot kong kwento sa kanya. Bakit ba ako nalulungkot? Diba dapat masaya ako dahil hindi na niya ako kukulitin at iistorbohin.

"Malay mo Ate may gusto sayo yung tao. Sabi mo nga ang sweet niya tapos ang ayos pa ng pakikitungo sayo. Ikaw lang tong panay pagsusungit at pagtataray sa kanya. Hindi mo alam na baka nasasaktan na siya sa mga nagagawa mo. Try mong maging nice sa kanya Ate. Malay mo siya na pala ang makatuluyan mo." Mahabang sabi ni Iris.

"Eh wala na. Pumayag naman siya sa sinabi ko na iba na lang at wag ako."

"Pero ate, tanong ko lang. Nagkakagusto ka na ba sa kanya? Kahit kaunti lang." Napaisip naman ako sa tanong ni Iris sa akin. Nagkakagusto na ba ako kay Zaireen? Hindi ko alam dahil gulung-gulo ang isip ko. Mula kasi ng magbreak kami ni Alexina, hindi na ako nagkaroon pa ng kasintahan. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil may hinahanap ako na hindi ko mahanap. Hindi ko nga lang alam kung ano o baka naman sino? Sabat ng isip ko.

"Alam mo matulog ka na Iris. Alam kong pagod ka." Pag-iiba ko na lang para iwas doon sa tanong niya. Buti na lang hindi na siya nangulit.

-

"Good morning Miss Zaireen." Bati ni Candice at Barbara nang makasalubong namin si Zaireen, ako lang ang hindi bumati. Tumango naman si Zaireen at tipid na ngumiti sa kanila. Sa kanila lang hindi sa akin dahil hindi man lang niya ako tinignan.

"Anyare sa bebe mo Demi? Bakit hindi ka ata pinansin? Tsaka wala atang binigay sayong bulaklak." Takang tanong ni Candice. Halos araw-araw kasi akong binibigyan ng bulaklak ni Zaireen, minsan naman cake or cupcakes na gawa daw nila ni Samara. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanila.

Halos ilang linggo ko nang napapansin na iniiwasan ako ni Zaireen. Namimiss mo na noh? Sabat ng isip ko. Ikaw kasi eh, masyado kang naging hard kay Zaireen. Sabat naman ng konsensya ko. Nasabi ko na din kay Candice yung naging pag-uusap namin ni Zaireen. Nasabihan pa ako ni Candice na malamang iiwasan ako ni Zaireen dahil nasaktan daw iyon, kinokonsensya pa ako eh. Kesyo kasalanan ko naman daw. Parang hinahanap-hanap ko yung pangungulit niya sa akin. Ano bang ginawa mo sa akin Zaireen Cruise?

Nakarinig naman ako ng parang may nagtatawanan. Pagtingin ko sa paligid nakita ko si Zaireen, may kasamang babae. May kung ano akong naramdaman kaya bigla akong nainis.

Payne Sisters Series: Demi LeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon