Chapter 11

9.3K 333 24
                                    

Demi Lei

Inis na binato ko yung mga gamit ko pagkauwi ko ng bahay. Bwiset na Zaireen yon! Gawin ba naman akong girlfriend at mapapangasawa din daw niya. Nahihibang na ba siya? Nagawa pa niya akong takutin!

"Oh ate? Having a bad day?" Tanong sa akin ni Iris na kakalabas lang siguro ng kusina, naka apron pa kasi siya. Umiling naman ako sa kanya.

"Eh bakit narinig kong may mga bumagsak? Tapos nakasimangot pa." Binalingan niya naman ng tingin yung mga gamit kong nagkalat. Mukhang naghihintay naman siyang magkwento ako, napasabunot naman ako sa buhok ko pag naaalala ko si Zaireen.

"Okay. Maupo ka. Ikukwento ko." Mukha namang excited siya sa kwento ko. Sayang wala si Allison, nag-out of town daw kasama mga friends niya. Mahilig pa naman sila sa mga chikas ni Iris.

Kaya naman nag-umpisa na akong magkwento kay Iris.

"Then ngayon, ako na lang daw ang gagawin niyang girlfriend or pwede din daw maging asawa niya." Bored kong huling kwento sa kanya. Wala pang limang segundo nagtitili na siya.

"O to the M to the G! O.M.G! Zaireen Cruise as in? Crush ko kaya yung kapatid niyang si Zaya! Alam mo ba may-ari sila ng branded na perfume tapos may ilan din silang malls dito sa Pinas." I rolled my eyes. So what? Hindi ko alam pero naiinis ako kay Zaireen. Siguro dahil masyado siyang babaera? Base kasi sa kwento ni Abbey yun eh.

"Will you please calm down Iris Layne? Tsaka si Zaya Cruise? Crush mo? Sabi sa akin ni Diana, asawa ni Zaya yung bestfriend niya. Kaya back-off! And wait. . . Kailan ka pa nagkacrush sa babae? Diba straight ka?"

Nagdududang nakatingin naman ako sa kanya. Napangiwi naman siya. Natatawa ako sa itsura niya para kasi siyang naiihi na natatae na ewan.

"Hehe. Ba-balik nako sa kusina ate. Masusunog na yung niluluto ko eh." Tatayo na sana siya pero pinaupo ko siya ulit.

"Not so fast sister. Sa akin ka pa naglihim ha? Tsaka this past few days may napapansin ako sayo eh. Masyado kang blooming." Siniko naman niya ako.

"Ano ka ba ate! Blooming naman ako palagi eh! I'm always gorg!" Sabay flip hair niya. Tinignan ko naman siya ng masama.

"FINE! IThinkI'mNotStraightAnymore." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

"Ayusin mo! Hindi ko narinig!" Nagpout naman siya kaya pinisil ko yung ilong niya.

"Sabi ko, I think I'm not straight anymore." Nakayukong ulit niya. Kung kanina siya naman yung nagtitili, ako naman ngayon.

"O to the M to the G! O.M.G!" Pag gaya ko sa kanya kanina kaya lalo siyang nagpout. Masayang kinurot ko yung magkabila niyang pisngi.

"Welcome to the rainbow world sissy! I'm happy na lumadlad ka na din." Natatawang saad ko sa kanya kaya naman siniko nanaman niya ako.

"Pero ate pwede ba sa atin muna toh? Please." Tumango naman ako sa kanya.

"So who's the lucky girl?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Si---" Hindi na niya natapos yung isasagot niya dahil biglang dumating sina mommy at daddy. Agad na lumapit si Iris kay mommy at daddy. Tumango naman sa akin si daddy, tipid na ngumiti naman ako sa kanya.

---

"Buti nandito ka na Dems! Totoo bang girlfriend mo na si Miss Zaireen?" Agad na nanlaki naman yung mga mata ko sa tanong ni Candice sa akin.

"What the heck! Saan mo yan nakalap?"

"Kasi kanina hinahanap ka niya sa akin eh. Palagi na lang sa akin hinahanap yung mga taong nawawala. Mukha ba akong hanapan? Kulang na lang pati feelings hanapain." Binatukan ko naman siya, humugot nanaman kasi siya.

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now