Chapter 18

8.8K 344 54
                                    

Zaireen

"Imagine me and you, I do
I think about you day and night
It's only right
To think about the girl you love
And hold her tight
So happy together." Kanta ko habang naghahalo ako ingredients sa ibi-bake kong cupcake. Nagpapaturo kasi ako kay Samara magbake, ang bilis ko nga daw matuto eh tapos ang sarap pa ng nabi-bake ko. Samantalang si Zaya daw halos sunod at walang lasa yung nabi-bake, natawa na lang ako.

"Aba, mukhang masaya ka Ate Zai ha." Biglang sulpot ni Samara. Nandito kasi ako sa bakeshop nila. Naisipan kong magbake tapos nagpatulong sa kanya. Kasama ko nga din si Collin eh. Nasa may labas siya kasama si Olivia, kumain sila ng lunch.

"Yes naman. Dapat happy lang." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Mukhang inlove ka ha." Nakangiting sambit niya. Nagkibit-balikat na lang ako at tinuloy yung pagkanta ko, sinabayan naman ako ni Samara.

"I can't see me loving nobody but you for all my life
When you're with me, baby, the skies will be blue for all my life." Papikit-pikit pa ako habang kumakanta at pasway-sway pa. Samantalang si Samara ginawa ng mic yung panghalo sa itlog habang feel na feel niya yung kanta. Napailing na lang ako sa kanya. Hindi nanaman siguro nakainom ng gamot niya. Sambit ko sa isip ko.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ha." Biglang sulpot ni Zaya. Inilagay na namin sa oven yung ginawa namin.

"Si Ate Zai eh, halatang inlove na inlove." Humagikgik pang sabi ni Samara sa asawa niya.

"Ano palang ginagawa mo dito? Si Margo? Dumaan ka ba kina mommy?" Sunud-sunod na tanong ni Samara.

"Oo. Dumaan ako kina mommy. Wag kang mag-alala, todo asikaso sila mommy kay baby natin." Minsan kasi sila mommy ang nag-aalaga kay Margo na pamamgkin ko. Minsan naman mommy at daddy ni Samara ang nag-aalaga. May kasambahay naman sila pero makukulit ang mga matatanda eh. Gusto nila sila ang mag-alaga sa apo nila.

"Okay. Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ulit ni Samara kay Zaya. Para namang sawa si Samara kung makayakap sa leeg ni Zaya. Ang babastos. Tsk. Sa harap ko pa sila naglalandian. Respeto naman sa mga single oh. Uminom na lang ako ng milk shake na gawa ni Samara.

"Nagce-crave kasi ako sa  ensaymada mo eh, yung malaking ensaymada. Ang sarap kasi nun." Nakangising sagot ni Zaya. Napansin ko naman na humawak si Zaya sa kanang dibdib ni Samara kaya nasamid ako. Jusko! Hindi na sila nahiya sa harap ko.

"Ang bastos mo talaga. Nandiyan si Ate Zai oh." Natatawang sambit ni Samara kay Zaya. Pinalo naman ni Samara yung kamay ni Zaya.

"Isipin niyo na lang hindi ko nakita. Labas muna ako baka mamaya kasi makanood ako ng live porn." Tawa-tawang sabi ko sa kanila. Inirapan naman ako ni Zaya.

"Tawagin mo na lang ako Sammy kapag okay na." Tumango naman si Samara sa akin.

Naupo naman ako sa bakanteng upuan at binuksan yung laptop ko para manood ng movie habang inaantay na maluto yung binake namin. Saktong dumating naman yung mag-ina. Ako kasi ang nagbabantay at nag-aalaga kay Collin dahil nagtatrabaho yung nanay niya. Ayaw pa nga ni Olivia dahil sobra na daw yung naitulong ko sa kanya pero dahil makulit ako, pumayag na din siya. Sinusundo ko naman sa school si Collin pag uwian na nila. Si Olivia naman ang naghahatid sa anak niyang si Collin.

"Ate Ganda." Masayang lumapit naman si Collin sa akin.

"Ikaw na muna ang bahala Zaireen kay Collin ha?" Nahihiyang sabi pa niya.

"Don't worry. Ako na ang bahala." Nakangiting sabi ko naman.

Nanood naman kami ni Collin ng movie sa laptop ko. Dahil bata siya, nanood kami ng animated film. Coco ang pinanood namin. Mukha namang nag-enjoy panoodin ni Collin.

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now