Chapter 13: Special Chapter

9.5K 330 22
                                    

[A/N: Isisingit ko na lang love story ni Candice at Barbara dito 😁 Kapag ginawan ko sila ng story baka iilang chapter lang haha tsaka may dalawang story pa akong susunod 😊]

-------

Candice

Nagtataka ba kayo kung bakit mainit ang dugo ni Barbara sa akin? Hmmm... sige kukwento ko. Flash back tayo.

Maaga akong nagising dahil magpapasa ako ng resume sa company nila Demi. Kahit best friend ko yun siyempre gusto ko yung pormal akong mag-aapply sa company nila, gusto kong maging fair. Pagtapos kong mag-ayos agad akong bumaba at kumain ng almusal. Ako lang mag-isa dito sa condo ko. Sila Papa at Mama kasi nandun sa Antipolo. Nandun din yung dalawa kong kapatid, may mga pamilya na sila. Ako ang bunso at nag-iisang babae dahil puro lalaki ang kapatid ko.

Aaminin ko nung bata pa ako mahilig akong maglaro ng mga larong panlalaki at magsuot ng damit panlalaki pero naiba lang yun nung magdalaga na ako. Si mama kasi eh puro pambabaeng damit na ang binili sa akin kaya mula nun ang girly ko na para naman daw magmukha akong dalaga.

Anyways, pagtapos kong kumain agad ko namang hinugasan yung pinagkainan ko. Pagtapos kong i-check ang unit ko kung maayos na ba, tsaka ako umalis.

Papasok na ako sa building ng company nila Demi. Saktong nagtext naman siya na sa 4th floor ko daw siya puntahan.

Pagkarating ko sa 4th floor naghanap ako ng pwedeng matatanungan kung saan yung opisina ni Demi. Buti na lang may nakita ako agad.

"Ahhmmm... Manang, saan po yung office ni Demi Lei Payne?" Tanong ko sa babaeng tutok sa binabasa niyang libro. May suot itong salamin tapos nasabog pa ang buhok nito kaya naman hindi ko masyadong makita yung mukha niya.

Nagulat ako ng hinampas niya sa lamesa yung dalawa niyang kamay. Buti na lang kaunti pa lang ang mga tao dito. Galit na tumayo siya at tinanggal yung suot niyang salamin, hinawi din niya yung magulo niyang buhok. Galit na tumingin siya sa akin pero saglit siyang natigilan. Ako din ay natigilan dahil isang dyosa ang kaharap ko. Akala ko talaga kanina... Maraming namamatay sa maling akala Candice.

"Mukha ba akong manang?" Nakasimangot na tanong niya sa akin.

"So-sorry. Akala ko kasi medyo ma-may edad ka na." Pakiramdam ko nag-init yung tainga ko dahil sa hiya.

"Ganun? Alam mo maraming namamatay sa maling akala. Tsaka excuse me! 23 palang ako. Mukha ba akong manang ha?" Mataray niyang tanong sa akin. Namumula na din siya sa galit.

"So-sorry na. Mag-ayos ka kasi para hindi ka mamgmukhang manang." Nakayukong bulong ko.

"Aba't talagang iniinis mo ako ha! Umalis ka sa harapan ko baka kung ano pang magawa ko sayo!"

"Anong gagawin mo sa akin? Siguro ano noh? Sorry na lang hindi ako napatol sa mga babae eh tsaka may taste ak---" Hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil binato niya sa akin yung librong binabasa niya kanina. Sapul mukha ko.

"Hindi ka lang laitera, manyak pa!" Galit na galit niyang sabi. Asar na ngumiti naman ako sa kanya. Magsasalita pa sana ako ng marinig kong tinatawag ako Demi.

"Nandito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay. Sumunod ka na lang sa akin." Tumango na lang ako sa kanya. Hinagis ko naman yung librong binato ni manang, nasalo naman niya yun. Tatalikod na sana ako pero narinig kong may sinabi pa siya.

"Alam mo akala ko bakla ka. Hindi kasi sayo bagay yung magsuot ng mga ganyan." Napalingon naman ako sa kanya at nakaturo siya sa suot kong dress. 

"How dare yo--"

"Miss Candice, pinapatawag na po kayo ni Ma'am Demi." Putol ng isang babae kaya naman sinamaan ko ng tingin si Manang. Siya naman ang nang-aasar na ngumiti.

Payne Sisters Series: Demi LeiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora